10/02/2026
🌟🌟🌟💧🧼
Isang malaking tagumpay para sa paaralan ang pagkamit ng THREE STARS sa isinagawang WINS Program Monitoring. Ang karangalang ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng mga g**o, kawani at mag-aaral sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa loob ng paaralan.
Lubos na pinahahalagahan ng buong paaralan ang oras, kaalaman, at dedikasyon nina G. Norman Mendiola, Division WINS Focal Person, Bb. Regina Alcaraz, at Nurse Joan Ramos. Ang kanilang suporta at patnubay ay malaking tulong upang mas mapalakas pa ang mga programang pangkalusugan at pangkalinisan sa paaralan.
Sa isinagawang monitoring, masusing sinuri ang mga pasilidad ng paaralan tulad ng suplay ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan ng mga palikuran, wastong pamamahala ng basura, at ang aktibong pagpapatupad ng mga pamantayan ng Water, Sanitation, and Hygiene in Schools (WINS). Dahil sa maayos at tuloy-tuloy na implementasyon ng programa, matagumpay na nakamit ng paaralan ang Three Stars.
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang kooperasyon ng bawat isa. Ito ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang pagbutihin at panatilihin ang mga pamantayan ng kalinisan at kalusugan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.