18/08/2026
โ ๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Ipinababatid ng Lumbang East National High School sa mga magulang, mag-aaral, kawani, at buong komunidad na may naiulat na pagnanakaw ng mga gamit at bahagi ng electrical wiring ng paaralan na pinaniniwalaang nangyari nitong nakaraang weekend.
Kabilang sa mga nawawalang kagamitan ang:
โข ๐๐๐ญ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ at ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐จ๐จ๐ฅ mula sa Computer Laboratory sa 4th Floor ng Family Building; at
โข Mga ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ซ๐ข๐๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ/๐ฐ๐ข๐ซ๐๐ฌ mula sa PhilChi Building.
Ang mga kagamitang ito ay hindi lamang simpleng gamit ng paaralan. Mahalaga ang mga ito sa pagpapatuloy ng ligtas at maayos na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
๐๐ฉ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐ค๐ข ๐ ๐จ๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐จ ๐จ๐ฉ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐ค๐ข ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐ค๐ ๐๐๐๐ก๐๐ง๐๐ฃ
Sa sinumang may nakita, nalaman, o may napansing kahina-hinalang kilos o tao sa paligid ng paaralan nitong nakaraang weekend, hinihiling po namin ang inyong ๐ฉ๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง. Maaari pong ๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ-๐๐ฅ๐๐ฆ agad sa school administration o sa sinumang school personnel ang anumang impormasyong makatutulong sa paglilinaw ng insidente.
Hinihiling din namin sa lahat na maging mapagmatyag at makiisa sa pangangalaga at pagprotekta sa mga ari-arian ng paaralan. Ang bawat gamit na napoprotektahan natin ay bahagi ng serbisyong inilalaan natin para sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.
Ang paaralan ay pag-aari ng komunidad. Ang pagprotekta rito ay responsibilidad nating lahat.
Maraming salamat sa inyong malasakit, pakikiisa, at pagiging mapagmatyag.
Lumbang East National High School
Para sa ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na edukasyon ng bawat mag-aaral.