DYCI - College of Education

DYCI - College of Education The official page of DYCI College of Education

Happy Birthday to our dear Treasurer, Ron Aljon!You have been part of our college organization for a long while, having ...
21/09/2026

Happy Birthday to our dear Treasurer, Ron Aljon!

You have been part of our college organization for a long while, having witnessed the highs and lows of being a department head. Despite this, you have kept all our treasures safe and made every moment you spend with us precious and priceless. We hope this day of yours will be a bright day as you welcome a brand-new year of your life filled with joy and opportunities. We wish you the best of luck on your journey as a future educator, and may you keep treasuring each moment, as we treasure you as our friend. 🎂💙

Happy Birthday to our Governor, Akira-Mie B. Bris!Your dedication, warmth, and commitment to serving the COEDSO communit...
21/09/2026

Happy Birthday to our Governor, Akira-Mie B. Bris!

Your dedication, warmth, and commitment to serving the COEDSO community make you someone truly worth celebrating. May this year bring you beautiful memories, meaningful opportunities, and the courage to keep pursuing your dreams. Keep leading with heart and inspiring the people around you. 🎂💙

"When the time is right, I, the Lord, will make it happen."-Isaiah 60:22The Lord has set you in this path since you star...
19/09/2026

"When the time is right, I, the Lord, will make it happen."
-Isaiah 60:22

The Lord has set you in this path since you started your journey as a future educator, and it is time to prove that the long, challenging, and formidable journey you've come across to be here finally end with victory.

The passion for teaching burns bright inside your soul, and no matter the results of this examination, this ember will not be quenched. May the Lord keep the flames of an educator who strives to TEACH, TOUCH, and TRANSFORM continue to burn brightly in your beating heart. And may His time for your victory be now.

Future Licensed Professional Teachers, we wish you the best of luck in your examination, and the journey awaiting you thereafter. May God be with you.

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #31PADAYON (bisaya, pandiwa)Kahulugan: Magpatuloy; huwag sumuko Ang salitang ...
31/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #31

PADAYON (bisaya, pandiwa)
Kahulugan: Magpatuloy; huwag sumuko

Ang salitang padayon ay nagmula sa salitang Bisaya na nangangahulugang magpatuloy o huwag sumuko. Ito ay nagsisilbing paalala na sa kabila ng mga hamon at pagkakamali, mahalagang patuloy tayong umangong, magsikap, at humakbang tungo sa ating pangarap.

Bilang mga g**o, hangad nating ituro sa ating mga mag-aaral ang kahalagahan ng padayon—ang pagpupursigi at pagpapatuloy kahit hindi laging mdali ang daan tungo sa tagumpay.

💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang “padayon” sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #30SANDUGO (pangngalan)Kahulugan: Kasunduan o pagkakaibiganAng salitang sandu...
30/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #30

SANDUGO (pangngalan)
Kahulugan: Kasunduan o pagkakaibigan

Ang salitang sandugo ay tumutukoy sa isang kasunduan, pagkakaibigan, o matibay na ugnayan sa pagitan ng mga tao. Sumasagisag ito sa tiwala, pagkakaisa, at paggalang na angsisilbing pundasyon ng isang makabuluhang samahan.

Bilang mga g**o, mahalagang bumuo tayo ng sandugo sa ating mga mag-aaral na nagsisilbing ugnayan na nakabatay sa tiwala, pag-unawa, at respeto upang maging mas makabuluhan ang kanilang pagkatuto at paghubog bilang indibidwal.

💬 Ikaw, paano mo gagamit ang salitang “sandugo” sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #29MARILAG (pang-uri)Kahulugan: MagandaAng salitang marilag ay tumutukoy sa i...
29/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #29

MARILAG (pang-uri)
Kahulugan: Maganda

Ang salitang marilag ay tumutukoy sa isang bagay, tao o tanawin na kapansin-pansin ang ganda. Ipinapakita nito ang natatanging ganda na maaaring makita hindi lamang sa panlabas na anyo, kundi pati na rin sa panloob na katangian at pagkatao.

Bilang mga g**o, hangad nating makita ang marilag na potensiyal ng bawat mag-aaral at tulungan silang maipakita ang kanilang kakayahan, talento, at mabuting katangian.

💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang “marilag” sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #28TANGAN (pandiwa)Kahulugan: Hawak o dala.Ang salitang tangan ay tumutukoy s...
28/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #28
TANGAN (pandiwa)
Kahulugan: Hawak o dala.

Ang salitang tangan ay tumutukoy sa pagkakaroon o pagdadala ng isang bagay sa kamay. Maaari rin itong gamitin sa mas malalim na paraan upang ipahiwatig ang mga responsibilidad, pangarap, o pagpapahalagang ating pinanghahawakan sa buhay.

Bilang mga g**o, mahalagang tangan natin ang responsibilidad na gabayan at hubugin ang ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng kaalaman, malasakit, at mabuting halimbawa, maihahanda natin sila sa mga hamon at oportunidad na kanilang haharapin.

💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang "tangan" sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #27MUTYA (pangngalan)Kahulugan: Pinakamamahal o mahalagang bagay o tao. Ang s...
27/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #27

MUTYA (pangngalan)
Kahulugan: Pinakamamahal o mahalagang bagay o tao.

Ang salitang mutya ay tumutukoy sa isang taong may lubos na minamahal o isang bagay na itinuturing na mahalaga. Simbolo ito ng malalim na pagmamahal sa isang bagay o taong espesyal na lugar sa ating buhay.

Bilang mga g**o, hangad nating pahalagahan ang bawat mag-aaral bilang isang mutya—natatanging indibidwal na may sariling kakayahan, pangarap, at potensiyal na dapat gabayan at paunlarin.

💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang "mutya" sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #26TUBOD (Waray, pangngalan)Kahulugan: Bukal o pinagmulan.Ang salitang tubod ...
26/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #26

TUBOD (Waray, pangngalan)
Kahulugan: Bukal o pinagmulan.

Ang salitang tubod ay isang salitang Waray na nangangahulugang bukal o pinagmulan. Maaari itong tumukoy sa lugar kung saan nagmumula ang tubig, ngunit maaari rin itong maging sagisag ng pinagmumulan ng kaalaman, inspirasyon, at kabutihan.

Bilang mga g**o, hangad nating maging tubod ng kaalaman at inspirasyon sa ating mga mag-aaral—tinutulungan silang matuto, lumago, at maging handa sa kanilang paglalakbay tungo sa hinaharap.

💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang "tubod" sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Magandang Buhay! 🌿Narito ang TALASALITAAN  #25PANINGKAMOT (bisaya, pandiwa)Kahulugan: Magsikap o magpursigiAng salitang ...
25/08/2026

Magandang Buhay! 🌿

Narito ang TALASALITAAN #25

PANINGKAMOT (bisaya, pandiwa)
Kahulugan: Magsikap o magpursigi

Ang salitang paningkamot ay nagmula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay magsikap o magpursigi. Ito ay nagsisilbing kahulugan ng tiyaga, determinasyon, at patuloy na pagsisikap upang makamit ang ating mga mithiin.

Bilang mga g**o, hangad nating hikayatin ang ating mga mag-aaral na maningkamot sa kanilang pag-aaral, harapin ang mga hamon nang may determinasyon, at patuloy na magsikap para sa kanilang mga pangarap.

💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang "paningkamot" sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!

Address

Bocaue
Bulacan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DYCI - College of Education posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DYCI - College of Education:

Share