06/09/2021
Minanga ES-Piat District on the go!!!
Official page of Minanga E/S- Piat District
06/09/2021
Minanga ES-Piat District on the go!!!
15/08/2021
Ipinapaalam po namin sa buong komunidad ng Minanga at Calaoagan lalong-lalo na sa mga magulang na ang Enrolment sa Minanga Elementary School para sa Taong Panuruan 2021-2022 ay magsisimula na sa Agosto 16, 2021 at magpapatuloy po ito hanggang sa simula ng klase sa Setyembre 13, 2021, at isasaalang-alang po natin ang health and safety measures na kinakailangan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mga Alternatibong Pamamaraan na Dapat Tandaan sa Pag-enrol.
1. Remote Enrolment- Tatawagan po kayo ng dating adviser ng anak ninyo at may mga katanungan na sasagutin ninyo batay sa mga nakasaad sa Modified Learner Enrollment Survey Form(MLESF).
2. Maaari ring dumalo o pumunta ang mga magulang o guardians sa paaralan at humingi ng MLESF form. Upang maiwasan ang pagkumpol kumpol sa paaralan , bigyan namin kayo ng iskedyul sa pamamagitan ng pagtawag sa inyo.
3. Kapag nasagutan at napirmahan na po ninyo ang MLESF, ibalik ninyo ito sa paaralan at ihulog sa kahon na ilalaan namin malapit sa gate ng paaralan.
4. Kapag pumunta kayo sa paaralan, mangyaring magsuot ng face mask at face shield at kung maaari, magbaon kayo ng alkohol.
5. Bawal po ang magdala ng bata sa paaralan o dili kaya mga bata na kukuha ng MLESF.
Sa lahat po ng babasa nito, mangyari pong tulungan ninyo po kami na ipabatid-alam sa lahat ng kinauukulan. Maraming salamat po. Stay safe po tayo.