18/01/2025
Kidnapped Hopes and Dreams
Yuan-Grace P. Medina
Kidnapping is one of the common crimes experienced in the Philippines. Recently, Barangay Sta. Ana Taytay Rizal has been in the news reported as one of the places that has most kidnapping cases.
There were four reported cases of kidnapping in the same area with a very little time in between. With the kids’ safety on the line, the Municipality heightened their security.
An eight year old girl named Rylai Kaye Barrun went missing for three days from September 16-18, 2024 and later found dead on September 19 inside a sack suffering from stab wounds.
“Wala naman kaming kaaway. Inaamin ko parehas kaming abala sa trabaho ng kanyang ama kaya minsan sya ay napapasama sa kanyang mga kaibigan sa labas at madalas ay ginagabi. Hindi ko inakala na isang araw magiging biktima sya ng isang karumaldumal na krimen.” the mother of the victim emotionally stated in her facebook post.
The girl reportedly joined her peers to play outside during night time. However, they did not notice when she left and just shrugged it off thinking she already went home.
The following day, the parents took the hunt in social media since they are very much worried that their daughter did not come home.
“Mabait na bata ang anak ko, masunurin at masipag mag aral. Napakasakit bilang ama na hindi ko man lang siya na protektahan sa mga masasamang loob. Gumuho po ang mundo namin. Araw-araw ko sinisisi ang sarili ko kung bakit iyon nangyari sa anak ko.” Mr. Barrun stated when interviewed about how he is coping up with his daughter’s loss.
Other missing children are ages 4-11 and have one thing in common; no guardian visible during the kidnapping.
These instances serve as a reminder for parents to always check on their precious children because people with bad intentions are everywhere and just wait for the perfect time to do their crimes.
The suspect in the killing was caught two days after and is serving time in jail. He was identified as one of their neighbors and was suspected to be under the influence of drugs.
“Ipinapangako po namin na mas lalo naming pag-iigitngin ang seguridad dito sa Taytay upang hindi na ito maranasan ng iba pang kabataan. Ipinapangako ko rin na mananagot ang sinumang gumagawa ng karumaldumal na krimen.” Taytay mayor, Allan De Leon said during an interview.
Editorial Cartoonist: Rheanna S. PIlande
18/01/2025
Dealing with an athlete's enemy: sports injury
Ernest Lorenzo M. Rafol
Sports injury is the worst enemy of an athlete and it is not easy to deal with.
Here are four ways to help athlete when they are injured:
First, accept that you're injured and need some time to take a rest. Since athletes feel frustrated when they cannot train during an injury, they want to get back to their feet as soon as possible neglecting the fact that they need to rest.
Second, knowing what is injured and how to recover from it. Proper medication must be prioritized during the healing process by consulting a physician to help properly treat the injury.
Third, after recovering, go to a physical therapist and attend sessions to gain back your strength and fitness. Approval from a therapist must be secured before going back to training since a not fully healed injury is more dangerous and can cause serious problems.
Fourth, after the recovery stage, you can now start training again and get back to the team with greater hope and will to win.
Injuries happen by accident and the least an athlete can do is to manage his/her injuries the proper way.
18/01/2025
'MENTAL HEALTH MATTERS'
The mental health of students at Exodus Elementary School is becoming a growing concern for teachers and parents.
Many children face stress from schoolwork and social issues which can affect their well-being. One fifth-grader said, “Sometimes it feels overwhelming. I just want to do well, but it’s hard.” This shows the pressure young students deal with every day.
The move to elementary school can also bring challenges. Teachers have noticed that some students find it hard to adjust to new routines and expectations. In response, EES plans to start programs to help students build emotional strength and coping skills.
Technology also affects students’ mental health. A survey at the school showed that many students feel pressure from social media. Angelica Meraptan shared, “Seeing everyone else’s perfect posts makes me feel like I’m not enough.” This highlights the need for open talks about how technology can impact mental health.
To support students, the school is focusing on mental health awareness programs, including workshops and peer support groups. As another student stated, “We need to feel safe talking about our feelings.”
By creating a caring environment, the school aims to improve the mental health of its students, helping them succeed both in school and in life.
18/01/2025
GINTO, nilipad ni Yrech sa Malaysia
ni Anne Bernadette G. Tañola
Nag-uwi ng karangalan si Yrech Joy Cabiara hindi lang sa Rizal, maging sa buong mundo nang masungiit ang ginto sa larangan ng Rhythmic Gymnastics.
Naganap ang laban sa Malaysia noong Setyembre 1, 2024.
“Kinabahan po ako noong una, pero confident naman po ako sa aking performance, at yun nga di po ako nagkamali at naiuwi ko ang gintong medalya”, ani Cabiara, mag-aaral ng Exodus ES.
Pinataob lang naman niya ang mga bansang Thailand, China, Japan, Malaysia at Russia.
Sa kabuuan, naiuwi niya ang isang ginto, isang silver at isang bronze.
Ani coach Amihan R. Fenis, “Her potential in gymnastics is out of the roof because she is determined.
“She is skilled in one leg pivot punchy balance and kick flip”, dagdag pa ng kanyang coach.
Pahayag pa ni Cabiara, “While I was performing I keep a strong mind knowing that I will get gold”.
“I did not let nervousness stop my dreams”, dagdag niya.
Samakatuwid, binahagi ni Ginang Cabiara ang naging journey ng anak.
Ayon sa kanya, nagsimula siya sa rythmic gymanastics noong siya ay walong taong gulang pa lang dahil ang kanyang pinsan ay magaling din sa pivoting.
Nakitaan din umano siya ng potential ni Ma’am Divina, isang coach ng Exodus ES sa Rythmic Gymnastics.
“Simula noon nagsimula na silang magtraining sa paaralan”, saad ni Ginang Cabiara.
Ani naman ni Cabiara, nagsimula siyang lumaban noong panahon ng pandemic ngunit hindi ito naging hadlang na ipagpatuloy ang kanyang pangarap sa gymnastics.
“Mas lalo akong nainspire sa pinsan ko at sa aking sariling pamilya kaya ‘di po ako sumuko”, saad niya.
Labis umano ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang sa walang sawang suporta sa kaniya, maging sa mga coaches na umalalay sa kaniya at nagtiyagang magturo, at higit sa lahat sa Panginoon na Siyang naging gabay niya sa lahat ng laban.
Anya, “Buuin ninyo ang inyong pangarap at pagsikapan na matuto dahil alam ko kung kaya ko mas kakayanin nyo pa po", payo niya sa mga nangarap din maging gymnast.
18/01/2025
Nakapakong Bigas
ni Angelica Mie S. Meraptan
Saan nga ba aabot ng P20 mo? Matatandaang nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong panahon ng kampanya na ibaba sa P20 ang kilo ng bigas nang hindi naaapektuhan ang mga magsasaka.
Marami ang matutuwa kung magkataon dahil malaking tulong ito sa mahihirap na pamilya.
Sa panayam ng RadyoMan Manila, inamin ng ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na mahirap mangyari ang pangakong ₱20 per kilo na bigas.
Marahil, dahil ito sa talamak umano ang smuggling ng bigas sa Rice Tariffication Law, sumbat ng Kilusang Magbubukid.
Dagdag ni Senator Risa Hontiveros, ang nakaaalarmang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa hindi maayos na pamumuno sa DA at ng National Food Authority (NFA).
Kaugnay nito, mag-udyok umano ng pag-angkat ng bigas ang epekto ng El Nino dahil mababawasan ang ani ng mga magsasaka na tinatayang nasa 200,000 MT, anya Raul Montemayor sa panayam ng Bombo Radyo.
Samantala, nagpahayag naman si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Bombo Radyo, saad niya imposible umanong bumaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo dahil tuloy-tuloy naman ang pagtaas ng presyo nito na pumalo pa sa 67 ang retail prize ng premium rice, P57 sa local well-milled rice, at P53 sa local rice.
Bagamat imposible na maibaba sa P20 ang presyo ng bigas, sinabi ni Duterte na maaari pa ring makontrol ang presyo ng bigas kapag humiling si Pang. Marcos sa Kongreso ng emergency powers, ulat ng Bombo Radyo.
Samakatuwid, umaasa pa rin si Pangulong Marcos na mapapababa pa rin ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa bansa, ulat ng Bombo Radyo.
Dagdag pa nito, inutusan ni Pangulong Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) at DA na higpitan ang pagbabantay ng presyo ng bigas at habulin umano ang mga nanlalamang at nagmamanipula ng presyo.
Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang problema sa pagtaas ng presyo ng bigas. Kalampagin lahat ng mapanglamang na negosyante maging ang mga nasa pwesto. Sikaping matulungan at suportahan ang ating mga magsasaka.
Bigyan ng pagsasanay at kagamitan sa makabagong teknolohiya.
Kapag ang mga ito ay naisakatuparan, nakapakong presyo ng bigas ay bababa, mahihirap makakahinga at magsasaka magkaroon ng saganang ani.
18/01/2025
“Panganib na dala ng dengue: Kalinisan ang kailangan”
ni Dwain Paris Lagmay
Nakakabahala ang pagtaas ng dengue sa ating bansa.Ayon sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) halos 33% ang itinaas ng kaso mula noong 2023 hanggang sa kasalukuyang taon.
Naging biktima ng dengue ang mga mag-aaral ng Exodus Elementary School,may mga estyudanteng namatay dahil sa sakit.
Batay sa DOH ang dengue ay isang malubhang sakit na nagdudulot ng isang virus na kumakalat sa pamamagitan ng kagat mula sa Aedes mosquito.Ang Aedes mosquito ay isang uri ng lamok na nagdadala ng dengue kung ito ay nahawaan.Pag ang isang tao ay nakagat ng infected mosquito ay maiipapasa ang sakit sa kanila.
Ayon din sa DOH, ang mga sintomas ng sakit na ito ay mataas na lagnat sa loob ng 2-7 araw, pananakit ng ulo,p ananakit ng tiyan, pagsusuka, pananakit ng likod ng mata, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pamumula ng balat at pagkakaroon ng rashes.
Sinambit rin ng DOH na walang gamot para sa dengue pero may paraan upang maiwasan ang sakit na ito tulad ng panatilihing malinis ang loob at labas ng iyong bahay o tahanan,palagiang pagsuot ng mahahabang damit at linisin ang kontaminadong tubig na maaring maging sanhi ng dengue.
Kaya naman laging maging aktibo at alerto upang maiwasang makuha ang dengue.
18/01/2025
Makabagong Agham: EES inilunsad, SIP
ni Rham Daniel T. Blanco
Inilunsad ng Exodus Elementary Exodus (EES) ang Science Investigatory Project (SIP) na nilahukan mula ikalima hanggang ika-anim na baitang kaugnay ng selebrasyon ng Science Month.
Naglaban-laban ang mga kalahok noong Oktubre 1, 2024 na kung saan iisa-isang ipinakita ang kanilang inobasyon.
Nakasaad sa School Memorandum, ang Science Month ay hindi lang isang selebrasyon kundi pagpapakita ng talento at kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa inobasyon ang pagdiskobre na may temang “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.”
Ayon kay Ma’am Marjury Tagudando, Science Coordinator ng paaralan, mayroong 7 grupo na sumali sa buong kompetisyon.
“May mga hurado na nagtatanong at nakikinig sa mga presentasyon ng mga kompetitor.”, saad niya.
“Ilan sa mga itinanghal ang paggamit ng Calcium carbide na nanguna sa patimpalak na nilahukan ng nasa ika-anim na baitang na sina Rham, Enzo at Harry”, dagdag pa niya.
Ayon sa talaan ng mga nanalo, sinundan ito ng nasa ikalimang baitang na sina Jasmin, Shane at Yuan na isang electric buzzer.
Nasa pangatlo naman ng talaan ang isang pang grupo ng mag-aaral sa ika-anim na isang sa energy generator gamit ang zonrox.
Ani pa Ma’am Tagudando, makakatulong itong inobasyon upang maipakita ng mga bata ang angking talento sa larangan ng agham.
18/01/2025
Hagupit ni Habagat
ni Sophia Margarethe I. Pereda
Sa pagkansela ng mga klase tuwing may habagat ay nagdulot ng hirap at malaking problema sa mga estudyante at mga g**o dahil sa naudlot na kaalaman.
Dapat talaga pag-isipang mabuti ang pagkansela ng klase tuwing masama ang panahon dahil napakahalaga ang bawat araw para sa mga g**o at estudyante, ngunit bakit ang iba ay mukha pang masaya.
Subalit mayroong mga bata at magulang na kahit masama ang panahon, mas naisin pa rin nilang pumasok sa paaralan.
Sa Exodus Elementary School, ramdam ang hagupit ni Habagat sapagkat mahirap maabot ang 75% hanggang 100% mastery ng aralin.
Kahit padalhan mo ng sangkatutak na modyul ang mga mag-aaral, wala namang kakayanan ang karamihang magulang na maggabay sa kanilang mga anak.
Oo nga at may internet, di naman lahat ay kayang makaconnect.
Ni mga mag-aaral walang magamit na gadyet.
Dagdagan pa nang utos ni inay, bantayan ang kapatid at siya ay maghanapbuhay.
“Ang hirap kapag nasa bahay lang kasi po wala akong mapagtanungan”, ani Janel, isang mag-aaral sa ikalimang baitang.
Samantala, marami namang mga interventions ang ginagawa ng paaralan upang pag-aaral ay maipagpatuloy at matugunan.
Sa suporta ng punongg**o, mga g**o ‘di tumitigil maabot lang ang mga mag-aaral upang aralin ay maibigay.
Salamat sa mga modules na naunang nang binigay at messenger na nagsilbing agarang komunikasyon ng g**o at mag-aaral.
May mga magulang din naman na naglalaan ng oras sa mga anak upang sila ay maturuan.
Sa aking palagay, kapag ang pagtutulungan ng magulang, g**o at ang bumubuo ng paaralan sa pangunguna ng punongg**o, matagumpay na maidaloy ang aralin na nakalaan. Hindi man makamit ang 100% na karunungan, marami pa ring paraan ang maaaring gawin kapag nasa face-to-face classes na ang mga mag-aaral.
18/01/2025
‘Nakasentro sig**o ang magiging plano ko for next year sa pagsasaayos ng ating basura,’ – Mayor Elen Nieto
ni Queen Jazmin S. Tagudando
Nagbigay ng mensahe ang alkalde ng Cainta na si Mayor Ellen Nieto tungkol sa kanyang mga plano sa bayan sa susunod na taon.
Makikita sa mga online post ng mayora ang pagpapaigting ng wastong pagtatapon ng mga basura.
“So nandoon pa rin tayo sa kalinisan”, saad niya.
Subalit, hindi lang nakatuon dito ang mga programa, plano pa niya ang pagpapalawak ng serbisyo sa mga taxpayers using the online and digital platform, ani Mayor Elen.
“We will try to build online service para ‘di na mahihirapan”, ani niya.
Paiigtingin din umano niya ang education, whether it is formal education or informal.
Saad niya, sa formal education tutulong sa mga pampublikong paaralan tulad ng libreng gamit para sa mga mag-aaral, free college, at higit sa lahat ay allowance.
Samantala sa informal education naman ay ang mga skills na gustong tahaking trabaho ng mga Cainteños tulad ng baking skills, bar tending, dressmaking at marami pang iba, dagdag ng mayora.
“Ang mga programang ito ay tutulong sa mga mamayan na mapaunlad ang kanilang bayang sinasagisag para na din ito sa ikabubuti ng Cainta”, ani pa niya.
Dagdag pa niya, layunin nito ang kabuuang pag-asenso ng mamamayan dito sa Cainta at alam natin na ang susi sa magandang buhay ay ang edukasyon.
18/01/2025
Cainta deniklara
‘drug-free town’
ni Angelica Mie S. Meraptan
Sinig**o ni Police Executive Master Sergeant Eric Florendo, ang kasalukuyang Municipal Executive Senior Police Officer (MESPO) na ‘drug free’ ang buong bayan ng Cainta.
Ayon sa panayam ng Filipino Journalists kay Florendo, deniklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PEDIA) ang Cainta bilang drug free.
“Ibig sabihin po noon, malaki na ang ibinaba ng kaso ng drugs dito sa bayan ng Cainta”, saad niya.
Aniya, drug free ang lahat ng barangay pero may mga nahuhuli pa rin sa mga barangay ngunit patuloy yung panghuhuli kaya ang statistics ay pabago-bago pero malaki na ang ibinaba.
Dagdag pa niya, kahit na may mga mangilan-ngilan pa na nahuhuli kasama iyon sa mga programa ng Police and Community Allegation sa pagpapalaganap ng masamang epekto ng droga tulad ng mga symposium.
Kaugnay nito, isang symposium ang naganap sa Exodus Elementary School (EES) noong Setyembre 17, 2024 na pinamunuan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council ng Cainta MPS tungkol sa Drug Abuse para sa mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na may temang “The evidence is clear, INVEST IN PREVENTION”.
“Importante po ‘yang pamamahagi ng mga leaflets na may kinalaman sa masamang epekto ng droga sa katawan ng tao”, pahayag ni Florendo.
Samakatuwid, pinayuhan niya ang mga kabataan, hangga’t maaari mahihikayat sila na umiwas sa mga lugar na hinihinalaan na gumagamit ng mga ilegal na droga tulad ng nangyari sa Taytay, ang biktima na iyon ay biktima ng drug user.
“Dahil dito, hindi tumitigil ang ating kapulisan sa panghuhuli ng drug users at pushers dito sa ating bayan”, pahayag niya.
“Kaya tinutulungan din natin ang pamilya na merong kamag-anak na gustong magparehab, ini-endorse sa mga barangay kasi may mga requirements iyan at imbes na sila ay ating hulihin at kasuhan tinutulungan na lang natin na makapasok sa rehabilitation para makapag bagong buhay sila na hindi na kinakailangang makasuhan pa”, pagpapatuloy ni Florendo.
15/01/2025
If there’s a WHEEL, there’s a way: Chloe’s dedication to studies despite being stroller bound
Brent Carl D. Fuentes
Chloe De Guzman, a grade five student in Exodus Elementary School is an inspiration to many. Unlike any other kids, she cannot run around and play. She has inborn weakened legs which causes her inability to walk.
Despite her condition, she and her mom stays positive and industriously go to school every day. Whenever she arrives at school, kids at her building greets and hugs her.
"Love po nila ako. Akala ko po noon may mga magiging bully sa school pero ang classmates ko po, friends ko po sila. Tinutulungan nila ako at inaalalayan. Kaya masaya po ako sa school, marami po akong kaibigan” Chloe said when asked what her motivation is to go to school.
Mrs. Roselyn De Guzman, Chloe’s mother, selflessly supports her daughter every day. They ride from their home, bringing her wheelchair and carrying her whenever she goes in and out of the tricycle going to school.
“Ayaw na ayaw po ni Chloe umaabsent. Sabi po kasi nya masaya sya sa school dahil marami siyang natututunan at marami siyang kabigan. Kaya sinusuportahan ko po siya. Mahirap man magbuhat araw araw, kakayanin ko po basta para sakanya.” Mrs. De Guzman said.
“Noong una natatakot po ako kasi baka po mabully siya. Sig**o ayun naman po ang kinakatakot ng bawat magulang; ang masaktan ang anak. Pero habang tumatagal, yung mga kaibigan nya ay nagiging close na rin saaakin kung kaya nagiging kampante ako na iwan siya sa loob ng classroom. Pasalamat talaga ako sa Diyos na Maganda ang environment ni Chloe.” She added.
Chloe’s smile is contagious. She brings comfort and inspiration to many. Even the teachers feel happy when she is around. Every situation has a purpose and whatever Chloe’s purpose is, God made sure it is a positive one.
15/01/2025
Inner Wheel Club of Rizal Sunrise donates hand-washing area
Rheanna S. Pilande
The Inner Wheel Club of Rizal Sunrise donates hand washing area to Exodus Elementary School. It’s ribbon cutting and turn over ceremony was held on September 23, 2024.
The said club is spearheaded by their President Maam Luz Sulit, supported by the District Chairman Maam Lorie Villame together with their members. Architect Boy Sulit was the one who designed the area while the construction started last September 9, 2024.
A short program was held during the turn over where Ma’am Nemia Paz, a grade one teacher hosted the ceremony. Dr. Melanie J. Mesa, Principal of Exodus ES and Maam Diane T. Tacleon, Assistant Principal, are both present in support of the program.
The ribbon cutting was led by Maam Melanie together with the District Chairman and other members of the organization. Everyone smiles from ear to ear knowing that the donation will be of great help to the school, most especially the students.
As part of the program, students from Grades one and two demonstrated the correct way of hand washing together with the members of IWCRS while singing ‘Happy Birthday”, a popular way of measuring the correct time limit when hand washing.
According to Department of Health (DOH), proper hand washing prevents the spread of germs that cause diseases.
Inner Wheel Sunrise of Rizal was originally born out of the group’s desire to make a difference by helping. It all started when they called themselves “sunrisers” since they do zumba every morning.
Their close bonding blossomed into real friendship and later on found their purpose through community outreach projects.
Exodus Elementary School is one of the many organizations they helped and the school is very grateful that the club was able to consider the well-being of the learners.
In the future, IWCRS plan to continue giving back to the community by helping more people.