Young Local Historians Club - BNIS

Young Local Historians Club - BNIS YLHC S.Y. 2025-2026 Page

Ngayong Bonifacio Day, inaalala natin ang walang humpay na dedikasyon at tapang ni Andres Bonifacio, ang bayani na hindi...
30/11/2025

Ngayong Bonifacio Day, inaalala natin ang walang humpay na dedikasyon at tapang ni Andres Bonifacio, ang bayani na hindi nag-atubiling isakripisyo ang lahat para sa kalayaan ng ating bayan. Sa pagpunta niya sa Cavite, hinarap ni Bonifacio ang tensyon, inggitan, at tunggalian sa loob ng rebolusyonaryong kilusan, ngunit pinili pa rin niyang isulong ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa gitna ng pulitika at panganib, nanindigan siyang hindi dapat mag-away ang kapwa nagmamahal sa bayan. Kahit na nauwi sa trahedya ang kanyang kapalaran sa Cavite, hindi nito nabura ang kaniyang kabayanihan at hindi matitinag na paninindigan para sa kalayaan. Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa atin upang maging matapang sa pagharap sa hamon, maging tapat sa ating prinsipyo, at maging handang tumindig para sa katotohanan at kabutihan ng bayan.


MALIGAYANG KAARAWAN!!Maligayang Kaarawan po, Sir Rhonnel! Maraming salamat po sa patuloy na pag-gabay, sa pagiging suppo...
25/11/2025

MALIGAYANG KAARAWAN!!

Maligayang Kaarawan po, Sir Rhonnel!
Maraming salamat po sa patuloy na pag-gabay, sa pagiging supportive naming club teacher, at sa lahat ng kaalaman na ibinabahagi ninyo sa amin. Dahil sa inyong pagtuturo at malasakit, mas nagiging madali at mas masaya ang pagkatuto namin araw-araw.

Nawa’y maging masaya, mapayapa, at puno ng biyaya ang iyong espesyal na araw.
Enjoy your day and God bless you, Sir!🎂

Rhonnel Soberano

✨🎉 Maligayang ika-150 Kaarawan kay Hen. Mariano Riego de Dios! 🎉✨Ngayong Setyembre 12, 2025, ating ginugunita at ipinagd...
12/09/2025

✨🎉 Maligayang ika-150 Kaarawan kay Hen. Mariano Riego de Dios! 🎉✨

Ngayong Setyembre 12, 2025, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang kaarawan ng isa sa mga dakilang anak ng Cavite,kundi si Hen. Mariano Riego de Dios . 🇵🇭

💡 Isa siyang rebolusyonaryong pinuno na buong pusong nag-alay ng kanyang talino, tapang, at buhay para sa kalayaan ng ating bayan laban sa mga mananakop. Ang kanyang pamumuno at pagmamahal sa Inang Bayan ay nagsilbing inspirasyon sa mga kababayan at kapwa mandirigma. ⚔️🔥

📖 Sa paglipas ng 150 taon, ang kanyang alaala ay patuloy na nagiging gabay at inspirasyon sa kabataan,na maging makabayan, matapang, at may malasakit sa kapwa. 🌟

💛 Nawa’y manatiling buhay sa ating puso at isipan ang kanyang mga nagawa, at patuloy nating ipagmalaki ang ating kasaysayan.

Mabuhay si Hen. Mariano Riego de Dios! 🙌🇵🇭

🇵🇭✨ Maligayang ika-161 Kaarawan kay Heneral Emiliano Riego de Dios! 🎉Ngayong ika -7 Ng Setyembre taong 2025 , ating ginu...
07/09/2025

🇵🇭✨ Maligayang ika-161 Kaarawan kay Heneral Emiliano Riego de Dios! 🎉

Ngayong ika -7 Ng Setyembre taong 2025 , ating ginugunita ang kapanganakan ng isang bayaning nag-alay ng tapang, talino at pagmamahal para sa ating Inang Bayan. 🫡❤️ Isa siya sa mga nagpatunay na ang tunay na lakas ng Pilipino ay nasa pagkakaisa at malasakit sa kalayaan. 🔥🇵🇭

📌 Fun Fact: Ipinanganak si Heneral Emiliano Riego de Dios sa Maragondon, Cavite

isang lugar na naging mahalaga rin sa kasaysayan ng Himagsikan laban sa mga Kastila. 🏞️⚔️

Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat upang patuloy na ipaglaban ang tama, mahalin ang bayan, at pahalagahan ang kalayaan na kanilang ipinaglaban. 🙌🌟

Kasabay ng paggunita sa kasaysayan, inaalala rin natin ang pagpanaw ni Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. na isang bayan...
21/08/2025

Kasabay ng paggunita sa kasaysayan, inaalala rin natin ang pagpanaw ni Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. na isang bayaning nag-alay ng kanyang buhay para sa kalayaan at demokrasya ng Pilipinas. Kaugnay nito, nagsagawa ang aming club ng pagkakabit ng tarpapel bilang pagpupugay at pagkilala sa kanyang kabayanihan. Nawa’y manatiling buhay sa ating mga puso ang kanyang katapangan at pagmamahal sa bayan. ✊🏻🇵🇭🕊️

August 21, 2025

Inaalala rin natin ang pagpanaw ng dating Pangulong Corazon C. Aquino, ang ina ng demokrasya sa Pilipinas. Ang kanyang s...
21/08/2025

Inaalala rin natin ang pagpanaw ng dating Pangulong Corazon C. Aquino, ang ina ng demokrasya sa Pilipinas. Ang kanyang sakripisyo at pamumuno ay nagbigay-daan sa pagbabalik ng kalayaan ng ating bansa. Nawa’y manatili siyang inspirasyon sa bawat Pilipino na patuloy na lumalaban para sa katotohanan at demokrasya. 🕊️🇵🇭

August 1, 2025

Noong nakaraang Hunyo, ginunita natin ang kaarawan ng pambansang bayan na si Dr. Jose P. Rizal. Siya’y nag-alay ng kanya...
21/08/2025

Noong nakaraang Hunyo, ginunita natin ang kaarawan ng pambansang bayan na si Dr. Jose P. Rizal. Siya’y nag-alay ng kanyang talino, tapang, at pagmamahal sa bayan Bilang pakikiisa, nagsagawa ang aming club ng pagdidikit ng tarpapel bilang munting handog at pagpupugay sa kanyang dakilang alaala. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang mga aral sa bawat Pilipino tungo sa isang mas malaya at maunlad na bayan 🇵🇭✨

June 19, 2025

🇵🇭 Isang pagpupugay sa “Dakilang Lumpo” at “Utak ng Rebolusyon,” Ginoong Apolinario Mabini. 🧠Ngayong araw ay buong pagga...
23/07/2025

🇵🇭 Isang pagpupugay sa “Dakilang Lumpo” at “Utak ng Rebolusyon,” Ginoong Apolinario Mabini. 🧠
Ngayong araw ay buong paggalang nating ginugunita ang ika-161 kaarawan ni Apolinario Mabini, isang huwarang Pilipino na sa kabila ng kaniyang pisikal na limitasyon ay buong tapang at talinong naglingkod sa ating bayan. ✊📕

Ang pag-alala sa kanyang kapanganakan ay isang pagkakataong ipagdiwang ang kanyang ambag sa kasaysayan at palalimin pa ang ating pagmamahal sa inang bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kanyang buhay at adhikain na ang paglilingkod sa kapwa at bayan ay nararapat isagawa nang may katapatan, dangal, at malasakit.

Maligayang kaarawan Ginoo! 🙏🇵🇭

Magandang araw, Bucaleans!! 👋☺️ Handa na ba kayong makilala ang mga bagong miyembro ng YLHC?🧐🤭 Pero teka lang ✋, bago na...
17/06/2025

Magandang araw, Bucaleans!! 👋☺️ Handa na ba kayong makilala ang mga bagong miyembro ng YLHC?🧐🤭 Pero teka lang ✋, bago namin ipakilala ang aming mga sarili, ano nga ba muna ang YLHC at ano ang layunin nito?

Ang Young Local Historian Club ay isang samahan ng mga mag-aaral 👩‍🎓👨‍🎓na may layuning pag-aralan📚, alamin 🔎, at pahalagahan ang kasaysayan ng ating lugar💝. Kami ay nagsisikap na mas makilala ang mga kwento ng ating nakaraan⏳ upang maibahagi ito sa iba 👥, lalo na sa kapwa naming kabataan👫.

Bilang mga batang kasapi ng club, nais naming tiyakin na ang mga aral ng nakaraan📜📚 ay mananatiling buhay🌈 at kapaki-pakinabang hanggang sa kasalukuyan 🕜 . Tulad nga ng sabi ni Dr. Jose Rizal, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan." Kaming mga miyembro ng Young Local Historian Club 📚🔎 ang magsisilbing gabay upang ang kasaysayan ng ating bayan 🇵🇭 ay manatiling buhay 🌈 sa puso💕 ng bawat mamamayan👥👥.

Address

Bucal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Young Local Historians Club - BNIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category