26/06/2021
REPOST..😊
Mga Dapat Malaman tungkol sa Temporary Enrolled (TE) (Deped Order 3, 2018)
Sino sila? Sila ang mga learners na galing sa Private School pero may utang kaya hindi binibigay ang kanilang Credential.
Bakit kailagan Tangapin sila sa Public School kahit walang credential? Dahil mandate ng Deped ang magbigay ng Free Quality Basic Education.
Ano ang document na dapat nilang I submit? Affidavit of Undertaking.
Dapat ba silang I enrol sa LIS? Dapat, para maupdate ang record niya sa LIS at malaman ng Private School kung saan lumipat ang dati nila learner.
Kapag na enrol na sa LIS ng public School, ano ang dapat gawin ng Private School? Dapat nilang I click ang CONFIRM BUTTON at ang WITH UNSETTLED ACCOUNT. Ito ay para ma I tag ang learner bilang TE sa system at automatic na mag reflect sa SF 1 at SF5.
Paano kung ayaw ng Private School na mag Confirm with Unsettled Account? Ipaliwanag na violation ito sa paggamit ng LIS at maaring ma ireport sila sa central office. Sabihin na hindi na nila makikita ang learner sa next school year dahil hindi ito na update ng receiving public school. Mas mahihirapan silang singilin ang learner. Kapag hindi nakinig ang private school, I report sa sa inyong Division Planning Officer.
Paano kung may enrolment with Gap? I enrol pa din sa LIS, pagkatapos, ipadala sa DPO ang kopya ng affidavit of undertaking.
Kasama ba sa SF 5 ang mga TE? Yes, automatic na isasama sila sa SF5 ng system at may status na TE.
Maari bang ma promote ang isang TE? Hindi siya maaring ma promote officially or maka graduate officially dahil walang document/Form 137 and ibibigay sa kaniya ng Public School hangat hindi nakukuha ang Form 137/SF10 mula sa Private School.
Kung Graudating ang TE, pwede ba syang umakyat sa stage at sumama sa ceremony? Discretion ng SDS, kaya ilapit ito sa inyong SDS – siya ang magpapasiya. Kung may Honor at iba pang citattion, maari ba itong ibigay sa TE? Hindi, dahil ito ay privilege lang at may mga guidelines na dapat sundin at isa na dito ay dapat officialy enrolled.
Paano kung sa susunod na School Year, hindi parin nakabayad ang TE, tatangapin pa rin ba siya? Anong grade level? Tatangapin pa rin siya at maari siyang umattend ng classes sa susunod na grade level depende sa kaniyang naging performance sa nakalipas na School Year. Pero dapat uli pumirma ng panibagong Affidavit of Undertaking ang parent. Ganito din ang gagawin sa susunod na SY.
Bakit masasabing tama at balanse ang policy ng pagtangap at pagtuturo ng public school sa mga learners na nagkaroon ng financial obligation sa private school? Unang una, ang mag-aral at turuan ay isangrights o karapatan ng bawat batangPilipino na ginagarantiyahan ngconstitution. Pananagutan ito gobyerno sa pamamagitan ng Deped. Hindi kasalanan ng mgalearners ang pagkakautang ng kanilang mga magulang. Kung hindi sila tatangapin ngPublic School, sino ang tatangap sa kanila at magtuturo? Ano ang gagawin nila sa mga panahonggusto nilang mag-aral pero walang tumatangap sa kanila? Hindi na pwedeng ibalik ang panahon at interes ng mgalearners kaya turuan sila hangatgusto pa nilang matuto.
Pero dapat tandaan, hinding hindi dapat mag isyu ng public document sa mga TE dahil walang references or basis para sa naunang mgagrade levels na nasa document ng Private School. Dapat din nating ingatan ang karapatan ng Private School. Pagnakabayad na ang learner, pwede na gumawa ng kumpletong SF10 ang Public School. Paglipas ng panahon..naturuan at natuto anglearner, hindi nasayang ang panahon. (send your feedback to [email protected])