12/07/2025
We all have this kind of learner na pinaka sa lahat.
Pinakamatagal makatapos ng task dahil maaaring pinakamabagal sa lahat.
Pero alam mo ba mga mahal na kapwa g**o?
Kailangan ng ganitong mag aaral ang g**ong pinaka sa lahat. Pinakamatiyagang maghintay hanggang siya ay makatapos. Dahil sa kabila ng nag iisa na lamang siyang gumagawa at lahat ng classmates niya ay nagrecess na. Hindi siya naiyak. Hindi rin siya nagmamadali. At nagawa niyang tapusin ang kanyang task na nakangiti at buong pagmamalaki na sa wakas may g**ong matiyagang naghintay para matapos niya ang kaniyang gawain.
Good Job for finishing your task today.
"Madalas po dati hindi ko po natatapos ang ginagawa ko kase umaalis na po si teacher" "Kaya po hindi ko na lang po siya ginagawa."