13/05/2026
๐๐๐๐ฃ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฃ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ช๐๐ฉ๐ค? ๐๐๐จ๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐๐, ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐๐ค ๐ก๐๐ฃ๐. ๐๐ช๐ฌ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ฌ๐๐ฃ.
Kanina pa ako naririto sa sakayan, matiyagang naghihintay sa pagdating ng susunod na biyahe. Kabisado ko pa ang bawat hirap na dinaanan ko makarating lamang dito. Maaga akong gumising upang mauna sa pila, nakipagsabayan sa dagsa ng mga pasahero, at isinantabi maging ang sariling gutom sa pag-asang may maaabutan pa akong masasakyan. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring dumarating.
Habang lumalalim ang gabi, mas lalo kong namamalayan ang agwat ko sa iba. Ang ilan ay may naghihintay nang masasakyan, ang iba namaโy sigurado nang may bakanteng upuan para sa kanila. Hindi nila kailangang mangamba kung may daraan pa ba. Ngunit ako, nananatili rito, nakatanaw sa kalsadang unti-unti nang nilalamon ng dilim. Pilit kumakapit sa pag-asang baka sa susunod na paglingon ay mayroon nang hihintong biyahe para sa akin.
Nakakapagod ding maghintay nang walang kasiguraduhan. Iyong tipong hindi mo alam kung kulang ka ba, nahuli ba, o sadyang hindi ka lamang nais isakay. Ngunit kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang umasa. Sapagkat kung may natutunan man ako sa araw-araw na pakikipagsiksikan sa terminal na ito, iyon ay ang katotohanang may mga biyaheng dumarating hindi para sa mga unang naghintay, kundi para sa mga may lakas pang manatili.
Kaya heto pa rin ako. Nakaupo sa gilid, tangan ang pagod at pangamba, nakamasid sa daang tila walang katapusan. ๐๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ช๐บ๐ข๐ฉ๐ฆ, ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐บโฆ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฌ, ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ฐ, ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐ฆ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ
katha ni alitaptap
guhit ni aespa karina