TitSer Liam

TitSer Liam

This page is made for educational purposes and to share new knowledge.

Operating as usual

07/03/2024
12/10/2023

Mga Aral nang Katipunan ng mga A.N.B

1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran.

4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

7. Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan. Value of time

8. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.

9. Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.

11. Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan.

12. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.

13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod nito.

07/10/2023

Sana all ✌️💖👩‍❤️‍👨

Ate, kuya... Pwedeng umalis kayo diyan. Kukunin ko yung magandang view pero mas maganda pala kasama kayo sa picture ✌️😁

Photos from Teacher Nathan's post 09/03/2023
09/03/2023

IQ vs EQ

Ano sa dalawa ang pipiliin mo?

11/12/2022

Kusto ken pudno💪😉

09/12/2022

Korek

Photos from Classroom Designs,Ideas and More by:Teacher Jan's post 05/12/2022
Photos from Maestra Juana's post 05/12/2022
24/11/2022

Sa lahat ng mga estudyante:

Alam ko mahirap ang mag-aral pero huwag kayong susuko sa pagkamit ng inyong mga pangarap sa buhay.
Lagi niyong i-motivate ang sarili ninyo na "Kaya ko to 💪. Laban lng self, para sa ikakabuti ko at ng aming pamilya."
Don't stop dreaming. Do your best and most especially, PRAY!!😉

24/11/2022

Hello👋
Welcome to my Page
I hope you will learn a lot and I hope that my posts will help you to motivate everyday😉❤️

Want your school to be the top-listed School/college in Caba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

San Gregorio
Caba
2502

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm