23/04/2026
Matagumpay na naisagawa ang 4th Local Council Executive Board Meeting ng Boy Scouts of the Philippines-Calaca City Associate Council na ginanap sa Calaca City Division Hall, Poblacion 2, City of Calaca, Batangas.
Pinangunahan ang pagpupulong nina Sofronio C. Ona, Jr., City Mayor at Council Chairperson, Rodel D. Gutierrez, LT, Council Scout Executive at Dr. Gregorio T. Mueco, CESO VI , Council Scout Commissioner.
Ang Scouting ay hindi lamang isang programaโito ay isang kilusan na humuhubog ng mga responsableng mamamayan at lider ng kinabukasan.
Sama-sama nating itaguyod ang adhikaing ito para sa mas matibay at nagkakaisang komunidad!