20/09/2026
WE WILL NEVER FORGET THE CRIMES OF DICTATORSHIP.
Fifty-four years have passed, but remains in the memory of the society what was left by the dictatorship Marcos.
In the name of power, freedom is stolen.
In the name of order, the citizens are silenced.
In the name of law, rights are violated.
And at the center of it all is Ferdinand Marcos Sr.—the dictator, fascist leader, and puppet of interests that crave power more than the society.
We will not be fooled by the revision of the "golden age" a time trapped in fear, torture, and suffering. We will not allow lives lost, families destroyed, and voices silenced to be made into books.
We are the youth you can't silence.
Because the classroom is not a prison for our minds.
History is not a toy of rulers.
And the truth is not erased by repeated lies.
If it has to be remembered, it will be remembered.
If it has to speak, it will speak.
If you must stand, stand.
Because forgetting is betraying those who fought.
HINDI NAMIN KALILIMUTAN ANG MGA KRIMEN NG DIKTADURA.
Limampu’t apat na taon na ang lumipas, ngunit nananatili sa alaala ng sambayanan ang lagim na iniwan ng diktadurang Marcos.
Sa ngalan ng kapangyarihan, ninakaw ang kalayaan.
Sa ngalan ng kaayusan, pinatahimik ang mamamayan.
Sa ngalan ng batas, nilabag ang karapatan.
At sa gitna ng lahat ng ito ay si Ferdinand Marcos Sr.—ang diktador, pasistang pinuno, at tuta ng mga interes na higit na kumiling sa kapangyarihan kaysa sa sambayanan.
Hindi kami magpapaloko sa rebisyong nagbabalatkayong “ginintuang panahon” ang isang panahong hitik sa takot, pagsikil, at pagdurusa. Hindi namin hahayaang gawing palamuti sa mga aklat ang mga buhay na nawala, mga pamilyang winasak, at mga tinig na pinatahimik.
Kami ang kabataang hindi ninyo mapatatahimik.
Dahil ang silid-aralan ay hindi kulungan ng aming mga isip.
Ang kasaysayan ay hindi laruan ng mga naghaharing-uri.
At ang katotohanan ay hindi nabubura sa pamamagitan ng paulit-ulit na kasinungalingan.
Kung kailangang alalahanin, aalalahanin.
Kung kailangang magsalita, magsasalita.
Kung kailangang manindigan, maninindigan.
Dahil ang paglimot ay pagtataksil sa mga lumaban.