18/05/2026
Hindi lahat ng masayang kasama, magandang kasama sa future mo.
Protect your environment.
Hindi lahat ng close sa’yo, healthy para sa growth mo.
Habang tumatanda ka,
mas nagiging importante kung sino ang nasa paligid mo.
Kasi hindi lahat ng nagpapasaya sa’yo,
nakakatulong sa growth mo.
May mga taong masarap kasama…
pero inuubos ang focus mo.
May mga taong masaya ka nga kapag kasama mo,
pero pagkatapos…
parang wala kang usad.
Narealize ko rin yan dati.
Akala ko sapat na yung loyal, mabait, o masayang kasama.
Pero habang tumatagal,
naintindihan ko…
Malaking bagay ang environment.
Kasi kung puro distraction ang nasa paligid mo,
mahihirapan kang maging disciplined.
Sabi sa Proverbs 13:20,
“Walk with the wise and become wise, for a companion of fools suffers harm.”
Unti-unti kang nagiging katulad
ng madalas mong kasama.
Sa mindset.
Sa habits.
Sa standards.
Tanong mo sa sarili mo…
Yung mga taong malapit sa’yo ngayon,
hinihila ka ba pataas?
O sanay lang silang kasama ka
kahit walang growth?
Kasi hindi lahat ng connection,
dapat kinakapitan.
May mga tao talagang pang-season lang.
At minsan,
ang growth mo magsisimula
kapag inayos mo kung sino ang pinapapasok mo sa buhay mo.
18/05/2026
Hindi lahat ng matalino, maingay.
Wisdom listens first.
Hindi lahat kailangang sabayan ng salita.
Habang tumatanda ako,
mas lalo kong naiintindihan…
Hindi lahat ng may wisdom,
mahilig magsalita.
Yung iba,
mas maraming ino-observe kaysa kino-comment.
Mas pinipili nilang intindihin muna
bago mag-react.
Naranasan ko rin dati
na gusto kong laging may sagot.
Laging may opinion.
Laging may kailangang patunayan.
Pero habang mas marami kang nae-experience sa buhay,
mas naiintindihan mo na hindi lahat kailangan saluhan.
Hindi lahat kailangan patulan.
Sabi sa Proverbs 17:27,
“The one who has knowledge uses words with restraint…”
May wisdom sa pananahimik.
Hindi dahil walang alam.
Kundi dahil marunong pumili
kung kailan dapat magsalita.
Tanong mo sa sarili mo…
Kapag may sitwasyon ba,
mas inuuna mong magsalita?
O inuunawa mo muna?
Kasi ang taong secure sa wisdom niya,
hindi kailangang maingay.
Minsan,
yung pinaka-malalim mag-isip…
yun pa yung pinaka-tahimik.
At hindi lahat ng tahimik, mahina.
Yung iba,
observant lang talaga.
18/05/2026
Confidence Comes From Doing.
Confidence hindi hinihintay. Binubuo yan habang kumikilos ka.
Unti-unti nang nabubuo hindi lang ang negosyo, kundi mga future leaders din.
Kagabi sa aming Implementation Session, isa sa pinaka tumatak sakin ay ito:
Hindi ka nagiging confident bago kumilos.
Nagiging confident ka habang ginagawa mo.
Real talk.
Maraming tao ang naghihintay muna ng confidence bago magsimula.
Gustong maging ready muna.
Gustong sigurado muna bago gumalaw.
Pero sa negosyo at sa buhay, hindi ganun ang growth.
Confidence is built through action.
Sa bawat pag-attend mo ng meeting kahit nahihiya ka
Sa bawat pagpo-post kahit konti pa lang ang nanonood
Sa bawat pagcha-chat kahit may fear of rejection
Sa bawat pagkakataong pinipili mong magpatuloy kahit awkward sa simula
Doon nabubuo ang confidence.
Kaya hindi ko minamaliit yung maliliit na actions araw-araw.
Kasi alam kong yan din ang proseso na unti-unting bumubuo hindi lang ng income
Kundi ng character
leadership
at paniniwala sa sarili.
At habang tinitingnan ko yung team kagabi, napapangiti ako.
Kasi unti-unti ko nang nakikita yung isa sa mga pangarap ko.
Yung makapag-build ng mga leaders din.
Mga taong dati takot magsimula
pero ngayon unti-unti nang lumalakas
umi-improve
at natututong maniwala sa kakayahan nila.
Hindi man perfect.
Hindi man mabilis.
Pero may growth.
May movement.
May progress.
At para sakin, malaking bagay na yun.
“Do not despise these small beginnings, for the Lord rejoices to see the work begin.”
Zechariah 4:10
Kaya sa team namin, tuloy lang.
Walang overnight success.
Pero habang tuloy ang galaw, tuloy din ang growth.
At naniniwala ako na balang araw,
yung mga taong tahimik lang ngayon sa Zoom
Sila rin yung magiging future leaders na mag-iinspire ng mas maraming tao.
Proud ako sa inyo.
At mas excited ako sa kung sino pa kayo in the future. 🙏🏻💪🏻
17/05/2026
Hindi lahat ng pagod, may progress.
Baka hindi opportunity ang kulang mo. Focus.
Sunday ngayon.
At habang maraming nagpapahinga,
maraming tao rin ang tahimik na nag-iisip kung bakit parang walang nangyayari sa buhay nila.
Busy naman sila.
Pagod naman sila.
May pangarap naman sila.
Pero bakit parang paikot-ikot lang?
Real talk.
Hindi lahat ng pagod, productive.
At hindi lahat ng busy, may progress.
Minsan, ang tunay na problema hindi kakulangan sa opportunity.
Kundi kakulangan sa focus.
Ang daming gustong gawin sabay-sabay.
Gustong yumaman agad.
Gustong instant ang resulta.
Pero walang mastery.
Walang consistency.
Walang commitment sa isang direksyon.
Kaya imbes na umusad,
nauubos lang ang energy.
Kaya this Sunday, baka kailangan mong tanungin sarili mo:
Ano ba talaga ang priority mo?
Ano ba talaga ang gusto mong buuin?
At ano yung mga bagay na kailangan mo nang bitawan para maka-level up ka?
Kasi hindi lahat ng bagay na good for you, meant to stay with you forever.
May habits na kailangang tigilan.
May mindset na kailangang baguhin.
May comfort zone na kailangang iwan.
“At once they left their nets and followed Him.”
Matthew 4:20
Hindi nakaangat ang disciples dahil komportable sila.
Umangat sila dahil willing silang iwan yung nakasanayan para sa mas malaking purpose.
At baka ganun din sayo.
Baka yung next level mo,
nasa kabilang side ng discipline na iniiwasan mo.
Kaya wag mong sayangin ang Sunday na ito sa motivation lang.
Gamitin mo ito para mag-reflect.
Mag-reset.
At magdesisyon ulit.
Nakakatakot minsan isipin na baka,
ikaw mismo ang dahilan kung bakit hindi ka makausad.
Kasi may mga buhay na nagbabago
hindi dahil sinuwerte
Kundi dahil isang araw,
nagsawa na silang manatiling pareho.
15/05/2026
Ito yung moment na pinili kong magseryoso.
May moment talaga
na mapapagod ka na sa dating version mo.
May point sa buhay ko
na napagod na akong puro “balang araw.”
Balang araw magiging okay din.
Balang araw aangat din.
Balang araw magbabago rin ang sitwasyon.
Pero habang sinasabi ko yun…
pareho pa rin ang resulta.
Busy ako.
Pagod ako.
Pero walang malinaw na usad.
Hanggang sa dumating yung moment
na kailangan kong maging honest sa sarili ko.
Hindi pala opportunity ang kulang ko.
Hindi rin motivation.
Desisyon.
Desisyon na tigilan ang excuses.
Desisyon na maging consistent.
Desisyon na seryosohin ang future ko.
Sabi sa Proverbs 16:3,
“Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans.”
Doon nag-shift ang mindset ko.
Hindi dahil biglang naging madali lahat.
Kundi dahil first time,
naging intentional ako sa galaw ko.
Tanong mo sa sarili mo…
Hanggang kailan mo sasabihing gusto mong magbago
kung hindi mo naman seryosohin?
Kasi darating talaga yung moment
na mapapagod ka sa same cycle.
At minsan,
yun din yung moment
na magsisimula kang magbago.
Ako, doon ako nagsimula.
Hindi perfect.
Pero seryoso na.
15/05/2026
Hindi aksidente ang pagkakataon na meron ka ngayon.
Minsan, yung blessing na hinihintay mo…
nandyan na pala.
Minsan, minamaliit natin yung nasa harap natin.
Yung connection.
Yung opportunity.
Yung season na kinalalagyan natin ngayon.
Kasi busy tayo kakatingin
sa wala pa.
Naranasan ko rin yan dati.
May mga pagkakataon na dumaan sa buhay ko
na hindi ko agad na-appreciate.
Akala ko ordinaryo lang.
Akala ko maliit lang.
Pero habang tumatagal,
doon ko naintindihan…
Hindi lahat ng opportunity, obvious sa umpisa.
May mga bagay na ipinapahawak muna sa’yo ang Diyos
bago Niya ipakita kung gaano ito kahalaga.
Sabi sa Esther 4:14,
“And who knows but that you have come to your royal position for such a time as this?”
Minsan, nasa tamang lugar ka na pala…
hindi mo lang napapansin.
Tanong mo sa sarili mo…
Paano kung yung hinihingi mong breakthrough,
nasa paligid mo na ngayon?
Paano kung may season kang dapat galawan
imbes na i-question?
Kasi hindi aksidente
kung nasaan ka ngayon.
May dahilan kung bakit nandito ka.
May purpose kung bakit may opportunity sa harap mo.
Hindi lahat permanent.
Kaya habang nandyan pa,
galingan mo.
Baka yan na yung isa sa mga bagay
na magbabago ng direction ng buhay mo.
14/05/2026
Walang elevator sa success.
Kaya tanong, willing ka bang umakyat?
Confidence hindi hinihintay.
Binubuo yan sa action araw-araw.
Gusto ng karamihan ng success.
Pero kakaunti lang ang gustong daanan ang hagdan.
At yan ang ayaw tanggapin ng maraming tao ngayon.
Gusto agad ng malaking income,
malaking resulta, malaking breakthrough.
Pero ayaw sa process na paulit-ulit, mabagal, at minsan nakakapagod.
Real talk.
Hindi ka agad magiging confident.
Hindi ka agad magiging magaling.
Hindi ka agad magkakaroon ng resultang gusto mo.
Lahat yan, binubuo.
Step by step.
Discipline muna
bago persistence.
Persistence
bago focus.
Focus
bago consistent action.
At sa kakagawa mo araw-araw kahit walang instant reward.
Doon nabubuo ang confidence.
Kaya mali yung hinihintay muna ang confidence bago kumilos.
Action muna bago confidence.
Kasi walang tao na naging mahusay nang walang awkward stage
walang successful na hindi dumaan sa pressure
at walang totoong growth na walang sacrifice
“Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.”
Galatians 6:9
Hindi shortcut ang success.
Hindi rin overnight.
Pero para sa mga taong willing umakyat kahit mabagal.
Darating din sila sa taas.
At pagdating nila doon,
hindi lang resultang panandalian ang meron sila.
Kundi character na kayang magtagal.
Kaya kung nasa proseso ka ngayon, huwag mong maliitin yan.
Baka yung hagdan na iniiwasan ng iba,
yun mismo ang naghahanda sayo para sa next level mo.
14/05/2026
May mga blessing na talent ang nagdadala.
Pero may mas malalaking blessing na character ang requirement.
Baka hindi delayed ang breakthrough mo. Hinahanda ka lang muna.
Maraming gustong umangat.
Maraming gustong mabigyan ng bigger opportunity.
Mas malaking income.
Mas malaking platform.
Mas malaking responsibility.
Pero eto ang hindi naiintindihan ng karamihan.
Hindi lahat ng gusto mo, ibibigay agad sayo.
Hindi dahil pinagdadamot.
Kundi dahil baka sirain ka ng success na hindi pa kaya ng character mo.
Real talk.
Minsan kaya delayed ang breakthrough
kasi may inaayos pa sa attitude mo
May tinuturo pa sayo tungkol sa humility,
discipline
consistency
at tamang paghawak ng pressure
Kasi madaling humiling ng next level.
Ang mahirap, maging taong kayang panindigan yun.
Some doors open only when character is ready.
Kaya bago mo tanungin kung bakit hindi pa nangyayari
Tanungin mo muna sarili mo:
Kung ibigay sayo ngayon yung pinagpe-pray mo
kaya mo bang i-handle?
Kasi may mga blessing na hindi lang talent ang kailangan.
Character ang requirement.
“Whoever can be trusted with very little can also be trusted with much.”
Luke 16:10
Kaya habang wala ka pa sa next level
galingan mo muna sa season na meron ka ngayon.
Ayusin mo habits mo.
Ayusin mo consistency mo.
Ayusin mo mindset mo.
Kasi baka hindi closed ang door.
Baka hinihintay ka lang maging ready.
13/05/2026
Hindi lang sipag ang nagpapataas ng income.
Value.
Income follows value. Hindi effort lang.
Dati, akala ko…
kapag mas pagod ka, mas malaki ang kita.
Kaya todo effort ako sa lahat.
More hours.
More hustle.
More pagod.
Pero habang tumatagal,
may napansin ako…
Hindi lahat ng pagod, mataas ang value.
May mga taong sobrang sipag,
pero hindi pa rin umaangat.
At may mga taong hindi man sobrang busy,
pero malaki ang kinikita.
Doon ko na-realize…
hindi effort lang ang basehan ng income.
Value.
Sabi sa Proverbs 11:25,
“A generous person will prosper; whoever refreshes others will be refreshed.”
Kapag mas marami kang natutulungan,
mas lumalaki rin ang value mo.
Kaya hindi sapat na masipag ka lang.
Kailangan may skill ka na may impact.
Tanong mo sa sarili mo…
Yung ginagawa mo ba ngayon,
talagang may value sa ibang tao?
O puro pagod lang
pero walang growth?
Kasi darating ang point
na hindi ka na babayaran dahil lang mabait ka o masipag ka.
Babayaran ka
dahil may kaya kang i-contribute.
Kaya habang naghahanap ka ng mas malaking income,
tanungin mo rin…
Paano ako magiging mas valuable?
Doon nagsisimulang magbago ang level mo.
13/05/2026
Ilang beses ka man madapa,
hindi nauubos ang biyaya ng Diyos para sayo.
Minsan, sarili mo na mismo ang napapagod intindihin ang sarili mo.
Ang dami mong pagkakamali.
Ang dami mong pagkakataong nanghina.
Mga panahong akala mo wala ka nang maipagmamalaki.
At kung tao lang ang pagbabasehan,
baka matagal ka nang hinusgahan
sinukuan
o kinalimutan.
Pero iba ang Diyos.
Habang paulit-ulit kang nadadapa,
paulit-ulit ka rin Niyang binabangon.
Habang kinukwestyon mo ang sarili mong worth,
Siya naman yung patuloy na nagpapaalala na may purpose ka pa.
Real talk.
Hindi lahat ng blessing, pera.
Minsan, blessing na yung hindi ka pinabayaan kahit sobrang gulo mo na.
Yung akala mong tapos ka na
pero may lakas ka pa ring bumangon kinabukasan
Yung ilang beses kang nawalan ng direksyon
pero somehow, may grace pa ring humihila sayo pabalik
“The steadfast love of the Lord never ceases; His mercies never come to an end. They are new every morning.”
Lamentations 3:22-23
Kaya kung pakiramdam mo nagkamali ka na nang sobra
o feeling mo hindi ka na deserving
Remember this.
Hindi naka-base ang pagmamahal ng Diyos sa performance mo.
Naka-base yun sa grace Niya.
At minsan, yung dahilan kung bakit nandito ka pa hanggang ngayon
hindi dahil malakas ka
Kundi dahil mabuti Siya.
Kaya wag mong sayangin yung panibagong araw na binigay sayo.
Bumangon ka ulit.
Lumaban ka ulit.
Maniwala ka ulit.
Hindi ka pa tapos.
Kung mabuti ang Diyos sayo kahit marami kang pagkukulang, maybe this is your sign para bumalik ulit sa Kanya at magsimula ulit.
Comment “Thank You Lord” kung alam mong ilang beses ka Niyang binuhat kahit hindi mo deserve.
12/05/2026
Walang magliligtas sa’yo kung hindi ikaw.
Darating ang tulong.
Pero ikaw pa rin ang kailangang kumilos.
May point sa buhay
na kailangan mong tanggapin ang isang bagay…
Hindi lahat ng tao sasamahan ka hanggang dulo.
May tutulong.
May mag-aadvice.
May maniniwala sa’yo.
Pero sa dulo,
ikaw pa rin ang gagalaw para sa buhay mo.
Narealize ko rin yan dati.
Ang tagal kong naghihintay.
Ng tamang tao.
Tamang opportunity.
Tamang timing.
Pero habang naghihintay ako,
pareho pa rin ang sitwasyon ko.
Doon ko naintindihan…
walang mangyayari kung hindi ako kikilos.
Sabi sa Proverbs 6:10-11,
“A little sleep, a little slumber… and poverty will come on you like a thief.”
Kapag puro hintay,
unti-unting nauubos ang pagkakataon.
Hindi ibig sabihin
kailangan mong gawin lahat mag-isa.
Pero kailangan mong akuin
ang responsibility sa buhay mo.
Tanong mo sa sarili mo…
Ilang beses mo nang sinabi na gusto mong magbago,
pero hanggang ngayon wala ka pang ginagawa?
Kasi mahirap talaga ang buhay.
Pero mas mahirap
kapag alam mong kaya mo namang kumilos
pero pinipili mong manatili.
Walang ibang mag-aayos ng future mo.
Ikaw ang may hawak nun.
At minsan,
yun ang pinaka masakit na realization…
pero siya ring simula ng totoong pagbabago.
Kung gusto mo ng ganitong klaseng content,
pwede kang sumabay sa journey na ’to.