08/09/2026
โMontessorians, hindi nagpahuli sa pagpapamalas ng talento at talino sa Buwan ng Wika!
Pinarangalan ang mga namukod-tangi na mag-aaral na nagpamalas ng kanilang angking talino at talento sa nagdaang mga patimpalak sa loob at labas ng paaralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong ika-1 ng Setyembre, taong 2026.
Pinatunayan ng mga Montessorian ang kanilang husay at kalaman nang maiuwi ng 8-Mabini ang kampeonato sa patimpalak na "Mga Kaalaman, Bugtong at Talinhaga" na inorganisa at pinangunahan ng Student Supreme Government (SSG). Nasungkit naman ng 12-Humanage ang Unang Puwesto at sinundan ng 7-Luna na nakuha ang Ikalawang Puwesto.
Sa larangan naman ng Pagsulat ng Tula, namayagpag si Sean Kenric Gajelloma na nagkamit ng Unang Parangal. Sinundan ni Timoty Pepito na nakakuha ng Ikalawang Parangal at Ananiah Lael Salva na nasungkit ang Ikatlong Parangal.
Hindi rin nagpahuli ang mga estudyante na sumali sa paligsahan ng Pagsulat ng Sanaysay kung saan naiuwi ni Rahima Batoali ang Unang Puwesto. Sinundan ni Ayesiah Occidental na binakuran ang Ikalawang Puwesto. At muli, si Timoty Pepito na nagkamit ng gantimpala sa Ikatlong Puwesto.
Sa Tagisan ng Talino, naipanalo ni Kathryn Nicole San Juan ang Unang Parangal; Shannaya Mabulay na naiuwi ang Ikalawang Parangal; Andrei Jazz Espayos na nasungkit ang Ikatlong Parangal; Cledwyn Darelle Agag na siniguradong maangkin ang Ikaapat na Parangal at Alpha Delfino na nakuha ang Ikalimang Parangal.
Hindi rin maikukubli ang pagkamalikhain ng mga kabataan nang mamayagpag si Elysha Rubio sa Unang Puwesto sa Paggawa ng Poster na sinundan ni Theophilia Sibayan na naiuwi ang Ikalawang Puwesto.
Bilang pagpapatuloy ng husay at galing, sa ginanap na ISAAL Tanghal Talino: Pista ng Wika at Sining, ipinamalas din ng mga piling mag-aaral ang kanilang husay at galing gamit ang pambansang wikang Filipino. Isang patunay nang itinanghal si Timoty Pepito bilang kampeon nang maiuwi niya ang kampeonato sa paligsahan sa Sinasalitang Tula. Gayunpaman, hindi man napabilang sa mga nanalo, nagpamalas pa rin ng pagkamalikhain ang grupong lumahok sa Paggawa ng Poster na sila Hermhinie Gayll Glorioso, Ellize Jerimae Tomeo, Czaryn Alisa Cervantes at Sophia Revilla.
Karagdagan, napagtagumpayan naman ni Jazz Kenric Gajelloma ang Malikhaing Pagbasa kung saan naiuwi niya ang Ikawalong Puwesto.
Sa huli, pinatunayan ng mga Montessorian na ang kagalingan sa paggamit ng pambansang wikang Filipino ay buhay hindi lamang tuwing Buwan ng Wika dahil bitbit-bitbit nila ito sa pagharap sa bawat pagsubok at tagumpay. Mabuhay!
๐จ Created by: Maryjoy Salam Zuhair Sulaiman ๐ค | SSG Public Information Officer
โ๐ป Caption by: Irish Colon & Timoty Pepito ๐ฅ | Gr. 12 Humanage/Student Executive Mentor