17/08/2026
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127 ng OFFICE OF THE PRESIDENT, ipatutupad ngayong araw, August 17, simula alas-12:00 ng tanghali, ang mga angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan bilang tugon sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at sa Heavy Rainfall Warnings na inilabas ng PAGASA.
Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, maliban kung may ibang direktiba ang mga Local Chief Executive.
Gayunman, ang mga ahensiya at tanggapang may kinalaman sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services ay inaatasang magpatuloy sa operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
β
Dahil dito, mananatiling bukas at operational ang mga sumusunod na frontline services ng Pamahalaang Bayan:
β’ MSWD β Financial Assistance at Social Welfare Programs
β’ Budget/Accounting β Agarang processing ng pondo at obligations
β’ Treasury β Koleksyon, pagbabayad ng buwis at fees
β’ MDRRMO β Emergency at disaster response readiness
β’ Pharmacy β Libreng gamot para sa mga nangangailangan
β’ Health Office β Medical services at public health support
β’ PIO β Real-time updates at impormasyon sa publiko
β’ Mayorβs Office β Financial Assistance
β’ Local Civil Registry (LCR) β Civil documents at registrations
β’ Legal Office β Notary services
π Para naman sa mga pribadong kumpanya at tanggapan, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay mananatiling nasa pagpapasya ng kani-kanilang management o heads.
Patuloy na mag-ingat at unahin ang kaligtasan. Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pabago-bagong lagay ng panahon, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, umiwas sa mga lugar na maaaring bahain, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan.
Source: Memorandum Circular No. 127, Office of the President
π