Carmundo Elementary School - CES

Carmundo Elementary School - CES Carmundo Elementary School is located in Carmundo Bongabong Oriental Mindoro

20/08/2021
26/04/2020

Sa mga magulang at mga mag-aaral po ng CARMUNDO ELEMENTARY SCHOOL na may cellphone o tablet sa kani-kanilang tahanan, may provided online learning po ang DepEd Commons na naaayon sa bawat mag-aaral habang tayo po ay naka ECQ sanhi ng COVID 19 para sa pagpapatuloy ng ating pagkatuto, ang paggamit po ng DepEd Commons ay LIBRE, walang data charge kung Globe at TM o Smart subscriber ka, kahit wala kang load ay makakapasok ka pa rin sa DepEd Commons.

Here's HOW:

1. I-type lang po sa google ang "deped commons".
2. I-type po ang school ID natin 110373 sa select school at lalabas na po 'yong name of school.
3.itype ang pangalan
4.itype ang email address(ito po ay optional lang, pedeng di na po maglagay ng email address)
4. Piliin ang grade level at subject na nais buksan.
5. May questions po na lalabas at bawat tamang sagot ay may kaukulang score.
Masaya po ito at makabuluhan kaya gawin po nating busy ang mga bata sa online learning na 'to.

Enjoy and God bless!

16/08/2019

Panuto sa mga Magulang na may Anak sa Elementarya

1. Kapag nagsusumbong ang inyong anak na inaway siya ng kaniyang kaklase, iparamdam ninyong kayo ay nasa likod niya, na mayroon siyang mapupuntahan. Ngunit di ibig sabihin nito ay kinakampihan na ninyo siya.

2. Huwag kayong magagalit agad sa kaniyang kaklase.

3. Huwag na huwag susugod sa paaralan nang galit. Pupunta kayo sa paaralan upang alamin ang naging ugat ng away, upang makipag-usap. Ang mga bata kapag nagkukuwento ng away, laging sila ang api. Ang bilang mga magulang, napakalambot ng ating puso sa ating mga anak. Kapag naaapi sila, feeling natin mas naaapi tayo.

4. Alamin natin ang ugat ng away dahil kung minsan, yung anak nating nagsumbong na siya ay inaway, siya pala ang nagsimula o nauna.

5. Ang solusyon na dapat nating gawin ay ganito: kailangang matutuhan ng ating mga anak ang makipagbati, ang makipagkaibigan. Kailangang maging susi tayong mga magulang upang dumami ang kaibigan ng ating mga anak. Sa rises, papagbaunin natin ang ating anak ng dalawang mansanas, isa sa kaniya at isa sa kaniyang nakaaway na kaklase. Ang mga bata po ay talagang malikot, maingay at masaya. Matakot kayo kung ang anak ninyo ay may kilos matanda na agad.

6. Huwag nating hayaan nakawin ng IPad ang kanilang pagkabata, hayaan natin silang maglaro sa bakuran, madumihan o masugatan. Sa paglalaro, natututo nilang makasama, maki bagay at iba pa.

7. Ang mga magulang na may reklamo, dapat sa g**o nakikipag-usap o sa principal ng school at hindi sa 24Oras o TV Patrol. Nagrereklamo tayo dahil gusto nating maayos ang problema at hindi na maulit pa sa ibang mag-aaral ang naranasan ng ating anak.

8. Huwag po tayong pagamit sa media na takaw na takaw sa mga sensationalized na balita. Kapag po di umaksiyon ang principal sa ating inilapit na problema, maaari naman tayong lumapit sa opisina ng DepEd sa ating bayan. Kilala po natin ang ating mga anak, at ang ating mga g**o ay tao rin namang nagkakamali. Di ko sinasabing huwag parusahan ang mga g**ong nagkamali. Ang sinasabi ko lang po ay may wastong paraan sa paghahatid ng mga reklamo. Ang dapat na maging objective natin ay ganito: ma-inform ang g**o sa mga dapat niyang gawin, na hindi na niya dapat ulitin ang kaniyang ginawa at makapagpatuloy siya sa pagtuturo at hanapbuhay.

9. Huwag lang iasa sa paaralan ang pagtuturo sa ating mga anak. May tungkulin din tayong mga magulang na magturo sa kanila. Kailangang may aralin din tayo kada linggo sa ating mga anak. Tinuturuan natin ang ating mga anak di lang upang matutong magbasa, kundi mahalin ang pagbabasa. Let's teach our kids not only to know how to read but to love reading. Hehehe In-English ko lang!

10. Natutuhan ng bata ang mga kaalaman sa paaralan. Ang magagandang pag-uugali naman at iba pang halagahan sa bahay. Kung lumaking walang galang, palaaway, mandaraya at iba pa ang inyong anak, alam na natin kung sino ang may kasalanan!

At panghuli:

11. Ang paaralan ay sa mga g**o at ang bahay ay sa inyong mga magulang. Huwag naman pong halos diktahan na ninyo ang g**o sa mga dapat nilang gawin. May kani-kaniya po tayong teritoryo at tungkuling ginagampanan para sa ating mga anak.

πŸ“Έ ©️ Credits: Sir Genaro Ruiz Gojo Cruz

05/05/2019

Magandang araw po.
Sa lahat po ng aking mga kaibigan, kamag-anak, ka facebook, dating kaklase, dating mag-aaral, kumare, kumpare, mga barangay officiala at sa sinumang makakabasa ng post na ito. Sa lahat nang mabubuting kalooban, kami po ay humihiling na makibahagi o magbahagi para sa higit pang ikagaganda at ikaaayos ng aming paaralang ELEMENTARYSCHOOL
Ang Brigada Eskwela po ay magsisimula sa May 20 hanggang May 26
Ano mang materyal o pinansyal na donasyon ay lubos na pasasalamatan.. :-)

Kindly PM me for any of your pledge/s:
1. manpower (please indicate the schedule when you will be available)
2. paint/painting materials (IVORY)
3. cleaning materials
4. school supplies
5. electric fans (stand, wall)
6. window curtains and rods
7. first-aid kits
8. emergency kits
9. learner's kit/reading materials
10. Hard hat
11. Whistle
12. Flashlight
13. cash

You may copy and paste or share this post.
God bless us all and thanks in advance.. :-)

Ctto

District Science Festival (9-13-18)1st place Shawn Alfred PadillaScience QuiZ Bee VIπŸ€—πŸ€—πŸ€—πŸ€—
13/09/2018

District Science Festival (9-13-18)
1st place Shawn Alfred Padilla
Science QuiZ Bee VI
πŸ€—πŸ€—πŸ€—πŸ€—

District Schools Press Conference (9-10-18)1st place- Shawn Alfred Padilla = Sports Writing English1st place- Neil Ben D...
13/09/2018

District Schools Press Conference (9-10-18)
1st place- Shawn Alfred Padilla = Sports Writing English
1st place- Neil Ben De Torres= Editorial Cartooning English
2nd place- Kristine Jandusay = Feature Writing = English
2nd place- Christelle Serantes = sports writing filipino
2ND place- christelle Serantes= sci-journalism
GO CESIANS....πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

Congratulations SSC passersCESians 100%Dacdac, CharleneDela Roca, Kriscia CamelleFlores, AyeszahGutierrez, Greyster Keen...
31/05/2018

Congratulations SSC passers
CESians 100%
Dacdac, Charlene
Dela Roca, Kriscia Camelle
Flores, Ayeszah
Gutierrez, Greyster Keen
Ona, Dan Laurence
Sevilla, Justine Trisha Anne

THANK YOU po Ms Vanessa, Mr Rain, Sir Gerry Magnaye & Ma'am Russ Mascarinas for sharing your blessings to the pupils  an...
24/01/2017

THANK YOU po Ms Vanessa, Mr Rain, Sir Gerry Magnaye & Ma'am Russ Mascarinas for sharing your blessings to the pupils and teachers of CARMUNDO ELEM. SCHOOL

Carmundo Elementary School Teaching Force 2015 πŸ˜ƒπŸ‘
28/11/2015

Carmundo Elementary School Teaching Force 2015 πŸ˜ƒπŸ‘

Address

Carmundo
Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Carmundo Elementary School - CES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Carmundo Elementary School - CES:

Shortcuts

Share

Category