DepEd Tayo - SDO City of Baliwag District 1

DepEd Tayo - SDO City of Baliwag District 1

Share

Sabang Elementary School
Engr. Vicente R. Cruz Memorial School
Teodoro Evangelista Memorial High School

Photos from DepEd Philippines's post 01/06/2026

Ka-DepEd, nagsimula na nitong Mayo 28 ang National Flag Days bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat ng tanggapan, ahensya ng pamahalaan, paaralan, establisimyento, at tahanan na maglagay o magsabit ng Pambansang Watawat bilang pagmamahal, paggalang, at pakikiisa sa pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, alamin ang ilang gabay sa tamang pag-display ng Pambansang Watawat alinsunod sa Republic Act No. 8491. Maaari ring mabasa ang mga ito sa DepEd Order No. 60, s. 2007: bit.ly/DO60S2007

Photos from DepEd Philippines's post 01/06/2026

Muling magbayanihan para sa ligtas, maayos, at handang pagbabalik-eskwela! ๐Ÿซ ๐Ÿค

Makiisa ngayong Hunyo 1-11, para sa , ang taunang pagtutulungan ng DepEd, mga ahensya ng pamahalaan, at ibaโ€™t ibang partners upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase sa buong bansa.

May katanungan o concern tungkol sa pasukan? Nakaantabay ang OBE Public Assistance Command Center (PACC) upang tumugon at umalalay sa mga mag-aaral, magulang, at iba pang stakeholders.

๐Ÿ“ž Maaari rin makipag-ugnayan sa ating OBE Hotlines o bumisita sa pinakamalapit na OBE PACC, Regional o Division Office, at paaralan sa inyong lugar.

19/04/2026

๐“—๐“๐“Ÿ๐“Ÿ๐“จ ๐“—๐“๐“Ÿ๐“Ÿ๐“จ ๐“‘๐“˜๐“ก๐“ฃ๐“—๐““๐“๐“จ!๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐Ÿ’

Warmest birthday greetings to our dedicated Schools Division Superintendent, Madam Rowena Tizon Quiambao, CESO VI. Thank you for your exemplary service and for leading our division toward excellence. May your special day be as rewarding as the impact you make in the lives of our teachers and learners. Happy Birthday, Maโ€™am!

Greetings from your SDO City of Baliwag District I Family, headed by Dr. Aldin Caguiat Tanate

30/03/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ, ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!

Mula sa SDO City of Baliwag, taos-pusong pagpupugay sa inyong tagumpay at pagsisikap. Dalhin ninyo ang mga aral at pagpapahalaga bilang gabay sa pagtupad ng inyong mga pangarap.

Padayon, BaliwagHenyo! ๐Ÿ’š๐Ÿ’™๐Ÿ’š

30/03/2026

๐— ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—”๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ

Sa aking mga minamahal na mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taon, tanggapin ninyo ang aking mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat.

Bilang Ina ng Lungsod ng Baliwag, lubos kong ikinagagalak na masaksihan ang pag-ani ninyo sa mga bunga ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na makita ang tagumpay na naging kapalit ng bawat puyat, pagod, at sakripisyong inyong pinagdaanan sa mga nakalipas na taon. Ang pag-akyat ninyo sa entablado upang tanggapin ang inyong diploma ay patunay ng inyong pagsusumikap at isang karangalang dapat ipagmalaki.

Sa mahalagang sandaling ito, nawaโ€™y taos-puso ninyong pasalamatan, higit sa lahat, ang Poong Maykapal sa Kanyang walang hanggang patnubay at gabay sa inyong paglalakbay. Pasalamatan din ninyo ang mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay. Ang inyong mga magulang na nagsikap at nagsakripisyo upang maitaguyod ang inyong pag-aaral, ang inyong mga g**o na walang sawang gumabay at humubog sa inyong kaalaman, at ang inyong mga kaibigan na naging karamay ninyo sa saya at mga hamon ng inyong buhay bilang mag-aaral.

Dalhin ninyo sa inyong puso ang bawat aral at karanasang inyong natutunan sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Gayunpaman, tandaan ninyo na ang pagtatapos na ito ay hindi ang katapusan ng inyong paglalakbay, kundi simula pa lamang ng isang panibagong yugto sa pagtupad ninyo sa inyong mga pangarap sa mas malawak na mundo. Kaya naman, patuloy ninyong linangin ang inyong kakayahan at gamitin ang inyong kaalaman para sa ikabubuti ng inyong sarili at ng inyong komunidad.

Buong kumpiyansa akong magtatagumpay kayo sa susunod na yugto ng inyong buhay. At sa oras na marating ninyo ang rurok ng inyong mga pangarap, nawaโ€™y huwag ninyong kalimutan kung saan kayo nagmula, sapagkat ipinagmamalaki kayo ng Lungsod ng Baliwag.

Sa panibagong kabanatang inyong haharapin, harapin ninyo ito nang may tapang, tiwala sa sarili, at bukas na puso. Huwag kayong panghinaan ng loob sa mga pagsubok na inyong kakaharapin. Maaaring hindi maging perpekto ang lahat ng inyong mararanasan, at maaaring may mga pagkakataong kayo ay mabigo, ngunit tandaan ninyo na ang bawat hamon ay may dalang mahahalagang aral na magpapatibay sa inyo habang tinatahak ninyo ang landas ng inyong kinabukasan.

Muli, isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng magsisipagtapos sa Taong Pampanuruan 2025โ€“2026. Nawaโ€™y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong pamilya, komunidad, at sa buong Lungsod ng Baliwag.

Mayor Mommy Sonia V. Estrella
Punong Lungsod ng Baliwag, Bulacan


30/03/2026

Congratulations to all our athletes, coaches, and delegates of CLRAA Batch 1 โ€“ Tarlac Province!๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Every drop of sweat, every early morning, and every challenge you face is shaping you into championsโ€”not just in sports, but in life.

Keep pushing, keep striving, and never stop believing in your power to achieve greatness!

๐™‡๐™–๐™—๐™–๐™ฃ ๐˜ผ๐™ฉ๐™ก๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™–๐™œ๐™ƒ๐™š๐™ฃ๐™ฎ๐™ค!




Photos from DepEd Tayo - SDO City of Baliwag District 1's post 24/03/2026

๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™จ๐™–๐™๐™š ๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™œ๐™–๐™ข๐™–๐™จ๐™ž๐™™ ๐™‹๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ช๐™ง๐™ค๐™  ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™ก๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ง๐™ช๐™–๐™ฃ 2025 - 2026๐ŸŽ“

27/01/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | Malugod naming binabati si Sir ๐—˜๐—ฟ๐˜„๐—ถ๐—ป ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—™. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€, ๐—–๐—˜๐—ฆ๐—˜,
Assistant Schools Division Superintendent, sa pagkilala sa kanya bilang ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—— ๐—š๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—• (Assistant Schools Division Superintendent Category) ng DepEd Regional Office III

Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang walang sawang paglilingkod, mahusay na pamumuno, at matibay na dedikasyon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa higit pang makabuluhang serbisyo para sa kapakanan ng mga g**o, mag-aaral, at ng buong sektor ng edukasyon.





Want your school to be the top-listed School/college in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

City Of Baliwag
Bulacan
3006