17/08/2026
π§οΈ HINAY: Mag-ingat, Maghanda, Maging Ligtas! π§οΈ
Sa panahon ng HINAY, unahin ang kaligtasanβmakinig sa opisyal na abiso, manatili sa ligtas na lugar, ihanda ang mga kinakailangang gamit, at ipagpatuloy ang pag-aaral sa abot ng makakaya. Sama-sama nating pangalagaan ang bawat isa at manatiling handa sa anumang hamon. π
π
August 17, 2026
π« Sapang Putik Elementary School
Kaligtasan ngayon, pagkatuto at pag-asa bukas! ππ
10/08/2026
π Happy Birthday teacher Aimee! π ππ
May God bless you with good health, genuine happiness, and abundant blessings. May He guide you always and grant the desires of your heart. πβ€οΈ
βMay He give you the desire of your heart and make all your plans succeed.β β Psalm 20:4 β¨
Love: SPES Family
08/08/2026
ππ Maligayang Ika-3 Anibersaryo, Ma'am Teresita Adriano Chan ππ
Taos-pusong pagbati sa ating minamahal na Punong G**o III, Dr. Teresita A. Chan, PhD, sa pagdiriwang ng kanyang ikatlong taon ng tapat at makabuluhang paglilingkod sa ating sintang paaralan, Sapang Putik Elementary School! π«πΈ
Sa loob ng tatlong taon, naging inspirasyon ang inyong dedikasyon, malasakit, at mahusay na pamumuno sa buong SPES Family. Maraming salamat sa patuloy na paggabay, suporta, at pagsisikap para sa kapakanan ng ating mga g**o at mag-aaral. ππ
Nawaβy patuloy kayong pagkalooban ng karunungan, lakas, mabuting kalusugan, at tagumpay sa inyong paglilingkod. πβ¨
Mula sa inyong SPES Family, maligayang ika-3 anibersaryo, Maβam Terry! ππ·
βSama-sama sa paglilingkod, sama-sama sa pag-unlad, tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang SPESciansβ π±ππ
03/08/2026
π’ ANNOUNCEMENT | HINAY Mode of Learning
Base sa anunsyo ng ating minamahal na Punong Bayan, Igg. Fernando "Gazo" S. Galvez, Jr. at upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral, ang Sapang Putik Elementary School ay pansamantalang magpapatupad ng HINAY Mode of Learning (Modules, Asynchronous Activities, at Online Classes) bukas August 4, 2026.
Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral at magulang na sundin ang itinakdang iskedyul at manatiling aktibong nakikipag-ugnayan sa kanilang mga g**o.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang ligtas, flexible, at de-kalidad na edukasyon! ππ
03/08/2026
π’ IMPORTANT ANNOUNCEMENT: SHIFT TO "HINAY" (EASE-IN) LEARNING MODE π’
To all Parents, Guardians, and Learners of Sapang Putik Elementary School:
Please be informed that Sapang Putik Elementary School will temporarily shift from face-to-face classes to the HINAY (Ease-in) learning modality, effective August 3, 2026 (Monday).
β What is HINAY?
HINAY (Ease-in) ensures that learning continues at a slower, flexible pace using modular or online distance learning during mild disruptions. This guarantees that our students stay safe while staying on track with their education.
π Key Reminders During HINAY:
π± Maintain Open Communication: Stay connected with teachers and school updates through official class group chats and channels.
π Establish a Dedicated Study Space: Create a quiet, comfortable, and organized environment at home for focused study.
π» Be Present & Active: Ensure active participation during all scheduled online sessions or modular check-ins.
π Submit Work on Time: Complete and submit all learning activities and assignments according to the scheduled deadlines.
π¨βπ©βπ§βπ¦ Parental Support: Active parental guidance and regular monitoring are crucial to keeping learners motivated and supported at home.
βTogether, letβs keep learning moving! Stay safe, stay healthy, and keep learning!β
For further details or questions, please reach out directly to your respective class advisers. Thank you for your continued support and cooperation!
24/07/2026
π₯πΏ Buwan ng Nutrisyon 2026 πΏπ₯
Malugod na nakikiisa ang Paaralang Elementarya ng Sapang Putik sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026 na may temang:
"Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."
Ang tema ngayong taon ay nagpapaalala sa atin na ang pangangalaga sa ating kalusugan ay kaakibat ng pangangalaga sa ating kalikasan. Sa pamamagitan ng pagpili ng masustansyang pagkain, pagtatanim ng gulay, pagbabawas ng basura, at pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran, sama-sama nating maitataguyod ang isang mas malusog na pamayanan at mas ligtas na kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Inaanyayahan namin ang buong komunidad ng paaralan na makiisa sa mga gawaing inihanda para sa Buwan ng Nutrisyon. Magtulungan tayo upang maisabuhay ang wastong nutrisyon at pagmamalasakit sa kalikasan.
"Ang matalinong tao ay nakikita ang panganib at naghahanda, ngunit ang mangmang ay nagpapatuloy at nagdurusa."
β Kawikaan 22:3
π± Kalusugan at Kalikasan, Ating Pangalagaanβpara sa mas malusog na kabataan at mas maunlad na kinabukasan!
24/07/2026
π’ Taos-pusong Pasasalamat! π
Ang buong pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Sapang Putik, sa pamumuno ng ating mahusay na Punong G**o III, Dr. Teresita Adriano Chan ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating minamahal na kapitan ng barangay, Igg. Marcos V. Nieto sa kanyang patuloy na suporta sa ating paaralan, lalo na sa paglalaan ng Barangay Tanod na tumutulong sa pagbabantay at pagtiyak ng kaligtasan ng ating mga mag-aaral.
Ang inyong malasakit at pakikiisa ay malaking ambag sa paglikha ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa ating komunidad. Nawa'y patuloy tayong magkaisa para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
"Magtulungan tayo sa paggawa ng mabuti sa lahat." β Galacia 6:10
20/07/2026
π΅π FLAG RAISING CEREMONY | BUWAN NG NUTRISYON 2026 ππ
Sa ating lingguhang Flag Raising Ceremony, sabay din nating binigyang-pugay ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may temang "Nutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan" . Nawa'y maging paalala ito sa ating lahat na ang wastong nutrisyon ay mahalagang pundasyon ng mabuting kalusugan at matagumpay na pagkatuto.
Sama-sama nating isabuhay ang malusog na pamumuhay at patuloy na itaguyod ang disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.
"Kaya't kumain man kayo o uminom, o anuman ang inyong gawin, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos." β 1 Corinto 10:31
16/07/2026
Happy Birthday! π Teacher Naice De Castro Morales
May God bless you with good health, happiness, and strength as you celebrate another year of life. Wishing you a year filled with His love and abundant blessings.
"The Lord bless you and keep you; the Lord make His face shine on you and be gracious to you." β Numbers 6:24β25
Happy Birthday! God bless you always. ππ
Love: SPES Family
06/07/2026
π΅π FLAG RAISING CEREMONY | PAGSISIMULA NG BUWAN NG HULYO
Sa pagsisimula ng buwan ng Hulyo, matagumpay na isinagawa ng ating paaralan ang Flag Raising Ceremony bilang paggunita sa ating pagmamahal sa bayan at pagtitibay ng ating sama-samang adhikain para sa isang produktibo at makabuluhang buwan.
Bilang bahagi ng ating A Value a Month, tampok ngayong Hulyo ang pagpapahalagang "Pagmamalasakit sa Kapwa." Nawa'y magsilbi itong paalala sa ating lahat na ang kabutihan, paggalang, pag-unawa, at pagtutulungan ay nagsisimula sa maliliit na gawaing may taos-pusong malasakit.
Patuloy nating isabuhay ang kulturang nagtataguyod ng pagmamahal sa kapwa at pagkakaisa upang makalikha ng isang ligtas, maayos, at masayang kapaligiran sa pagkatuto.
"Magmahalan kayo bilang magkakapatid at mag-unahan kayo sa pagpaparangal sa isa't isa." β Roma 12:10
Maligayang buwan ng Hulyo! Sama-sama nating isabuhay ang Pagmamalasakit sa Kapwa sa bawat salita, kilos, at gawain.