06/07/2026
Sa pamamagitan ng Madrasah Education Program, patuloy na napapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pang-araw-araw na Du'a at wastong Adab, bilang gabay sa kanilang espiritwal at moral na pag-unlad.
Isinagawa ang isang makabuluhang sesyon ng pagkatuto sa ilalim ng Madrasah Education Program (MEP) na nakatuon sa pagtalakay ng pang-araw-araw na panalangin (Du'a), partikular ang panalangin pagkatapos lumabas ng palikuran (Ghufrānaka). Tinalakay ang tamang pagbigkas ng panalangin sa wikang Arabic, ang transliterasyon nito, at ang kahulugan upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-alaala kay Allah sa kanilang pang-araw-araw na gawain.
Gumamit ang g**o ng multimedia presentation upang maging mas malinaw, kawili-wili, at interaktibo ang talakayan. Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa pagbasa, pagbigkas ng du'a, at pagsagot sa mga tanong, na nagpakita ng kanilang interes at pag-unawa sa aralin.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, napalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa wastong Adab (Islamic etiquette) at naipalaganap ang pagpapahalaga sa pagsasabuhay ng mga aral ng Islam sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Naging matagumpay ang sesyon dahil sa aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral at sa makabuluhang pagkatuto na kanilang natamo.