12/07/2026
📢📢ANUNSYO NG SUSPENSYON NG KLASE
Ipinaaalam po sa lahat na walang pasok bukas, [Hulyo 13,2026], alinsunod sa anunsyo ng ating lokal na pamahalaan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang opisyal na page ng paaralan para sa mga susunod na anunsyo.
Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat.
https://www.facebook.com/share/1CKpiiaQmJ/?mibextid=wwXIfr
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢: 🧡 Dahil sa patuloy na nararanasang pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat at sa inaasahang pagtaas ng tubig o high tide ngayong linggo, mas pinaiigting natin ang pag-iingat upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan.
Kaugnay nito, ayon sa rekomendasyon nga ating calumpit Municipal Disaster Rsk Reduction and Management Council (MDRRMC), WALANG PASOK sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ngayong Lunes, Hulyo 13, 2026. Ipatutupad muna ang Flexible Learning Options alinsunod sa abiso ng DepEd Calumpit.
Patuloy nating mino-monitor ang lagay ng panahon at antas ng tubig sa iba't ibang barangay. Nananatiling nakaantabay ang ating MDRRMO, rescue teams, at iba pang tanggapan upang agad na makatugon sa anumang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Hinihiling ko ang pakikiisa ng bawat isa. Iwasan muna ang hindi kinakailangang paglabas, maging mapagmatyag, at patuloy na sundan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit.
Ang kaligtasan ng bawat pamilyang Calumpiteño ang ating pangunahing prayoridad.