13/05/2026
BRIGADA ESKWELA 2026
Mga magulang, alumni, stakeholders, volunteers, at buong komunidad — sama-sama po nating ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Inaanyayahan ng Towerville Elementary School ang lahat na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 mula June 1–5, 2026 na may temang:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at diwa ng bayanihan, masisig**o nating magiging ligtas, malinis, at handa ang ating paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Mga maaaring maitulong:
• Paglilinis ng paaralan
• Pagpipintura at pagkukumpuni
• Donasyon ng school supplies at cleaning materials
• Pag-aayos ng mga silid-aralan
• Pagbibigay ng oras at serbisyo bilang volunteer
Ang bawat ambag, maliit man o malaki, ay malaking tulong para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Kita-kits sa Towerville Elementary School ngayong June 1–5, 2026.
Sama-sama nating buhayin ang diwa ng BAYANIHAN para sa edukasyon.
08/05/2026
Towerville Elementary School Radio broadcasters LIVE 🎬👏👏
Mabuhay ang mga batang CAMPUS JOURNALISTS! 🫡
20/04/2026
Congratulations!
Towerville Elementary School proudly extends its warmest congratulations to Leonardo C. Canlas, EdD, CESO VI on his appointment as a full-fledged Schools Division Superintendent!
Your dedication, visionary leadership, and unwavering commitment to quality education continue to inspire educators and learners alike. This remarkable achievement is a testament to your passion for service and excellence in the field of education.
May you continue to lead with integrity and inspire positive change in the division. We are truly honored to be part of your journey!
Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod!
02/03/2026
FIRE PREVENTION MONTH
Hi, TESians!
Narito ang mga paalala at mga mahalagang hakbang upang maka-iwas sa panganib na dala ng sunog.
Maging alerto, maging handa, at sama-sama nating pangalagaan ang ating paaralan at komunidad.
17/02/2026
Warm welcome to our newly installed School Principal, Ma’am Carolyn W. Oliveros!
We look forward to walking with you as you lead our school toward greater inclusion and equity. We believe that with you as our leader, every learner, regardless of ability or background, is valued, supported, and empowered to thrive. ❤️📚💡
16/02/2026
Like a rose that blooms with grace and warmth, you have touched the hearts of our learners with your constant presence and genuine care by always taking time to visit and connect with them. Your advocacy for Special Needs Education (SNED) has been a guiding light, reminding us that every child deserves to be nurtured and celebrated. Just as a rose stands out in a garden, your dedication and compassion have made a lasting mark in our school community.
Thank you, Ma'am Reneerose for being a true champion of their growth and for inspiring us all to see the beauty in every child. 🌹
With much love and heartfelt gratitude,
Your TES SNED Family ❤️
11/02/2026
Gabay sa Tamang Pagsisipilyo para sa mga Bata
Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsuporta sa kalusugan ng mga mag-aaral, hinihikayat ng Towerville Elementary School ang lahat ng magulang at mag-aaral na isabuhay ang tamang paraan ng pagsisipilyo gamit ang S.I.P.I.L.Y.O.
S – Sapat na FLUORIDE
Siguraduhing ang toothpaste ay may 1000–1500 ppm fluoride para protektado laban sa cavities.
I – Ilagay ang WASTONG DAMI
• 0–2 yrs old: dampi lang
• 2–6 yrs old: ga-mais
• 6+ yrs old: buong toothbrush head
P – Paikot-ikot sa bawat ngipin
Gumamit ng gentle circular motion upang malinis pati gilagid.
I – Iwasan magmumog pagkatapos magsipilyo
Dura lamang upang manatili ang fluoride sa ngipin.
L – Laging araw-araw, gabi-gabi
Magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw.
Y – Yes sa KAIN – BRUSH – TULOG
Ugaliing magsipilyo bago matulog.
O – Orasan ng DALAWANG MINUTO
Siguraduhing 2 minutes ang pagsisipilyo para mas epektibo.
Sama-sama nating pangalagaan ang ngiti ng bawat batang TESian!
06/02/2026
2026 National Toothbrushing Day sa Towerville Elementary School
Masayang nakiisa ang mga mag-aaral ng Towerville Elementary School sa isinagawang Toothbrushing Day na naglalayong itaguyod ang wastong pangangalaga sa ngipin at kalusugan ng bawat bata. Sa gabay ng ating masisipag na g**o, natutunan ng mga mag-aaral ang tamang paraan ng pagsisipilyo at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis at malusog na ngiti.
Ang simpleng gawaing ito ay naglalayong hubugin ang disiplina, kalinisan sa sarili, at kamalayan sa dental health ng ating mga mag-aaral. Tunay na naging matagumpay at makabuluhan ang araw na ito dahil sa aktibong pakikiisa ng lahat.
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at tumulong upang maisakatuparan ang gawaing ito. Sama-sama nating itaguyod ang malusog na ngiti at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
31/01/2026
𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐞𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲!
Maagang pagpaparehistro para sa 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗡𝗲𝗲𝗱𝘀 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗦𝗡𝗘𝗗) sa Towerville Elementary School ay bukas na mula 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 31 – 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 27, 2026.
𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌. 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮'𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗲𝗻𝗿𝗼𝗹 𝗻𝗮!