21/08/2026
Cabuyao, Laguna โ Pormal nang bubuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang mga programa at aktibidad para sa Youth Month 2026 bukas, Agosto 21, sa pangunguna ni MAYOR Dennis DENHA Hain, bilang pagdiriwang sa sigla, talento, kakayahan, at mahalagang ambag ng kabataan sa pamayanan.
Sa ilalim ng temang, "Ako, Ikaw, Tayo ang Bagong Cabuyao," naghanda ang buong Sangguniang Panlungsod kasama ang Cabuyao Youth and Sports Development Office ng mga aktibidad tulad ng Student Leaders Investiture, Anti-Bullying Awareness Seminar, Coaches Conference, Youth Employment Seminar, Youth Entrepreneurship Seminar, Teenage Pregnancy Prevention Seminar, at Mental Health Awareness Program bilang handog para sa lahat ng kabataan.
"Lead. Serve. Inspire." Iyan ang layunin ng Student Leaders' Investiture, kung saan tutulungan ang student leaders ng Cabuyao na magbigay-inspirasyon sa iba na maging aktibong katuwang sa pagbuo ng nagkakaisang kabataan.
Bilang unang bahagi ng selebrasyon, inimbitahan ng pamahalaang lungsod ang mga Youth Leaders mula sa ibaโt-ibang eskwelahan sa Cabuyao na makiisa sa isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong sila'y kilalanin at hubugin sa pangakong gagamitin ang posisyon para sa ikabubugi ng kapwa kabataan.
Sa kabilang banda, ay kasabay rin nito ang Anti-Bullying Awareness Seminar bukas dahil sa bunsod ng tumitinding karahasan sa mga paaralan, upang palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa bullying at ang epekto nito sa bawat indibidwal.
"Maging handa sa mga oportunidad na naghihintay," sa patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao sa mga programang nakatuon sa kapakanan, pag-unlad, at kinabukasan ng bawat kabataan, isasagawa ang Youth Employment Seminar sa Agosto 22 bilang ikatlong programa ng pagdiriwang na susundan naman ng Youth Entrepreneurship Seminar upang magbigay oportunidad sa pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa career opportunities, paghahanda sa trabaho, pagpapaunlad ng kakayahan, at pagbuo ng mas matatag na career path.
Samantala ay susundan naman ito sa Agosto 23 ng Teenage Pregnancy Prevention Seminar upang bigyan ng kamalayan ang kabataan sa kanilang mga desisyon at maiwasan ang maagang pagbuo ng pamilya nang hindi handa.
Magtatapos naman ang linggong puno ng aktibidad sa huling seminar na para sa Mental Health Awareness para sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga batang nakararanas ng problema ukol dito.
Magkakaiba man ang kultura at pananaw. Nagkakaisa naman ang kabataan sa iisang hangarin. Iba-iba man ang ating pinagmulan. Iisa naman ang ating pangarap at mithiin. At ito ang pagkakaroon ng isang mas maunlad, makatarungan at magandang kinabukasan para sa lahat. Hindi lamang talento at pangarap ang puhunan ng kabataan. Mahalaga rin ang tamang kaalaman, kasanayan, at paghahanda.
Ako, Ikaw, Tayo ang Bagong Cabuyao!

*C