31/03/2026
đź’ĄMr. Jonel Manalaysay Laurente, 2026 Recognition Guest Speaker
Maraming salamat sayong pagbabahagi ng buhay at pag-asa sa mga mag-aaral ng CorNATS! Magsilbi sanang inspirasyon at gabay ng lahat ng mga kabataan sa kanilang pagpupunyagi para sa kanilang mga pangarap sa buhay.
🎉Read and be inspired by his journey.
"Taos-puso po akong nagpapasalamat sa pagkakataong ito na maibahagi ko ang aking kwento.
Eight years ago, I was once like you—filled with excitement and hope, sitting in a recognition day just like this. I remember the joy, the pride, and the dreams I carried in my heart, not knowing exactly what the future would hold, but believing that something great was ahead.
Alam niyo po----ang recognition day ay hindi lang tungkol sa medals at certificates.
Hindi lang ito tungkol sa matataas na grades o sa mga honor students.
👉 “This is not just a celebration of intelligence… but a celebration of perseverance.”
Because behind every award is a story no one saw—the sleepless nights, silent battles, and quiet sacrifices.
Allow me to ask you something.
Ilang beses ka nang napagod?
Ilang beses mong naisip na sumuko?
At ilang beses mong tinanong ang sarili mo—
“Kaya ko pa ba?”
If you have ever felt that way…
then this speech is for you.
Hindi po ako narito bilang isang taong perpekto.
Narito ako bilang isang patunay—
na kahit gaano kahirap ang simula,
may pag-asa kung pipiliin mong lumaban.
Lumaki po ako sa isang simpleng pamilya.
Ang aking ina ay isang housewife,
at ang aking ama ay isang magsasaka.
Wala kaming sariling lupa.
Wala kaming sariling bahay.
Wala kami ng kahit anong pwedeng ipagmalaki.
Anim kaming magkakapatid— at ako ang pangalawa.
Halos sabay-sabay kaming nangangarap…at sabay-sabay ding nahihirapan.
Naalala ko pa nga dati
ang ulam namin ay mantika, asin, toyo, o ginisang bagoong na may dahon ng sibuyas.
Wala din kaming kuryente noon.
Lampara lamang ang ilaw ko sa gabi habang nag-aaral.
Habang ang iba ay komportable…
ako ay natutong maging matatag.
Doon ko naunawaan na—
👉 ang liwanag ng pangarap ay hindi nakadepende sa ilaw… kundi sa determinasyon.
Hindi ko ito sinasabi para kaawaan ninyo ako.
Sinasabi ko ito para ipakita sa inyo—
👉 na ang pangarap ay hindi lang para sa may kaya… kundi para sa may lakas ng loob.
Sa mga estudyante dito…
lalo na sa mga nakakaranas ng kakulangan—
yung pumapasok na walang baon,
yung nagtitipid ng pamasahe,
yung may pinagdadaanan pero tahimik lang—
nakikita ko kayo.
Kaya bilang bata at mag-aaral ng elementarya noon, hindi ako naghintay ng tulong.
Natuto akong gumawa ng paraan.
Nagbenta ako ng sampalok sa loob ng classroom.
Tumulong sa canteen para magkaroon ng baon.
At tuwing hapon, naglalako ako ng mani, okoy gulay at lumpia na nililibot ko sa buong barangay ng Cordova para kumita kahit kaunti.
Hindi dahil gusto ko…
kundi dahil kailangan ko.
Sa kabila ng lahat…
nagtapos akong Salutatorian.
Pagdating ng high school…
hindi nawala ang hirap.
Tulad na lamang tuwing may malakas na bagyo at ulan…
tumutulo ang bubong ng bahay namin dahil gawa ito sa cogon grass at kawayan.
Naglalagay kami ng bote at plastic na nagsisilbing pantapal para lang hindi kami mabasa habang natutulog.
Kinailangan din namin mag-ipon ng basahan para pamunas sa sahig at dingding ng bahay dahil minsan ito ay basang-basa sa malakas na ulan.
May isang kaklase ako noong high school na bumisita sa bahay at nakita ang sitwasyon namin at sabi sa akin: “Maysa lang nga napigsa nga angin, mabuwal tuy balay yun”.
In tagalog;
“Isang malakas na hangin na lang… matutumba na ang bahay ninyo.”
(long pause, look down, then up)
Masakit marinig ang mga ito ngunit ito ay totoo.
Dumating nga ang araw at
(pause, emotional)
bumagsak nga ang bahay na tinitirahan namin.
Kaya napilitan kaming makitira ng ilang taon sa lumang bahay ni ex-SB George Lim na pinagtatrabahuan ni papa noon bilang isang magsasaka.
Kasabay ng pagkawala ng bahay…
dumating ang panghuhusga ng iba.
Na-bully ako.
Pinagtawanan.
Hinusgahan.
Masakit.
Pero doon ko natutunan—
👉 “Hindi ang sinasabi ng iba ang magdidikta ng kinabukasan mo… kundi ang pinipili mong paniwalaan tungkol sa sarili mo.”
At dumating sa punto na kinailangan umalis ni mama…
para magtrabaho sa malayo.
At ako…
ako ang naiwan.
Ako ang nagsilbing ilaw ng tahanan.
Isipin niyo…
estudyante pa lang ako pero pasan ko na ang responsibilidad ng isang magulang.
Pero kahit ganoon hindi ako tumigil sa pag-aaral at tinatagan pa ang loob dahil alam kong ang lahat ng ito may hangganan.
At nagbunga ang lahat ng sakripisyo ko.
Nagtapos ako ng Junior High School na may karangalan with special awards - Best in Math, Filipino and Science sa LDA at nagtapos din akong may karangalan nung ako ay nasa Senior High School dito sa CNHS with special awards in Best in Research.
Hindi dahil madali…
kundi dahil tinuloy ko kahit mahirap.
Dahil “Hindi mo kailangang maging pinakamagaling… kailangan mo lang hindi sumuko.”
At sa college akala ko noon matutupad ang gusto kong kurso ngunit hindi ko nakuha ito.
Gusto ko kasi maging accountant noon…
kaya lang nag-iba ang kursong tinahak ko – bs in computer science.
At minsan, ganun talaga ang buhay—
👉 “Hindi lahat ng gusto mo… ibibigay sa’yo. Pero ibibigay sa’yo ang kailangan mo.”
Habang nag-aaral ako…
hindi ako tumigil sa paghahanap ng paraan para kumita ng extra income..
• Nagbenta ako online thru fb (balik tanaw sa fb memories)
• Naging ESL teacher (pandemic era)
• Naging computer science tutor
Habang ang iba nagpapahinga…
ako, nagta-trabaho.
👉 “Kung walang opportunity… gagawa ako.”
Ngunit hindi ko pinabayaan ang pag-aaral kaya naging consistent dean’s lister ako mula first year college hanggang 4th year at hanggang sa ako ay nagtapos bilang Cum Laude noong 2022.
Hindi lang ito tagumpay ko.
Tagumpay ito ng pamilya ko.
Ng sakripisyo.
Ng pagtitiis.
Pagkatapos noon, may oportunidad na dumating.
Inimbitahan akong maging instructor sa department namin sa CSU-Carig.
Ngunit bilang breadwinner…
kailangan kong pumili.
Kaya hindi ko tinuloy ang offer ng CSU Carig dahil alam kong hindi ito magkakasiya sa pangangailangan namin lalo na’t may mga pinapaaral kong kapatid.
Kaya pinili kong magtrabaho sa Maynila.
Umaasang may mas Magandang trabaho at kinabukasan. Ngunit hindi pala madaling maghanap ng trabaho dahil ang ilang kumpaniyang inaapplyan ko ay naghahanap ng at least 1 year experience.
Dahil dito, nagdesisyon muna akong magtrabaho bilang isang Pru Life Financial Advisor. Ngunit hindi rin ito naging madali para sa akin dahil kinakailangan mong maghanap ng mga kliyente na aalukin mo ng insurance. Kaya naman nag-shift ako bilang Call Center Agent, hanggang sa naging Chat Support ako ng TikTok USA sa Ortigas.
Mabilis akong natanggap sa trabahong ito at totoo na malaki ang sahod. Ngunit hindi ito naging madali para sa akin dahil madaling-araw ang pasok, kaya hindi ko kinaya ang puyat. Dahil dito, nagkasakit ako at hindi na ako nakabalik pa. At doon ko napagtanto—
👉 “Hindi sapat ang sipag… kung hindi mo aalagaan ang sarili mo.”
Ngunit hindi ako tumigil.
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng bagong oportunidad—isang trabahong maaari kong gawin sa bahay.
Doon nagsimula ang panibagong yugto ng aking buhay.
Hindi bilang Virtual Assistant o Freelancer, kundi bilang isang Shopee Ambassador.
Dito, mas nabigyan ako ng pagkakataon na matuto at lumago. Natutunan kong magpatakbo ng ads sa Facebook, mag-promote ng iba’t ibang produkto, at makipag-collaborate sa mga kilalang brands sa pamamagitan ng Shopee Live. Kalaunan, nagkaroon din ako ng pagkakataong makadalo sa iba’t ibang events ng Shopee at makihalubilo sa mga artista at content creators.
Unti-unting nagbago ang aking sitwasyon.
Sa loob ng tatlong taon ng tuloy-tuloy na pagsusumikap sa Shopee Live—araw-araw na pakikipagsapalaran—unti-unti ring nagbunga ang lahat.
Nakapagpatayo ako ng bahay.
Nakatulong sa aking pamilya.
Nakabili ng mga ari-arian.
Nakapagbigay ng trabaho sa iba, at ngayon ay humahawak na ako ng mahigit 20 katao sa aking negosyo.
At nagkaroon na rin ako ng pagkakataong makapaglakbay sa ibang bansa.
At ngayon…
may mga kapatid na akong gagraduate.
Sobrang laki ng pagbabagong nangyari sa aking buhay.
Hindi ko ito ibinabahagi upang magyabang—
kundi upang ipaalala sa inyo na…
👉 “Ang buhay ay kayang baguhin… kung hindi ka titigil.”
At higit sa lahat—
natutunan kong ilagay ang Diyos sa sentro ng aking buhay.
Sabi nga sa Matthew 6:33:
“Seek ye first the kingdom of God and his righteousness… and all these things shall be added unto you.”
Dahil kapag inuuna mo ang Diyos…
hindi ka Niya pababayaan.
Kung ang isang batang lumaki sa hirap…
na walang kuryente…
walang bahay…
at minsan asin at toyo lang ang ulam…
ay nakatayo ngayon sa harap ninyo—
👉alam kong kaya rin ninyo.
Kadagiti nagannak, haan kayu kuma maum-uma nga agpaadal kadagiti annak yo. Ti sakripisyo ken panagbalbaliw yo ket saan kuma nga mapukaw, ta isu dayta ti pundasyon ti masakbayan dagiti annak yo. Agtalek kayo, ta babaen iti panagadal, maragpat da met ti napintas ken naimbag a biag.
Agyaman kami unay kadakayo—kadagiti sakripisyo, kinaanus, ken ayat yo nga awan pagkurangan. Dakayo ti napudno a bayani iti likudan ti tunggal tagumpay dagiti annak yo.
Kadagiti mannursuro, agyaman kami unay kadakayo iti napateg a dedikasyon, kinaanus, ken kinamanagserbi yo iti panangisuro kadagiti estudyante. Dakayo ti mangidalan kadakuada iti husto a dalan ken nasayaat a masakbayan.
Saan laeng a sursuro ti ited yo, no di ket napateg a leksion iti biag. Agyaman kami unay kadakayo iti amin a sakripisyo yo.
Sa ating mga graduates—
Maaaring hindi pa malinaw ang landas na tatahakin ninyo, at maaaring hindi pa ninyo alam ang susunod na hakbang—at ayos lamang iyon. Huwag kayong matakot magkamali, magsimula muli, at mangarap. Hindi ninyo kailangang maging perpekto upang magtagumpay; sapat na ang tapang, tiyaga, at pananampalataya.
Ang diplomang hawak ninyo ngayon ay hindi katapusan, kundi simula—simula ng mas malaking responsibilidad at oportunidad.
At tandaan ninyo: “Hindi lahat ng nahirapan ay natalo, ngunit lahat ng sumuko ay hindi nagtagumpay.”
Congratulations, Batch of Graduates.
Dalhin ninyo ang inyong mga pangarap, mga aral, at tapang.
Balang araw, kayo naman ang magiging inspirasyon ng susunod na henerasyon.
Maraming salamat po, at mabuhay ang CorNATS!" Jonel L.