DepEd San Francisco Xavier High School

DepEd San Francisco Xavier High School

Share

This is the official page of San Francisco Xavier High School. Email Address: 306711 @deped.gov.ph

12/07/2026

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan , SUSPENDIDO ANG FACE-TO-FACE CLASSES sa SAN FRANCISCO XAVIER HIGH SCHOOL sa LUNES, HULYO 13, 2026.

๐Ÿ“š Lahat ng klase ay isasagawa sa pamamagitan ng Alternative Learning Mode (HINAY).Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na makipag-ugnayan sa kanilang mga g**o at sundin ang mga ibibigay na gawain at tagubilin upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto.

Inaanyayahan ang lahat na unahin ang kaligtasan. Manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng San Francisco Xavier High School para sa mga susunod na updates.

07/07/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHAT NG MAGULANG, MAG-AARAL, AT MGA KAWANI

Alinsunod sa DepEd Order No. 014, s. 2026, narito ang gabay sa class suspensions at learning continuity tuwing may bagyo o malakas na pag-ulan.

Inaanyayahan ang lahat na maging pamilyar sa mga panuntunang ito upang maging handa at malaman kung kailan may suspensyon ng klase.

๐ŸŸข HAYO โ€“ Walang bagyo o malakas na pag-ulan. Tuloy ang klase.
๐ŸŸก HINAY โ€“ Signal No. 1 / Yellow Rainfall Warning. Sundin ang kaukulang anunsyo.
๐ŸŸ  HINGA โ€“ Signal No. 2 o Orange Rainfall Warning. May awtomatikong suspensyon ng in-person classes ayon sa DepEd guidelines.
๐Ÿ”ด HINTO โ€“ Signal No. 3-5 o Red Rainfall Warning. Awtomatikong suspendido ang in-person classes sa lahat ng antas.

๐Ÿ“Œ Patuloy na subaybayan ang opisyal na anunsyo ng DepEd, PAGASA, at ng ating paaralan para sa mga updates.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.
Mag-ingat, maging handa, at manatiling ligtas!

05/07/2026

๐‘๐„๐€๐ƒ๐˜ ๐Š๐€ ๐๐€๐๐€ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐’๐”๐Œ๐Œ๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐“๐„๐’๐“?๐Ÿ“

Kung hindi pa, ihanda na ang mga kailangan:

- ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™‡๐™‹๐™€๐™‰ na hindi biglang nawawala sa oras ng pangangailangan.
- ๐™‹๐˜ผ๐™ˆ๐˜ฝ๐™๐™๐˜ผ para sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.
- ๐™‹๐˜ผ๐™‹๐™€๐™‡ na malinisโ€ฆ ang intensiyon, ay hindi gaganon.
- ๐™๐™๐˜ผ๐™† na ang laman ay ang pinag-aralan at hindi siya na iba ang gustong pakasalan.
- And lastly, ๐˜พ๐™ƒ๐™๐˜พ๐™†๐™„๐™€ na may ๐™‡๐™€๐™๐™๐™€๐™.๐Ÿฅฐ

Be ready Xavierians, siguradong may mga tanong na lilituhin ka, tulad ng โ€œ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™—๐™– ๐™ค ๐™ข๐™–๐™—๐™–๐™ž๐™ฉ ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–?โ€ kaya naman ay magbasa, huwag magmadali sa pagsagot, seryosohin, pause kung nahihirapan, at move on. (ooops)๐Ÿ™Š

Kumpleto na sa gamit, isang โ€œ๐’ˆ๐’๐’๐’…๐’๐’–๐’„๐’Œ ๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’šโ€ nalang ang kulang.๐Ÿคžโค๏ธ

๐†๐Ž๐Ž๐ƒ๐‹๐”๐‚๐Š ๐—๐€๐•๐ˆ๐„๐‘๐ˆ๐€๐๐’!!

Photos from DepEd Philippines's post 05/07/2026

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.

Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

Photos from DepEd Tayo - San Francisco Xavier High School 306711's post 04/07/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ National Disaster Resilience Month 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month buong pusong nakikiisa ang San Francisco Xavier High School sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)Office of Civil Defense (OCD), at National Resilience Council Foundation, Inc. (NRF) sa pagsusulong ng kultura ng kahandaan at katatagan sa ating bansa.

Patuloy nating palalakasin ang kamalayan, kahandaan, at pagtutulungan ng bawat miyembro ng komunidad upang maging ligtas at matatag sa harap ng anumang sakuna.

Buong suporta itong isinusulong sa pangunguna ng ating Punong G**o III, Gng. Lo**ta S. Valerio, katuwang ang masigasig na pagtugon at patuloy na paghahanda ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) at School Emergency Response Team (SERT)ng paaralan.

Sama-sama nating isabuhay ang kahandaan, disiplina, at pagkakaisa tungo sa isang ligtas at matatag na paaralan at pamayanan.











Photos from SFXHS Senior Scouts's post 04/07/2026

๐Ž๐ง๐ž ๐“๐ซ๐ž๐ž, ๐Ž๐ง๐ž ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž | ๐ŸŒด

Great day out at Brgy. Malibay, San Miguel, Bulacan for the โ€œ๐‘ป๐’‚๐’š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’ โ€“๐‘ป๐’“๐’†๐’† ๐‘ท๐’๐’‚๐’๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’„๐’•๐’Š๐’—๐’Š๐’•๐’š!โ€

Proud to have ๐™Ž๐˜พ๐™๐™. ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™๐™ช๐™จ๐™–๐™ก๐™š๐™ข ๐™. ๐˜ผ๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ, 2๐˜ฝ๐™ƒ take part in this meaningful cause. Together with BSP Bulacan Council, Rotary/Rotaract District 3770, partners, and volunteers to plant trees and help build a greener, healthier tomorrow. ๐ŸŒ๐Ÿ’š

๐‘๐จ๐จ๐ญ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž.๐ŸŒฑ

Photos from DepEd Tayo - San Francisco Xavier High School 306711's post 04/07/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Friday Flag Retreat Ceremony ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa pagtatapos ng linggong ito, sama-sama tayong nagtipon para sa ating Friday Flag Retreat Ceremonyโ€”isang makabuluhang sandali ng pagninilay, pasasalamat, at pagkilala sa mga natutunan, hamon, at tagumpay na ating napagdaanan sa buong linggo.

Nawa'y magsilbi itong paalala na patuloy nating isabuhay ang disiplina, paggalang, responsibilidad, at pagmamahal sa ating bayan sa bawat araw. Dalhin natin ang mga aral na ating natamo bilang inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang ating sarili at maging mabuting halimbawa sa ating paaralan at komunidad.

Patuloy tayong magsikap, magkaisa, at mangarap para sa mas maliwanag na kinabukasan.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang kabataang Pilipino! Mabuhay ang San Francisco Xavier High School!๐Ÿ’™โœจ











Photos from DepEd Tayo - San Francisco Xavier High School 306711's post 30/06/2026

PAGPAPATIBAY NG SEGURIDAD NG PAARALAN AT PAGHAHALAL NG MGA BAGONG PINUNO NG SPTA PARA SA TAONG PANURUAN 2026โ€“2027

Bilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa paaralan, isinagawa ngayong Hunyo 30, 2026, ganap na ika-1:00 ng hapon, ang isang mahalagang pagpupulong sa Function Room ng San Francisco Xavier High School kasama ang mga pinuno ng Homeroom Parents-Teachers Association (HPTA) at ang ating katuwang mula sa kapulisan na si PMSG Eduardo J. Isla.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno at buong suporta ng ating butihing Punongg**o III, Gng. Lo**ta S. Valerio, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng seguridad at kapakanan ng bawat mag-aaral, g**o, kawani, at mga magulang sa loob ng paaralan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng pagpupulong ay ang pagtalakay at pagbuo ng mga konkretong plano at balangkas ng mga gawain na magpapalakas sa seguridad ng paaralan. Tinalakay rin ang mga hakbangin at programang ipatutupad ng kapulisan sa pakikipagtulungan sa paaralan upang higit pang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at kaligtasan ng buong komunidad ng San Francisco Xavier High School.

Kasabay rin ng mahalagang pagpupulong na ito ay ang matagumpay na pagsasagawa ng School Parents-Teachers Association (SPTA) Election para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027, kung saan nahalal ang mga bagong opisyal na magsisilbing katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng iba't ibang programa at proyekto para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Naging makabuluhan rin ang pagkakataong ito sa pagbibigay ng Accomplishment Report ng ating nagdaang Pangulo ng SPTA na si Ms.Novel R.Hernandez, na naglahad ng mga programa, proyekto, at mga tagumpay na naisakatuparan sa loob ng nakalipas na dalawang taon ng kanyang panunungkulan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang, opisyal ng HPTA at SPTA, mga g**o, at katuwang mula sa kapulisan sa inyong walang sawang suporta, pagtitiwala, at aktibong pakikiisa sa bawat programa ng ating paaralan. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy nating maisulong ang isang ligtas, disiplinado, at de-kalidad na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat din sa ating mga naging opisyal sa kanilang tapat na paglilingkod at paggabay. Nawa'y magpatuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa tungo sa higit pang pag-unlad ng San Francisco Xavier High School.

๐Ÿ–Š๏ธ Sir Nathaniel H.Torre
๐Ÿ“ท Sir Paul Christian Cruz
Sir Nathaniel H Torre






29/06/2026

...Hindi Muli Mananaig

Photos from DepEd Tayo - San Francisco Xavier High School 306711's post 29/06/2026

Strengthening School Safety Through Child Protection Awareness!!!

Safety begins with awareness. As part of San Francisco Xavier High School's commitment to ensuring a safe and secure learning environment, our school welcomed PMSG Eduardo J. Isla, who conducted an informative talk on Child Safety and Protection. The session aimed to educate learners on the importance of staying safe and protecting themselves both inside and outside the school.

The activity was held immediately during the Flag Raising Ceremony, led by the Grade 12 ABM students. It also reflects the school's strengthened commitment to providing enhanced security measures and prioritizing the welfare and protection of every learner.

Under the leadership of our School Head III, Ma'am Lo**ta S. Valerio, San Francisco Xavier High School continues to intensify its efforts in maintaining a safe, secure, and child-friendly learning environment for all.

Thank you, PMSG Eduardo J. Isla, for your invaluable service and dedication to keeping our learners safe. Snappy Salute! ๐Ÿซก








Want your school to be the top-listed School/college in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Masagana Street San Francisco, Bulakan
Bulacan
3017