07/08/2026
๐ข PAALALA SA LAHAT NG MAG-AARAL, MAGULANG, AT KASAPI NG KOMUNIDAD
Huwag mag-repost. Huwag magpalaganap ng hindi beripikadong impormasyon.
May kumalat na post sa social media noong Agosto 6, 2026 na naglalaman ng umanoโy banta laban sa ating paaralan.
Ang naturang insidente ay agad nang naiulat sa Binangonan Municipal authorities, at ang mga kinauukulang awtoridad ng ating butihing Punong G**o, Dr. Mateo Valdez kasama ang ating mga Head Teachers, at PTA Officers. Ito ay kasalukuyang ginagawan ng nararapat na imbestigasyon at kaukulang aksyon.
Upang mapanatili ang kaligtasan, katahimikan, at seguridad ng buong school community, hinihiling namin ang pakikiisa ng lahat:
โ
Huwag i-like, i-share, i-repost, o i-comment ang naturang post.
โ
Kung makita ito, mangalap lamang ng kinakailangang impormasyon o screenshot kung maaari at i-report agad sa inyong class adviser, school personnel, Guidance Office, o School Head.
โ
Kung may alam tungkol sa pinagmulan o may-akda ng post, mangyaring ipagbigay-alam agad sa mga kinauukulan at huwag itong ipakalat sa iba.
โ
Huwag magbigay ng sariling haka-haka, pangalan, o paratang na maaaring magdulot ng maling impormasyon o hindi pagkakaunawaan.
โ
Manatiling kalmado, mapagmatyag, at responsable, at hayaan ang mga awtoridad na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon.
โ ๏ธ BAKIT MAHALAGANG HUWAG MAG-REPOST?
Ang pagpapakalat ng ganitong uri ng nilalaman ay maaaring magdulot ng hindi kinakailangang takot at panic, makaapekto sa kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at magulang, makapinsala sa reputasyon at privacy ng mga indibidwal, at maaari ring magkaroon ng kaukulang legal na pananagutan.
Sa ganitong sitwasyon, ang responsableng pagkilos ay hindi pagpapakalat ng impormasyonโito ay tamang pag-uulat.
Maging mapanuri.
Maging responsable.
Maging bahagi ng solusyon
Para sa mas ligtas, mas mapayapa, at mas positibong kapaligiran. ๐๐
**onasyon