22/05/2026
๐ซ ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ 2026
Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman
Mga mahal naming magulang, mag-aaral, alumni at mga ka-Barangay! Muli na namang kakatok ang aming paaralan sa inyong mga puso para sa ating taunang Brigada Eskwela sa TMCNHS-Cabuco Extension. Sa temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman," inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa. Kahit maliit o malaking tulong, bastaโt galing sa puso, ay malaking bagay para sa paghahanda ng mas ligtas at maayos na paaralan para sa ating mga kabataan.
๐
๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฎ๐ป?
Petsa: June 1โ5, 2026
Lugar: TMCNHS-Cabuco Extension, Don Bosco Executive Village, Cabuco, TMC
๐ค ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด?
Maraming paraan para maging "๐๐ฒ๐ฟ๐ผ" ng ating paaralan! Maaari kayong magbigay ng inyong oras, serbisyo, o mga materyales tulad ng:
๐ Pagkukumpuni at Pagpipinta para sa mga marunong sa electrical, carpentry, o pagpipinta
๐Paglilinis (Housekeeping): Tulong sa pagwawalis, pagbubunot, at pag-aayos ng ating mga garden at classrooms.
๐Mga Donasyon: Bukas po kami sa pagtanggap ng mga kagamitan sa Classroom tulad ng Bond paper, ink, school supplies, at electric fan.
๐Gamit Pang-maintenance: Pintura, brush, walis ting-ting, tambo, at mop.
๐Health & Safety: Alcohol, sabon, emergency kit, at face masks/toiletries at iba pa.
โค๏ธ ๐ฃ๐ช๐ป๐ช ๐ท๐ช, ๐ถ๐ช๐ฐ-๐๐ป๐พ๐ฐ๐ช๐ญ๐ช ๐ท๐ช!
Para sa mga katanungan o kung nais ninyong mag-abot ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa
BE Coordinator:
Dr. Victoria V. Noceda - OIC, Head Teacher VI at Ms. Roaiza G. Villanueva - Master Teacher I
๐ Tumawag sa: (046) 530 8061
๐ฑ I-message kami sa FB: DepEd Tayo Trece Martires City NHS Cabuco Extension - Cavite Province upang ipakita natin ang tunay na diwa ng Bayanihan.
Kita-kits tayo, mga Ka-Brigada! ๐ต๐ญ