31/03/2026
๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ
Sa gitna ng palakpakan at mga ngiti ng tagumpay sa pagtatapos, isang kuwento ang tumatak sa puso ng marami - ang kuwento ni Ronnel S. Delos Reyes, Jr. Ang kaniyang kuwento ng pangarap, pagsisikap, at pag-asa bilang kinatawan ng mga nagsipagtapos sa Mababang Paaralan ng G. Dumalasa ay nagbigay inspirasyon sa lahat upang magpatuloy para sa tagumpay.
๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐.
Sa kaniyang mensahe, ibinahagi niya ang kanilang simpleng pamumuhay. Araw-araw, tinatahak niya ang mahabang daan papuntang paaralan - naglalakad sa ilalim ng araw, bitbit ang kaunting baon ngunit maraming pangarap. Higit pa sa kakulangan sa pera, ang tunay na hamon ay ang paghubog sa sarili. Kaya naman siya ay nagsikap upang maging isang instrumento ng pagbabago sa kanyang pamilya.
โIsa rin ako sa napakaraming mag-aaral na dumanas ng parehong hamon ng kapalaran. Isang batang nagmula sa isang pamilyang walang marangyang pamumuhay. Walang magagandang kagamitan at tirahan ngunit may naibibigay na sapat na pangangailangan.โ
Ang kanyang pagtatapos ng may karangalan ay isa ring patunay na hindi mahirap mangarap kung ikaw ay magsusumikap at magtitiyaga. Ang ilang taong walang nakukuhang certipiko ng parangal ay hindi naging hadlang upang panghinaan ng loob at mawala ng pag-asa si Ronnel na maging mas mabuti at masipag na mag-aaral.
๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐.
Sa hirap ng buhay, kasama ni Ronnel ang kanyang pamilya bilang inspirasyon at gabay para magpatuloy.
โAlam kong hindi ako mapalad gaya ng iba ngunit akoโy mapalad sa pagkakaroon ng pamilyang handang sumuporta at umaasang balang araw ay makakaahon sa kahirapan. Isa akong patunay na sa kahit anong pagsubok ang dumaan sa aming pamilya, kaya namin itong mapagtagumpayan kung kami ay tulong-tulong at handang magsumikap sa abot ng aming makakaya.โ
Pinasalamatan ni Ronnel ang kaniyang mga magulang sa lahat ng mga sakripisyo nito para sa kaniya at sa kaniyang mga kapatid. Ang kaniyang tatay at nanay ang siyang unang lumaban para sa kaniyang mga pangarap kaya siya ay magpapatuloy upang maabot ang minimithing tagumpay. Sapagkat alam niyang hindi siya nag-iisa, kasama sila sa bawat luha at pawis upang makapagtapos.
๐จ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
Bilang isang mag-aaral na nagtapos ngayong taon, dala ni Ronnel ang pag-asang siya ang unang alas ng kaniyang pamilya upang maiahon sila sa hirap ng buhay. Kaakibat nito ang determinasyon na hindi sumuko sa anumang hamon sa kanyang pagtuklas ng bagong yugto sa sekondarya at sa kolehiyo.
โHindi lamang ang mga mapalad sa buhay ang may karapatang umangat at manguna sa laro ng buhay kundi pati na rin ang mga mahihirap na may busilak na puso at positibong pananaw sa buhay.โ
Bitbit ang mga aral mula sa kaniyang mga magulang, g**o, kaibigan, at kaklase, handa siyang magpatuloy sa buhay at magsumikap upang sa hinaharap ay maging matagumpay.
Ang kanyang kuwento ay simbolo ng pag-asa para sa mga kabataang may kaparehong pinagdadaanan.
Sa bawat Ronnel, may pag-asa. Sa bawat pangarap, may katuparan.