29/05/2026
OPLAN BALIK-ESKWELA (OBE) 2026
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027, pormal na inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang 2026 National Oplan Balik Eskwela (OBE) sa pamamagitan ng DepEd Memorandum No. 030, s. 2026.
Layunin ng OBE na matiyak ang maayos, ligtas, organisado, at nakasentro sa mag-aaral na pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga tanggapan ng DepEd, mga katuwang na ahensya, at mga tagapagbigay-serbisyo sa buong bansa. Isasagawa ito mula Hunyo 1 hanggang 11, 2026 at naglalayong agarang matugunan ang mga katanungan at magbigay ng tulong sa mga mag-aaral, magulang, at iba pang stakeholders sa panahon ng pagbubukas ng paaralan.
Kaakibat ng inisyatibong ito, buong pagmamalaking ipinapakilala ng Cahil Elementary School ang kanilang mga OBE Focal Persons na nakahandang tumulong at tumugon sa inyong mga katanungan at pangangailangan.