05/10/2025
Maligayang araw ng mga g**o binibining Claire!
Salamat palagi maam sa patuloy na pagsubaybay sa amin at pagtulong palagi upang matagumpayan namin ang mga kailangan naming gawin.
Nakakatuwang isipin maam na 2 taon na po tayong magkasama una noong ako ay kalihim pa at ngayon pangulo na ikaw palagi po yung nagsasabi ay naku si iou masipag yan, kaya yan ni iou. Nakakataba po kasi ng puso lalo na't minsan drain na drain po ako at marinig ko po iyon galing sa inyo tunay nga pong nakagiginhawa po ito ng aking damdamin.
Lubos po ang pasasalamat palagi maam claire sa mga aral at leksyon na binibigay nyo po sa amin. Nawa'y ngayong araw na ito ay maramdaman nyo po ang galak namin dahil ikaw po ang aming naging g**ong tagapayo sa samagfil. Godbless po always and we love you po
Lubos na gumagalang
Iou Enriquez (Pangulo ng Samagfil)
Mahal kong Ma'am Claire,
Sumusulat po ako upang ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang suporta at dedikasyon bilang aming tagapayo sa Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SAMAGFIL). Ang inyong paggabay ay naging inspirasyon at pundasyon sa bawat tagumpay ng aming samahan. Malaki ang inyong naitulong upang masig**o na ang aming mga gawain ay palaging maganda at kapaki-pakinabang.
Marami rin ako mismong natutunan sa ilalim ng iyong pamamahala, natutunan ko din ang kahalagahan ng pagtutulungan, pagiging masipag, at pagmamahal sa sariling wika at kultura. Ang bawat payo at pangaral ninyo ay tumimo sa aking puso at isipan, na nagbibigay sa akin ng lakas upang harapin ang bawat hamon.
Kayo po ay higit pa sa isang tagapayo; kayo ay isang mentor, isang kaibigan, at isang ikalawang ina sa aming lahat. Asahan niyo po na patuloy kong isasabuhay ang mga aral na ibinahagi ninyo. Maraming salamat po, Ma'am Claire!
Lubos na Gumagalang,
Jirah A. De Santores (Ikalawang Pangulo ng SAMAGFIL)
MALIGAYANG ARAW NG MGA G**O PO BINIBINING CLAIRE!
Hayaan po ninyong dakilain namin ang inyong pagiging matiyaga, masipag, at maaalalahanin kasama na po ang inyong mga kapuwa g**o, na sa amin ay handang gumabay at sumuporta. Hindi man po ninyo ako naging isa sa mga nahawakang estudyante sa loob ng silid-aralan, nagsilbi parin naman po kayong magulang sa amin bilang g**o sa samahan. Kahit ganoon pa man kami ay patuloy po kayong pasasalamatan sa inyong serbisyo hindi lang bilang isang g**o kundi pati narin isang kaibigan at pamilya sa ating sintang paaralan.
Mabuhay po kayo at magsilbing inspirasyon sa nakararami!
Lubos na gumagalang
Diana Marie M. Balmes (Kalihim ng Samagfil)
Happy Teachersโ Day, our beloved club adviser ! ๐
Thank you po for always guiding us and for being such a supportive and understanding adviser. We really appreciate all your efforts and dedication to help our club grow. You always motivate us to do our best and make every activity meaningful. Weโre truly grateful to have you as our mentorโsomeone who inspires us both inside and outside the classroom. Thank you for everything, Maโam Claire !
Lubos na gumagalang
Cheska Reighn Limpin (ingat-yaman ng Samagfil)
Lubusan po kaming nagpapasalamat sainyo Bb. Claire Garcia sa walang sawang pag-gabay at pagtuturo nyo samin. Salamat po sa dedikasyon nyo na turuan kami sa asignaturang filipino, hindi lamang sa filipino kundi tinuruan nyo rin kami ng kagandahang asal.
Salamat din po sa pag-gabay nyo samin bilang isang tagapayo sa SAMAGFIL, kayo po ang gumabay samin upang maging prodaktibo at aktibong ang ating klub. "Kung wala po kayo ay wala po kami dito" ang lahat po ng inyong mga turo at payo ay mananatili sa aming isipan at puso. Muli nagpapasalamat at binabati po namin kayo ng maligayang araw ng mga g**o Bb. Claire Garcia.
Lubos na gumagalang
Terence Nixon Tan (tagapagbalita ng Samagfil)
Taos-pusong pasasalamat po sa inyong pag-gabay at pagpapayo sa amin. Salamat po sa pagiging matiyaga, bukod sa pagiging g**o ay sa pagtulong din saamin sa samahang Filipino o samagfil. Ang inyong pagsisikap at pagiging matiyaga ay magbubunga. Happy Teachers day, Ma'am Claire.
Lubos na gumagalang
Amaya Remerl C. Olarte (lakambini ng Samagfil)
Maligayang araw ng mga g**o ma'am claire!!!!!
Maraming maraming salamat po sa inyong pagmamahal at pagsuporta sa amin. Ikaw ang nagsilbing ina at gabay namin sa Samagfil. Maraming maraming salamat po sa suporta at sa inyong pagtitiwala. Mahal ka po namin ma'am claire!!
Lubos na gumagalang
Princess Diane Agapito (kinatawan ng ika-10 baitang ng Samagfil)
Magandang buhay Ginang Claire taos puso ang ako'ng nag pasasalamat sa inyong walang sawang suporta at gabay sa Samahang Filipino (SAMAGFIL). Ang inyong mga payo at inspirasyon ay nagbibigay buhay sa aming mga adhikain at proyekto. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating kultura at wika. Kami ay nagpapasalamat sa inyong pagiging mabuting adviser sa samahang SAMAGFIL.
Lubos na gumagalang
Kaith anne Frilles (kinatawan ng ika-8 baitang ng Samagfil)
29/09/2025
"๐๐ค๐จ ๐ฒ๐ฎ๐ง๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐๐ค๐๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐
๐๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฒ"
"๐๐ค๐จ ๐ฒ๐ฎ๐ง๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐-๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐ข๐ฅ"
"๐๐ค๐จ ๐ฒ๐ฎ๐ง๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ง๐๐ -๐๐๐ฏ๐๐ข๐ฅ ๐ง๐ ๐ฐ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐
๐ข๐ฅ. ๐๐๐ฉ."
๐๐ข? ๐๐ค๐๐ฐ ๐๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง? ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ง๐ง๐ง
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐ ๐ญ๐ข๐ค๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ฉ ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ข๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ณ๐ถ๐น! ๐๐๐ฒ๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐, ๐ช๐๐๐๐๐, ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ค ๐ฆ๐๐ ๐-๐๐๐ ๐๐. ๐๐ข๐ญ๐จ ๐ฅ๐๐ง๐ '๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ฐ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด . ๐๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ฉ ๐๐ฒ ๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค-๐๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐ง.
๐๐๐๐ง ๐๐๐๐จ๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐ฆ๐จ? ๐๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ ๐ฒ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ณ๐ณ๐น๐ฒ ๐ธ๐ผ.
๐๐๐๐! ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐!
26/09/2025
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก, ๐๐ข๐ฃ๐ ๐. ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข๐ฆ
Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kapanganakan ng manunulat at binansagang โAma ng Balarilang Filipinoโ (Father of Filipino Grammar) na si Lope K. Santos. Nakilala si Santos para sa pagsasa-Filipino ng ortograpiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasalin sa Kastilaloy (Hispanized) gaya ng letrang โKโ (para sa q).
Isinilang si Santos noong September 25, 1879 sa Pasig, Provincia de Manila (ngayoโy Pasig City). Nag-aral siya sa Escuela Normal Superior de Maestros (ngayoโy Philippine Normal University) at Colegio Filipino (ngayoโy National University), bago sumali sa himagsikan nang siya ay 17 taong gulang. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nag-aral ng abogasya sa Academia de la Jurisprudencia ng Escuela Derecho de Manila (ngayoโy Manila Law College). Noong 1900, sinimulan ni Santos ang paglilimbag sa kaniyang pahayagang โAng Kaliwanaganโ. Makalipas ang tatlong taon, sinimulan niya ang pagsusulat sa kaniyang nobelang โBanaag at Sikatโ, na inilathala sa kaniyang pahayagan bago tuluyang ilimbag bilang isang nobela noong 1903. Ang โBanaag at Sikatโ ang sinasabing kauna-unahang nobela sa Pilipinas na may diwaing sosyalista. Bukod rito, isinulat din niya ang โPuso at Diwaโ (1908), โMga Hamak na Dakilaโ (1945), โAng Diwa ng mga Salawikainโ (1953), at ang tulang โAng Pangginggeraโ (1912)
Noong 1910 nang siya ay mahalal bilang gobernador ng Rizal. Kalaunaโy itinalaga siya bilang gobernador ng Nueva Vizcaya noong 1918. Minsan pa siyang Nahalal bilang Senador mula sa ikalabindalawang senatorial district sa Philippine Legislature. Bilang Senador, pinangunahan niya ang pagtatalaga sa November 30 bilang Bonifacio Day. Ikinampanya rin niya ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga uring manggagawa. Naging kasama rin siya ni Isabelo de los Reyes sa pagtatatag ng Union Obrera Democratica (1902).
Noong 1940 nang ilimbag niya ang โBalarila ng Wikang Pambansaโ na kinomisyon ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayoโy Komisyon sa Wikang Filipino). Nagsilbi siya direktor ng Surian mula 1941 hanggang 1945. Isinalin din niya ang 1935 Philippine Constitution para sa UNESCO.
Pumanaw si Santos sa edad na 86 noong May 1, 1963.
Maaaring mabasa ang PDF ng Balarila ng Wikang Pambansa mula sa opisyal na website ng KWF:https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Balarila-ng-Wikang-Pambansa-1.pdf
Almario, Virgilio. Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/santos-lope-k/
Project Vinta (September 25, 2021). Birth of Lope K. Santos. Retrieved from https://www.facebook.com/pvinta/photos/a.1962088134038450/3052532331660686/
24/09/2025
๐ฌโจ BIDYO-TRONIKO PARA SA TEACHERSโ DAY 2025 โจ๐ฌ
Bilang pagbati sa nalalapit na World Teachersโ Day, aming inihahanda ang isang espesyal na Bidyo-Troniko bilang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng g**o.
Pero syempre, hindi lang basta-basta video itoโkundi isang collab of the year kasama ang lahat ng teachers, at siyempre, ang mga favorite STVE teachers ninyo!
โณ Mechanics (para hindi kayo ma-late ๐
):
โ Bawat section ay may maximum na 1 minuto at 30 segundo para sa entry.
โ Ang video submissions ay tatanggapin hanggang September 30 lang.
Mark your calendars! Kasi on October 3, mapapanood ninyo ang opisyal na Bidyo-Tronikoโisang simpleng alaala pero dakilang pagpupugay para sa mga g**ong walang sawang magturo, mag-alaga, at magbigay-inspirasyon.
05/09/2025
โMaligayang Pagbati sa lahat ng mga lumahok mula sa Baitang 10!!
โ
โTulong tulong at sama samang isinagawa ng Baitang 10 ang patimpalak na Pista sa Nayon na may temang "Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."
โ
โAng lahat ng pangkat ay ipinamalas ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
โkubol, gamit ang mga recyclable materials. Ang iba ay yari sa dahon ng niyog, mga dahon na malalaki, mga papel na hindi na ginagamit at iba pa. Dumagdag pa sa kagandahan ng kanilang mga kubol ay ang mga pagkaing kanilang inihain. Ang mga pagkaing ito ay hindi lang masasarap kundi presentable ang pagkakalagay sa bawat bilao.
โ
โAng patimpalak na ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagkakaisa, kundi pati na rin ng pagpapahalaga sa uri ng pista sa bawat lalawigan. Patunay lamang ito na patuloy pa rin nating pinahahalagahan ang mga pista na ating pinagdiriwang sa bawat lalawigan.
โ
โMuli, isang maligayang pagbati sa lahat ng mga lumahok lalong lalo na sa mga nagwagi!! Nawa'y ipagpatuloy pa natin ang ating pagpapahalaga at pagmamahal sa ating bayan!!!
โ
โ
04/09/2025
๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ถr๐ฎ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ ๐๐-๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก: ๐๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐๐ถ๐ป !
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng kalahok mula sa ๐๐๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐ na buong husay na naghandog ng kanilang tinig at talento sa pagtatanghal ng mga piling ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐. Ang bawat pag-awit ay hindi lamang musika sa ating pandinig, kundi alaala at paalala ng ating mayamang kasaysayan at kultura bilang mga Pilipino.
Hindi matatawaran ang ๐ฌ๐ข๐ ๐ฅ๐, ๐๐ฆ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, at ๐๐๐๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง na ipinakita ng bawat kalahok. Sa kanilang mga boses, muling sumigla ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika at musika.
Isang malaking palakpakan din para sa mga g**o at tagasuporta na naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. Ang inyong paggabay at pagtangkilik ay nagbigay-lakbay at saysay sa bawat himig na inawit.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon para ipagpatuloy natin ang pagpapahalaga at pagbibigay-buhay sa ating ๐ฐ๐ข๐ค๐, ๐๐ฐ๐ข๐ญ๐ข๐ง, at ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จโngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
20/08/2025
โจ๐ฃ๏ธ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐, ๐๐ช๐๐ช๐ท๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐ฒ๐ต๐ฒ๐น๐ฒ๐ท๐ธ! ๐ต๐ญโจ๐ก Alam mo ba?
โค Si โPlaridelโ o Marcelo H. del Pilar,
๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ,
sa panahong ginugupo ng Kastila, ay nagsilbing
gabay ng bayan gamit ang sariling wika! ๐๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐๐๐๐๐๐
hindi lang bilang salita, kundi bilang sandataโ
pang-edukasyon, pangkalayaan, at pangpagkakaisa! ๐ฌ๐ฅ๐ช Isipin moโhabang pinipilit ng mga dayuhan ang wikang banyaga,
โจsolid ang ating mga ๐๐ช๐ฝ๐ฒ๐น๐พ๐ท๐ฎ๐ป๐ธ at makata mula Bulacan!
Matatag nilang ipinaglaban ang Tagalog para tuloy-tuloy ang apoy ng rebolusyon.
Parang kwentong nagbibigay inspirasyon, โdi ba? ๐โค๏ธNoong Himagsikan, Tagalog ang naging susi sa pagkakaunawaan.
Hindi lang ito basta wikaโ
๐ ๐ฆ๐ถ๐บ๐ฏ๐ผ๐น๐ผ ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎโ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป.
Hanggang ngayon, buhรกy pa rin ang diwa ng pagkakaisang iyon
dahil sa pagmamahal natin sa ating mga salita. ๐๐ต๐ญ๐โจ ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ฎ,
๐ฑ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ต๐๐ฏ๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐บ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ.
Sa bawat salitang ating binibigkas at isinusulat,
buhay ang kwento ng ating kasaysayan at pag-asa para sa kinabukasan.
Sama-sama nating ipagmalaki at pagtibayin ang paggamit ng sariling wika,
dahil dito nagmumula ang tunay na pagkakaisa at lakas ng bawat Pilipino. ๐๐ค๐ซ๐ Huwag nating kalimutan, ang bawat Pilipino ay bayani
sa pag-aalaga at pagpapalago ng wikang Filipino.
Sa pagtangkilik natin dito, ipinapakita natin ang respeto sa ating mga ninuno
at pagmamahal sa susunod na henerasyon.
Ang paggamit at pagsuporta sa sariling wika ay isang matibay na hakbang
tungo sa isang inklusibo at nagkakaisang bayan. ๐ป๐ต๐ญ๐ซ
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika,
gabayan tayo ng diwa ni Plaridel at ng mga Katipunero sa Bulacanโ
na ginamit ang salita bilang sandata para sa karunungan at kalayaan.
Patuloy nating buhayin at mahalin ang wikang ating minana,
dahil ang wika ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon kundi puso ng ating pagkakakilanlan! โค๏ธ๐ฃ๏ธ
๐๏ธ: Hango mula sa ๐๐ ๐
๐ค๐จ๐๐ช๐
20/08/2025
Ang Wika: Diwa ng Lahi, Yaman ng Bansa
Mula sa 10-AWIT
Sa pagsapit ng Agosto, ating ginugunita ang Buwan ng Wika, isang natatanging panahon upang ipagdiwang at itanghal ang kadakilaan ng ating pambansang wika. Ang wika ay higit pa sa isang kasangkapan ng komunikasyonโito ay ang mismong pintig ng ating kaluluwa bilang mga Pilipino. Sa bawat himig ng mga salita, sa bawat pagbigkas ng mga kataga, ating naririnig ang mga tinig ng ating mga ninuno, ang kanilang mga adhikain, ang kanilang mga pagpupunyagi, at ang kanilang mga aral na nagbibigay-kulay sa ating kasaysayan. Sa bawat letra, nakatago ang mga kuwento ng ating pinagmulan, ang mga alamat ng ating mga bayani, at ang mga pangarap ng ating kinabukasan. Tulad ng mga awit ng ating puso, ang wika ay nagpapahayag ng ating mga damdamin, mga alaala, at mga pag-asa. Kaya't yakapin natin ang ating pinagmulan nang may pagmamalaki at ipamana ang wikang ating kinagisnan sa mga susunod na henerasyon, bilang isang mahalagang kayamanan na nagbubuklod sa ating pagkakakilanlan.
Tayo ang kabataan, ang pag-asa ng ating bayan, at ang tagapagmana ng ating wika. Gamitin natin ang wika nang may paggalang at katapatan, bilang tanda ng ating pagpapahalaga sa ating kultura at kasaysayan. Sa bawat pagbigkas, ating ipamalas ang ganda ng ating panitikan, ang lalim ng ating karunungan, at ang yaman ng ating tradisyon. Tulad ng mga himig na umaalingawngaw sa ating mga puso, ang wika ay nagbibigay-buhay sa ating mga salita. Ito ay nararapat mahalin nang buong puso, gamitin nang may husay sa bawat pagkakataon, at higit sa lahat, ipagmalaki saan man tayo magpunta. Sa ating mga salita, maipapakita natin ang ganda ng ating kultura at ang yaman ng ating pagka-Pilipino.
Sa bawat salitang ating binibigkas, ipinapakita natin sa mundo ang ganda at yaman ng ating pagka-Pilipino. Ang wika ay hindi lamang isang instrumento, ito ay isang kayamanan na dapat nating pangalagaan, pagyamanin, at ipagmalaki. Tulad ng mga awit na nagbibigay-inspirasyon at nagpapalakas sa ating mga puso, ang wika ay nagbibigay-lakas sa ating mga salita. Kaya't sama-sama nating itaguyod ang ating wika para sa kinabukasan ng ating bansa, at ipakita sa mundo na ang Filipino ay isang wika na puno ng ganda, kasaysayan, at pag-asa.