18/12/2025
Ang proyektong Gulayan sa Paaralan ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim ng gulay, kundi pagtatanim din ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit. 🌱
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa aming mga masisipag na g**o, mapagkalingang mga magulang, PTA Officers at sa aming mga bata na buong puso at saya na nakilahok. Dahil sa inyo, naging posible at matagumpay ang proyektong ito.
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming School Head , Sir Dexter C. caunceran, sa walang sawang suporta, paggabay, at pagtitiwala na kaya naming maisakatuparan ang programang ito. Sa inyong pamumuno, mas nagiging makabuluhan ang bawat gawain sa paaralan.
Patunay ito na kapag nagkaisa ang paaralan at komunidad, maraming magagandang bagay ang kayang umusbong—tulad ng mga halamang aming itinanim at ng mga aral na patuloy naming aanihin.
Maraming salamat po sa inyong lahat! 💚