AP CLUB - Alexis G. Santos National High School

AP CLUB - Alexis G. Santos National High School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AP CLUB - Alexis G. Santos National High School, School, Liciada, Bustos, Bulacan.

Photos from AP CLUB - Alexis G. Santos National High School's post 09/03/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ฌ๐จ ๐ŸŽ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€” Isang makasaysayang sandali ang nasaksihan sa Alexis G. Santos National High School sa ginanap na programang โ€œ๐™‹๐™–๐™œ๐™๐™–๐™๐™–๐™ฌ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ,โ€ isang gawaing naglalayong balikan at pahalagahan ang pinagmulan at paglalakbay ng paaralan sa paghubog ng kaalaman at kinabukasan ng mga mag-aaral.

Ang nasabing gawain ay nagsilbing paalala kung gaano kahalaga ang kasaysayan sa pag-unlad ng isang institusyon. Sa bawat pahina ng nakaraan ng ๐‘จ๐’๐’†๐’™๐’Š๐’” ๐‘ฎ. ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’๐’” ๐‘ต๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’‚๐’ ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’‰ ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’l ay nakaukit ang dedikasyon, sakripisyo, at malasakit ng mga taong naging bahagi ng pagtatatag at pagpapatatag nito. Sa pamamagitan ng paghahawi ng tabing, ipinakita hindi lamang ang isang simbolo ng nakaraan kundi ang kwento ng pagsisikap ng mga naunang henerasyon na naglatag ng matibay na pundasyon ng edukasyon sa komunidad.

Sa isang payak ngunit makabuluhang seremonya, nagtipon ang mga g**o, mag-aaral, at mga panauhin upang maging saksi sa mahalagang pangyayaring ito. Pinangunahan ang programa ni ๐‘ฌ๐’๐’ˆ๐’“. ๐‘ญ๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’‚๐’•๐’ ๐‘จ๐’๐’ˆ๐’†๐’๐’†, kasama ang buong pamayanan ng paaralan. Nakiisa rin sa okasyon sina ๐‘ฐ๐’ˆ๐’ˆ. ๐‘ด๐’‚๐’“๐’•๐’Š๐’ ๐‘บ๐‘ฑ. ๐‘จ๐’๐’ˆ๐’†๐’๐’†๐’”, dating Punong Bayan; ๐‘ด๐’‚๐’š๐’๐’“๐’‚ ๐‘ป๐’‰๐’†๐’๐’Ž๐’‚ ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’๐’”; ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘ด๐’‚๐’š ๐‘จ๐’“๐’๐’†๐’๐’† ๐‘ป๐’๐’“๐’“๐’†๐’”; at ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘จ๐’๐’†๐’๐’Š ๐‘ช๐’‚๐’๐’๐’›๐’‚, na pawang nagbigay-dangal sa programa sa kanilang presensya.

Bukod dito, binigyang-pugay at kinilala ang dalawang haligi sa kasaysayan ng paaralanโ€”sina ๐‘ซ๐’“. ๐‘น๐’๐’…๐’“๐’Š๐’ˆ๐’ ๐‘ฑ๐’Š๐’Ž๐’†๐’๐’†๐’› at ๐‘ฎ๐’๐’ˆ. ๐‘ณ๐’–๐’„๐’Š๐’๐’‚ ๐‘ฑ๐’Š๐’Ž๐’†๐’๐’†๐’›โ€”na nagkaroon ng mahalagang papel sa pagkakatatag at pag-unlad ng institusyon. Ang kanilang kontribusyon ay patunay na ang isang paaralan ay hindi lamang binubuo ng mga gusali, kundi ng mga taong may malasakit at pananaw para sa kinabukasan ng edukasyon.

Higit pa sa isang seremonya, ang araw na ito ay naging simbolo ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa pinanggalingan. Naging inspirasyon ito sa mga kasalukuyang mag-aaral at g**o upang ipagpatuloy ang magandang pamana ng paaralanโ€”ang patuloy na paghahangad ng kaalaman, kahusayan, at paglilingkod sa komunidad.

Sa paglipas ng panahon, ang mga ganitong gawain ay nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. ๐‘ท๐’Š๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’Š๐’•๐’ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‰๐’‚๐’Œ๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’“๐’‚๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’ ๐’‚๐’š ๐’ƒ๐’–๐’๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’”๐’Š๐’Œ๐’‚๐’‘ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’•๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’–๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’“๐’‚๐’‘ ๐’‚๐’• ๐’๐’‚๐’ˆ๐’”๐’–๐’Ž๐’Š๐’Œ๐’‚๐’‘ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’…๐’Š๐’•๐’.


18/02/2026

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฐ๐Ÿฎ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—๐—ข ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข๐—ฆ

Noong Pebrero 18, 1984, pumanaw si Alejo Santos na nakilala sa kanyang lingkod bayan at gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ipinanganak siya sa Bonga Menor, Bustos, Bulacan at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas na may degree na Bachelor of Science in Education. Noong 1934, nagsimula siyang magtrabaho bilang bantay sa piitan. Sa taon ding iyon, ikinasal siya kay Juanita Garcia at sa kalaunan ay magkakaroon sila ng walong anak. Naging patrolman siya ng Manila Police Department (1934-1941) at opisyal sa hukbong Pilipino (1938-1942).

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilabanan niya ang mga Hapon bilang kapitan ng United States Army Forces in the Far East (USAFFE). Matapos sumuko ang USAFFE sa Pilipinas, itinatag niya noong Hunyo 1942 at pinangunahan ang pangkat ng gerilyang Bulakenyo na Philippine Legion. Nagpaiba-iba ang anyo at ngalan ng pangkat hanggang sa noong Oktubre 12, 1943, ito ay naging Bulacan Military Area ng USAFFE Luzon Guerrilla Army Forces na may kasaping nasa 23,000 katao.

Itinalaga siya bilang gobernador militar ng Bulacan noong 1945 sa panahon ng pagpapalaya mula sa mga Hapon at nahalal siya bilang kinatawan ng unang distrito ng Bulacan noong 1946. Bagaman hindi siya nakaupo agad dahil sa isang protestang elektoral, nahalal siya muli sa pagiging kinatawan mula 1949 hanggang 1951.

Nagsilbi naman siya bilang Gobernador ng Bulacan mula 1951 hanggang 1958. Pinangunahan niya ang pagpapagawa ng maraming gawaing pampubliko sa lalawigan sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Naputol ang panunungkulan niya bilang Gobernador nang italaga noong Abril 1958 bilang Reparations Commissioner. Nang sumunod na taon, Mayo 1959 ay itinalaga siya bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa. Tinutulan niya ang pagtatayo ng mga base ng atomic missile ng Estados Unidos sa Pilipinas. Itinaguyod din niya ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) upang posibleng alternatibo sa paglalagay ng mga bombang atomiko sa bansa. Tinangka niyang magbitiw noong Mayo 1961 upang makatakbo para sa nominasyon ng pagka-Bise Presidente sa Partido Nacionalista ngunit nanatili sa puwesto hanggang Disyembre 30, 1961, nang umupo si Pangulong Diosdado Macapagal.

Itinalaga siya bilang direktor ng Kawanihan ng mga Kulungan at coordinator para sa kampanya kontra krimen na may ranggong kalihim mula 1967 hanggang 1971. Tinutulan niya ang paggamit ng parusang kamatayan at pinanukalang ang habambuhay na pagkakabilanggo na lamang ang maging pinakamataas na parusa sa krimen. Nagpatupad din siya ng mga reporma sa piitan at binigyan ng oportunidad ang mga bilanggo na kumuha ng mga kursong vocational.

Noong 1971, itinalaga siya bilang miyembro ng lupon ng Philippine Veterans Bank. Noong 1981, tumakbo siya sa pagka-Pangulo ng Pilipinas laban sa nakaupo noong si Ferdinand Marcos Sr. sa isang halalang binoykot ng United Democratic Opposition (UNIDO). Pumanaw siya makalipas ng tatlong taon dahil sa sakit sa puso.

Bilang pagkilala sa kanyang ambag sa bayan, ipinangalan sa kanya ang isang kampo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Naglagay rin ng panandang pangkasaysayan ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Bustos Heritage Park noong Hulyo 17, 2022.

Mga Sanggunian:

โ€œ7 Convicts Slain in Philippines,โ€ 1970. St. Joseph News-Press, Hulyo 22, 1970.

โ€œAgainst Atom Missiles Bases in Philippines,โ€ 1959. St. Joseph News-Press, Disyembre 13, 1959.

"Alejo S. Santos (1951-1957)." walang petsa. Provincial Government of Bulacan. Nakita noong Pebrero 18, 2024 sa https://bulacan.gov.ph/general-info/provincial-governors/alejo-santos/.

"Alejo Santos 1911-1984." 2022. National Registry of Historic Sites and Structures. Nakita noong Pebrero 18, 2024 sa https://philhistoricsites.nhcp.gov.ph/registry_database/alejo-santos-1911-1984/.

โ€œAlejo Santos Resigns to Seek Nomination,โ€ 1961. St. Petersburg Times. Mayo 22, 1961.

โ€œAllโ€™s Set for the National Convention.โ€ 1948. The Legioner 1 (9): 12.

Duldulao, Manuel D. 2007. A Century of Philippine Legislature. Tomo 2. Lungsod Quezon: Experience Philippines.

โ€œEx-Guerilla Fighter Says He Can Outpoll President Marcos,โ€ 1981. The Lewiston Journal, Mayo 28, 1981.

โ€œFraud Charged in Re-Election of Pres. Marcos,โ€ 1981. The Michigan Daily, Hunyo 17, 1981.

โ€œMarcosโ€™ Win Official,โ€ 1981. Wilmington Morning Star, Hunyo 22, 1981.

โ€œPhilippines May Abolish Death Penalty,โ€ 1970. The Pittsburgh Press, Pebrero 25, 1970.

. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
๐Ÿ– I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
๐Ÿ‘‰ Bisitahin ang www.psaysay.org
๐Ÿค™ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]

18/02/2026

Today marks the 42nd Death Anniversary of General Alejo S. Santos - a Bataan death march survivor, a World War II hero, a public servant.
1984 - 18 February - 2026

"I believed that for every post that I had in my checkered career, I have served honestly and in response to the demands of public trust.
I may have failed in my presidential campaign in 1981 but I believed I have given the opportunity to our people to exercise our time - honored heritage - - freedom and democracy. In the process I have brought to fore the apprehensions and questions that our people nurtured but never dared to ask.
In this particular area, I may not have succeeded electionwise, but honestly, I have done my job."

- ALEJO S. SANTOS

31/12/2025
Photos from Pangkat Saliksik ng Kasaysayan ng Bayan's post 30/12/2025
30/12/2025

๐™๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™ก ๐™จ๐™– ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™ž ๐™๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™–๐™œ
Si Carreon, ang Rebultong ni Rizal at Inang Bayan.
Ang "Inang Bayan" ay nangangahulugang "Mother Country" o "Bayan Bilang Ina" sa Filipino, isang simbolo ng Pilipinas bilang isang ina na nag-aalaga sa kanyang mga anak (mamamayan), kumakatawan sa pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at pambansang pagkakakilanlan, na kadalasang inilalarawan bilang isang babaeng Filipina na may watawat o korona, at nagbibigay-diin sa lakas at pag-asa sa pamamagitan ng mga tradisyon tulad ng Bayanihan.
Ang 100 Taon ng Monumento ni Rizal sa Baliwag 1925-2025
"ANG BALIUAG KAY RIZAL"
Si Roman V. Carreon ang eskultor ng 1925 Rizal Monument sa Baliwag itinayo noong October 15, 1925 at pinasiyaan noong Ika- 30 ng Disyembre 1925 kasama si Senate Pres. Manuel L. Quezon bilang Panauhing Pandangal.
Larawan mula kay Sister Milagros Carreon ang rebulto ni Dr. Jose Rizal kasama ng kanyang ama na si Roman Carreon matapos lilukin.


Batang Baliwag Multimedia

30/12/2025

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ•ฏ๏ธ

Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-30 ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ, ginugunita natin ang ๐ˆ๐ค๐š-129๐ญ๐ก ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š๐ง ni ๐——๐—ฟ. ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น, ang ating Pambansang Bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at dangal ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng kanyang mga akda, ginising ni Rizal ang kamalayan ng mga Pilipino. Ipinakita niya na ang talino, tapang, at pagmamahal sa bayan ay kayang maging sandata laban sa pang-aapi at kawalan ng katarungan.

๐—”๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐——๐—ฟ. ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น โ€” ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.

โœ๐Ÿป: Princess Charish Manlapas | SSLG Protocol Officer
๐Ÿ’ป: Jayve Rojas | SSLG Grade 11 Representative




Photos from BULACAN History and Heritage's post 05/12/2025
19/11/2025

Pagbisita ng mag-aaral at g**o mula sa BulSU-Bustos at Alexis Santos National High School sa ating museo bilang bahagi ng kanilang Heritage Tour sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.


Want your school to be the top-listed School/college in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Liciada, Bustos
Bulacan