DepEd Tayo Brooke's Point Central School SPED Center

  • Home
  • DepEd Tayo Brooke's Point Central School SPED Center

DepEd Tayo Brooke's Point Central School SPED Center Brooke's Point Central School SPED Center

Pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027..Masayang sinalubong ng Brooke's Point Central School ang pagbubukas ng Taong Pan...
08/06/2026

Pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027..

Masayang sinalubong ng Brooke's Point Central School ang pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027. Mainit na tinanggap ng ating mga SELG Officers ang mga mag-aaral at magulang upang simulan ang panibagong taon ng pagkatuto nang may sigla at pananabik.

Nagsimula ang araw sa isang makabuluhang Pagtataas ng Watawat na dinaluhan ng mga g**o, mag - aaral at kawani ng paaralan. Sinundan ito ng mga gawaing
panghalagahan
(Values Formation) sa pangunguna ng Values Education focal persons Mam Lucille Apundar at Mam Cristina Manglicmot , mga trivia na nagpatalas ng kaalaman, at mga gawaing pagninilay (Reflection) na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
Nagbigay din ng mensahe ng pagtanggap ang Punungg**o ng BPCS, Dr. Wennie Laguisma Lorzano.

Nawa'y maging makabuluhan, masaya, at matagumpay ang ating paglalakbay sa bagong taong panuruan.

Sama-sama nating hubugin ang kinabukasan sa pamamagitan ng pagkatuto, disiplina, at pagkakaisa.

Maligayang pagbabalik sa paaralan mga Batang Centralites !

BPCS Parents’ Orientation para sa Taong Panuruan 2026–2027... Matagumpay na isinagawa ng Brooke’s Point Central School (...
07/06/2026

BPCS Parents’ Orientation para sa Taong Panuruan 2026–2027...

Matagumpay na isinagawa ng Brooke’s Point Central School (BPCS) ang 1st General Assembly at Parents’ Orientation para sa Taong Panuruan 2026–2027 noong Hunyo 6, 2026. Dinaluhan ito ng mga magulang at tagapag-alaga upang mabigyan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, polisiya, at layunin ng paaralan para sa bagong taong panuruan, gayundin ang tungkol sa Samahan ng mga Magulang at G**o (SPTA) at mga kaugnay na programa at ibang bagay tungkol dito.

Bilang bahagi din ng programa, ipinakilala sa kapulungan ang Punungg**o, mga g**o mula Kinder - SPED- Una hanggang Ika - Anim na Baitang, Special Science Classes, ALIVE ganun din ang Non Teaching Personnel, AO at ang Bookeeper na magsisilbing katuwang ng mga magulang sa paghubog at paggabay sa mga mag-aaral.

Naging mahalagang pagkakataon ito upang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.

"Magkaagapay ang paaralan at pamilya sa paghubog ng isang matagumpay at responsableng mag-aaral."

BPCS ARAL SUMMER PROGRAM 2026 – CULMINATING PROGRAMMatagumpay nating ipinagdiwang ang Culminating Program ng BPCS ARAL S...
03/06/2026

BPCS ARAL SUMMER PROGRAM 2026 – CULMINATING PROGRAM

Matagumpay nating ipinagdiwang ang Culminating Program ng BPCS ARAL Summer Program 2026 noong June 2, 2026, isang programa na nagbigay ng pagkakataon sa ating mga mag-aaral na higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa, pagsulat, pagbilang, at iba pang mahahalagang kasanayan.

Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan, dedikasyon, at suporta ng buong komunidad ng Brooke's Point Central School. Taos-puso naming pinasasalamatan ang aming Punungg**o, Dr. Wennie Laguisma Lorzano, sa kanyang walang sawang paggabay, pamumuno, at buong pusong suporta na naging daan upang maisakatuparan at maging matagumpay ang programang ito.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga tutors , magulang, at mga katuwang na naglaan ng kanilang oras at pagsisikap upang matiyak ang makabuluhang pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Binabati namin ang lahat ng mga mag-aaral na matagumpay na nakilahok sa ARAL Summer Program. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy kayong magsikap, mangarap, at magtagumpay sa inyong pag-aaral.

Sama-sama nating ipinagdiwang ang isang tag-init na puno ng pagkatuto, pag-unlad, at tagumpay!

01/06/2026

BPCS Brigada Eskwela 2026 Kick-Off!

One community, one goal—readying our school for a
brighter school year.

Thank you, partners and volunteers!

Brooke's Point Central School officially launched Brigada Eskwela 2026 through a meaningful Kick-Off Program that brough...
01/06/2026

Brooke's Point Central School officially launched Brigada Eskwela 2026 through a meaningful Kick-Off Program that brought together teachers, parents, community leaders, national agencies, stakeholders, and volunteers in the spirit of bayanihan and shared responsibility for education.

The success of this activity was made possible through the inspiring leadership of Dr. Wennie Laguisma Lorzano, Principal IV, and the dedication of Mrs. Cherry A. Quilang, Brigada Eskwela Coordinator, together with the tireless efforts of all members of the various Brigada Eskwela committees whose hard work, commitment, and teamwork ensured the successful conduct of the program.

This activity was further strengthened through the unwavering support of the Local Government Unit of Brooke’s Point headed by our Local Chief Executive, Hon. Cesareo R. Benedito Jr., together with Vice Mayor Mary Jean D. Feliciano, SB Member Stalwart Benedito, SB Member Kiel Rodriguez, SB Member Tad Balean, SB Member Nathan Lacanilao, SB Member Dodoy Badua, SK Federation Chairman Jayson Sespeñe, and ABC President Georjalyn Joy O. Quiachon.

We also extend our sincere appreciation to our partner national agencies, the Philippine National Police (PNP) – Brooke’s Point and the Philippine Coast Guard, for their continued support and commitment to community service and education. Their participation further strengthened the collaborative effort of ensuring a safe, secure, and learner-friendly environment for all Centralites .

BPCS likewise expresses its heartfelt gratitude to the BPCS PTA, all parents, alumni, community volunteers, Barangay District 1officials , private partners, stakeholders, and sponsors .

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa.
Sa sama-samang pagkilos ng paaralan, pamahalaan, mga ahensya, at komunidad, patuloy nating maihahanda ang isang ligtas, malinis, at makabuluhang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Brigada Eskwela 2026: "Bayanihan sa Paaralan Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"...

Sa SPED Enrolment is all year round!Tara na enrol na ❤️
01/06/2026

Sa SPED Enrolment is all year round!
Tara na enrol na ❤️

Ang Brooke’s Point Central School – SPED Program ay patuloy na tumatanggap ng mga batang may espesyal na pangangailangan tulad ng ASD, Hearing Impairment, Learning Disability, Down Syndrome, at iba pa.

💙 Nagbibigay kami ng:

✔️ Individualized Instruction.
✔️ Espesyal na Estratehiya sa Pagtuturo.
✔️ Suporta at Gabay mula sa mga mahuhusay na G**o sa SPED.

Enrollment is ALL YEAR ROUND!

Tara na at sama-samang hubugin ang kakayahan ng bawat bata sa Brooke’s Point Central School!

Ang Brooke’s Point Central School – SPED Program ay patuloy na tumatanggap ng mga batang may espesyal na pangangailangan...
25/05/2026

Ang Brooke’s Point Central School – SPED Program ay patuloy na tumatanggap ng mga batang may espesyal na pangangailangan tulad ng ASD, Hearing Impairment, Learning Disability, Down Syndrome, at iba pa.

💙 Nagbibigay kami ng:

✔️ Individualized Instruction.
✔️ Espesyal na Estratehiya sa Pagtuturo.
✔️ Suporta at Gabay mula sa mga mahuhusay na G**o sa SPED.

Enrollment is ALL YEAR ROUND!

Tara na at sama-samang hubugin ang kakayahan ng bawat bata sa Brooke’s Point Central School!

Ang Brooke's Point Central School ay magsasagawa ng ENROLMENT para sa School Year 2026–2027 kasabay ng Brigada Eskwela 2...
25/05/2026

Ang Brooke's Point Central School ay magsasagawa ng ENROLMENT para sa School Year 2026–2027 kasabay ng Brigada Eskwela 2026!

Petsa: June 1–5, 2026
Lugar: Brooke’s Point Central School

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, at mga stakeholder na makiisa sa Brigada Eskwela habang nagpapatala para sa panibagong taong panuruan.

Bayanihan para sa Matatag na Paaralan!

Mag-enrol na at makiisa sa paghahanda para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng klase!
💚💚💚

“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”Ang pamunuan ng BROOKE’S POINT CENTRAL SCHOOL ay taos-pu...
25/05/2026

“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”

Ang pamunuan ng BROOKE’S POINT CENTRAL SCHOOL ay taos-pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, alumni, stakeholders, volunteers, partner agencies, at buong komunidad na makiisa sa taunang BRIGADA ESKWELA.

Sa pamamagitan ng bayanihan at pagtutulungan, sama-sama nating ihahanda ang ating paaralan upang maging ligtas, malinis, maayos, at handa para sa panibagong taong panuruan.

Kick-Off Program: Hunyo 1, 2026
Oras: 8:00 ng Umaga
Lugar: Brooke’s Point Central School

Magkakaroon ng motorcade at programa bilang hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026. Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makibahagi sa gawaing pampaaralan para sa kapakanan ng mga batang Centralites.

Inaanyayahan din po namin kayong maglaan ng oras, talento, kagamitan, o anumang tulong na makatutulong sa pagpapaganda at paghahanda ng ating paaralan.

Tara na at makiisa!

Maraming salamat at mabuhay ang diwa ng bayanihan!

Address


Opening Hours

Monday 09:00 - 17:00
Tuesday 09:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 17:00
Friday 09:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Brooke's Point Central School SPED Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Brooke's Point Central School SPED Center:

Shortcuts

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share