23/03/2026
Iba National High School, 2nd place sa On-the-Spot Painting Competition sa Hagonoy
Nagkamit ng ikalawang puwesto ang Iba National High School sa On-the-Spot Painting Competition na inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy para sa pabalat ng “Hagonoeño: Sulatan para sa Kinabukasan.”
Kinilala si Esther Myrrh Madrazo bilang 2nd place winner sa secondary level category ng nasabing patimpalak.
Ginabayan ang kalahok ng coach na si John Ryan J. De Guzman, habang sa rekomendasyon ni Wilfredo R. Quiambao, LPT, Arts Coordinator, inilaban ang mag-aaral sa kompetisyon.
Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa nina Head Teacher I Ma. Eleonore S. Paguiligan at Principal IV Roberto A. Cristobal.
Isinagawa ang patimpalak sa Hagonoy West Central School.
Ang patimpalak ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa pangunguna ni Mayor Ate Charo Sy-Alvarado Mendoza, kasama si Konsehal John David “Sir Juan” Martin, ang pamunuan ng Hagonoy East at Hagonoy West District, at ang MHACTO Hagonoy (Municipal History, Arts and Culture Tourism Office).