30/11/2021
Available po magic ✨ learning notebook
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Learning materials korean & japanese language, locator and love story, Education, binan, Binãn.
30/11/2021
Available po magic ✨ learning notebook
Avail 👉
15/11/2021
Do you want to avail our promo package for only 49 pesos?
💝49 pesos TAKE ALL 💝
PACKAGE INCLUDES :
📖 Coloring Books
📖 Alphabet Activities
📖 Audiobooks
📖 Bible Learning Materials
📖 Children Litarature
📖 Disney Activities
📖 English Grammar for kids
📖 Flashcards
📖 Preschool - Grade 10 Materials
📖 Stickers
📖Writing
📖 AND MANY MORE .....
FEATURES:
✔ Soft copy
✔ Printable
✔ Lifetime access
✔ No Hidden charges
✔ Compatible with any devices ( android , IOS, Laptop , etc . )
✔ One Time-payment
✔ Downloadable
MODE OF PAYMENT :
💲 GCASH
💲 PAYMAYA
REMINDERS:
❎ NO SHIPPING ( Just Google Drive Sharing )
❎ NO HARD COPY OR BOOKS ( Just soft copy materials )
🔥HURRY UP ! AVAIL OUR NEW PROMO 🔥
14/11/2021
Want to learn KOREAN and JAPANESE language?
Various Learning Materials
(Ebooks, Audio Files, Practice Books, and many more)
FOR ONLY ₱ 59 PER PACKAGE YOU CAN BE FLUENT IN KOREAN AND JAPANESE!
Get a discount when availing both packages for only ₱99 😍 Sounds a great deal right? Message us now!
✔ Very Affordable Price
✔ Lifetime Access
✔ One Time Payment Only
✔ No Expiration
✔ Continuous Updating of Files
✔ Fast Response and Transaction
14/11/2021
31/10/2021
Chapter 1
Ipinark ng amang si John Wong ang sasakyan sa isang malaking mansion na halos triple ang laki sa kanilang bahay. Ito daw ang magiging bagong bahay niya mula sa araw na ito. Tatlong araw mula ngayon ay ikakasal siya sa isang lalaking ni hindi niya pa nakikita sa tanang buhay niya.
Siya si Selena Wong. Kung ano ang tunay na pangalan niya bago siya inampon ng magasawang John at Celine Wong ay hindi niya alam. Ayon sa mga madreng nagpaampon sa kanya ay sanggol pa lamang siya nang makita ng mga ito sa labas ng bahay ampunan. Bago pa siya matutong maglakad ay inampon na siya ng mag-asawang Wong.
Sa una ay maganda ang buhay niya sa piling ng bagong mga magulang. Sa katunayan, ang pangalan niyang Selena ay hango daw sa pangalan ni Celine Wong. Nag-aral siya sa isang exclusive school. Sa kanya umikot ang mundo ng mag-asawa. Hanggang sa mabuntis si Celine Wong matapos ang mahigit sampung taon.
Nagbago ang lahat ng pakikitungo ng mag-asawa nang lumabas ang anak nilang si Joanna. Unti unti ay nawalan na sila ng panahon sa kanya. Pagtuntong niya ng high school ay inilipat na siya sa isang public school na malapit lang sa subdivision nila. Dahil doon ay tinanggal na ang service niya at wala na rin siyang allowance. Pagkatapos niya ng high school ay tinanggal na ang mga katulong at siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Hindi na siya nag ce-celebrate ng birthday at wala na rin siyang natatanggap na regalo kapag pasko o anumang okasyon sa buhay niya.
Ipinagpasalamat na lang niya na pinag-aral pa siya hanggang kolehiyo. Nangarap siyang maging isang Pediatrician, pero bago pa siya makapagtapos at gawin itong propesyon ay tinapos na ng umampon sa kanya ang kalayaan niya.
She is getting married in three days time. At wala siyang magawa.
"Isipin mo lahat ng hirap namin sa pagpapalaki sayo, Selena. Sampung milyon ang utang ng pamilya natin sa mga Albano at sarado na ang kumpanya. Ikaw na lang ang pag-asa namin at ngayon lang kami humingi ng tulong sayo." Pangungunsensya ng ama-amahan.
Nasa harap niya ang mag-asawa at ang kapatid sa turing na si Joanna na umiiyak. Hindi nito naiintindihan ang sitwasyon pero tila nakikisimpatya ito sa nararamdaman niya. And she loves her sister so much hindi man niya ito tunay na kapatid.
Ayaw niyang maging pambayad sa utang ngunit kung hindi siya papayag ay makukulong si John at mauuwi sa mga Albano ang bahay nila. Isang mapait na tango ang pinakawalan niya sa ama-amahan. Today, she just signed her death sentence.
"Salamat, Selena. Salamat sa pagsasakripisyo mo para sa pamilya natin," wika naman ni Celine.
Hindi siya tumingin dito. Sa napakatagal na panahon ay nakalimitan na ng mga itong ituring siyang pamilya. Ngayon na lang ulit, pero hindi niya na maramdamang kailangan pa nya iyon.
"Ayusin mo ang sarili mo, Selena. Haharap na tayo sa pamilya ng mapapangasawa mo," wika na ama-amahan na nagpabalik sa diwa niya. Pinahid niya ang mukha na may pumatak ng luha. Lumabas sa kotse at kinuha ang maleta sa compartment.
Iginiya sila ng katulong na naka uniporme sa loob ng mansyon. Maya maya ay lumabas ang mag-asawang Julio at Armida Albano na pareho nang namumuti ang buhok dahil sa katandaan. They might be in their sixties or seventies.
"Maaga ang dating niyo, John. Baka gabi pa dumating si Zane." Bumaling sa kanya ang matandang lalaki. "Ito na ba si Selena? Bata pa nang huli kitang makita, iha. Baka hindi mo rin ako maalala pa."
"Magandang gabi ho." Bati niya sa mag-asawa. Ngumiti naman ang mga ito sa kanya.
"Ihatid niyo na ang mga gamit ni Selena sa guest room." Wika ng matandang Albano sa isang katulong. Tumalima naman ito at kinuha ang mga maleta niya.
"Bukas o makalawa ay magsusukat ka ng wedding gown, iha." Marahan lang siyang tumango. Tila siya nakalutang sa hangin sa mga nangyayari.
"Selena will have a share in the company once they get married. Kung nanaisin nyang magkaroon ng posisyon sa kumpanya ay maari nilang pagusapan ni Zane." Kausap ni Julio ang ama niya.
"Kailangan din namin ang kasulatan na wala na kaming pagkakautang sa inyo, Julio. At hindi magagalaw ang bahay at iba pa naming ari-arian." Bukod sa bahay nila, ang sasakyan na lang ang naiwang property ng magulang.
"Makakaasa ka, John. Pagkatapos ng kasal ay matatanggap mo iyon sa abogado. Sa ngayon ay ang kasal ng dalawa ang kailangan nating asikasuhin."
"Maraming salamat, Julio. Makakaasa kayong magiging mabuting asawa si Selena kay Zane."
"Kailangan na naming magpahinga. Maaari mo nang iwanan si Selena dito, John."
Nang umalis ang ama-amahan ay lalong bumigat ang loob niya. Napakalaki ng bahay na ito na tila kulungan sa kanya. Hindi niya kilala ang mga ito kahit sa pangalan. Pinasamahan siya sa katulong sa kwarto para maayos ang dalang gamit at makapag pahinga.
Malaki ang silid na pinagdalhan sa kanya. May isang malaking pinto na may malapad na kurtina patungo sa balkonahe. Lahat ng kagamitan ay mamahalin. May sariling banyo ang silid, maliit na sofa at malaking tv.
Hindi niya inalis ang mga damit sa maleta. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid. Isang malawak na hardin ang natatanaw niya. Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siya sa ganitong tanawin. It feels like serenity.
Pumasok siya sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang asahan sa bahay na ito. Kung pinambayad siya ng ama sa mga ito ay kailangan niyang magtrabaho. Tulad din ng kung paano siya nagbayad ng utang na loob sa kinalakihan niyang pamilya.
Bumaba siya sa komedor kung saan abala ang dalawang katulong sa paghahanda ng pagkain. Pasado alas singko pa lang ng hapon.
"M-manang, may maitutulong ho ba ako?" Lapit niya sa isa na tila mayordoma. Ito lang ang iba ang uniporme sa karamihan. Ito rin ang nagbibilin sa isa pa kung ano ang susunod na gagawin.
"Kami na ho ang bahala dito. Tatawagin na lang ho namin kayo kapag handa na ang pagkain."
Umalis siya sa komedor at bumalik sa kwarto. Napabuntung hininga na lang sa sitwasyong kinalalagyan niya. Binuksan ang tv para manood dahil maiinip siyang tiyak. Ni wala man lang siyang makausap sa napakalaking bahay na ito.
Chapter 2
Alas otso na'y nasa opisina pa si Zane. Alam niyang nasa bahay na ang babaeng pinili ng mga magulang na mapapangasawa. He hated his parents manipulation. Kung siya lang ang masusunod ay wala siyang balak mag asawa. He can bed any woman he wanted anyway.
But his father is retiring next month bilang CEO ng Albano Corporation. Pagmamay-ari nila ang isang airline company at hotel and casino sa Pasay at Makati. At bilang panganay na anak ay siya ang susunod sa yapak ng ama.
Kung tutuusin ay may sarili na siyang kumpanya. He owned three clubs in different parts of Manila. Bukod pa sa may shares naman siya sa Albano Corp. But being CEO brings a lot of privileges.
And it meant power in capital P.
Pero may kundisyon ang ama para makuha iyon, kailangan niya nang mag-asawa. Doon lang daw masusukat ang pagiging isang responsableng lider ng kumpanya. Sa napakatagal na panahon ay wala siyang girlfriend. He doesn't need one. Women come to her like bees into flowers. At kapag nalaman ng mga ito na kailangan nya ng babaeng pakakasalan ay lalong magdidikitan ang mga ito sa kanya na tila mga linta.
Hanggang isang araw ay kumatok ang isang John Wong sa kanyang Papa at ginawang pambayad ang anak sa pagkakautang nito sa casino. He doesn't know that man, at lalong hindi niya kilala ang anak nito. Hindi rin niya tinignan man lang ang litrato nito. He wasn't interested. Pero dahil sa wala siyang maipresintang mapapangasawa ay ang Papa niya ang nag desisyon. Hindi niya alam kung ano ang meron sa babaeng iyon at nakapagdesisyon ng ganoon ang ama. Maaari namang i-hire na lang itong empleyado sa casino o saan mang sangay ng Albano Corp.
"Sir, I'm going home." wika ni Haley na personal assistant niya.
Tumango siya mula sa kawalan. In three days time ikakasal na siya. Ngunit sisiguraduhin niyang hindi mababago ang buhay niya ng kung sinumang babaeng ipapakasal sa kanya ng ama. He wanted his freedom as it is.
Tumayo siya mula sa executive chair at umalis ng opisina. Dumeretso sya sa club sa Paranaque. Nadatnan doon si Ava, isang sikat na model at aktres na isa sa mga nagpapainit ng gabi niya. She is twenty eight, voluptuous, and smart. But he ca't have her to be his wife dahil matagal na itong may karelasyong isang DOM.
Kumuha siya ng whiskey sa bar counter saka tumuloy sa VIP lounge sa second floor ng club. May anim na kwarto roon na pwedeng upahan para sa mga VIP. Itinaas nito ang paa sa mesa at pumikit. Wala pang isang minuto ay bumukas muli ang pinto saka ini-lock ng sinumang pumasok. Maya maya pa'y minamasahe na nito ang sintido niya hanggang gumapang ang k**ay nito pababa sa kanyang leeg at tumigil sa kanyang dibdib at nagtagal doon. Umikot ang babae sa harap niya at kumandong, sinimulan siyang halikan habang ang k**ay ay nagsimula nang tanggalin ang pang-itaas nyang damit.
Patuloy ito sa paghalik habang sinisimulan namang buksan ang pantalon niyang suot at maglikot ang k**ay doon. He was turned on. Marahas niyang binuhat ang babae at inihiga sa sofa. Nagmamadaling tinanggal nito ang saplot ng babae at sa maikling sandali ay inilibas niya ang init ng katawan katulad ng dati. And as usual, satisfied muli ang babaeng kapareha sa mga ginawa niya. He's good at it.
Tumayo mula sa sofa si Ava at unti unting binalik ang kasuotan. Nagsindi ng sigarilyo at pinaglaruan ang usok nito.
"Mukhang nagmamadali ka yata ngayon, Zane."
"Kailangan kong umuwi. May importante kaming pag-uusapan ng Papa," wika niya. Bagama't alas dyes na ng gabi at malamang tulog na ang mga magulang. Inubos nito ang whiskey sa baso at sumandal muli sa sofa.
"Lock again the doors when you leave," wika nito kay Ava na wala pa naman sanang balak umalis. Tumingin ito sa kanya saka tumayo at marahas na binukas sara ang pinto. Alam niyang nainis ito sa lantaran niyang pagtataboy. But he doesn't want another round. Hindi siya ganoon kaninuman.
Isang malakas na katok ang narinig niya sabay ng pagtawag ng kapatid. Tamad niyang tinungo ang pinto at binuksan.
"Hi big, bro. Bakit nagkukulong ka dito?" Pumasok si Ezekeil at Zandro. Si Ezekeil ay twenty eight pa lamang at isang aircraft engineer. Si Zandro naman ay kasalukuyan pa lamang nag-aaral ng medisina sa edad na bente singko.
"In three days time, sisentensyahan na ang kalayaan ko. You know that."
"Of course. Bukambibig ng Papa at Mama ang pag-aasawa mo. Paano ka napapayag na pakasalan ang babaeng ni sa panaginip hindi mo pa nakita?" tanong ni Ezekeil
"Oh, that... walang problema kung sinuman sya as long as hindi nya pakikialaman ang buhay ko. Bukas ko siya kakausapin sa arrangement namin."
"At paano kung hindi pumayag?" tanong ni Zandro
"Everything can be bought with money, Zandro. Hahayaan ko rin naman siyang gawin ang gusto niya."
"Even having an affair with other men? Sigurado ka?"
"Oh, she will not. Kung hindi ay mapapadali lang ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. And with charms I have with women, alam kung hindi sila kakawala sa pagkakakasal sa akin."
"I didn't know you were that conceited, brother."
"We all know that, wag kayong magpanggap. Kahit kayo'y sinasamba ng mga babae dahil sa gandang lalaki at pera."
It wasn't exaggeration. Lagi silang kasama sa top sexiest men sa Cosmo magazine. And his two brothers are models of famous underwear brands.
"Uuwi ako ng bahay, kayo ba?" May kanya kanya silang condo unit at madalang umuwi ng bahay. At kung hindi lang din dumating ang mapapangasawa niya ay hindi siya uuwi.
"Bukas na lang ako uuwi. I also want to see your future bride," may himig pagbibiro na wika ni Ezekeil.
"Me too," sagot din ni Zandro.
Iniwan niya ang dalawa sa lounge at bumaba sa bar. Uminom pa ng whiskey bago nagtungo sa parking at pinaandar ang BMW. In less than thirty minutes ay nasa bahay na siya ng mga magulang. Alam niyang tulog na ang mga ito dahil alas onse na ng gabi. Tinungo niya ang sariling silid at ibinagsak ang katawan at pinilit matulog.
Chapter 3
Alas sais pa lang ay gising na si Zane. It's unusual dahil madalas alas onse na siya nagigising dahil halos umaga na siya umaalis ng club.
Lumabas siya ng balkonahe para magpaaraw. To his dismay, mukhang nasa kabilang kwarto lang ang bisita at gising na rin. At bago pa siya pumasok muli sa kwarto ay nakalabas na ang babae sa sliding door na patungo rin sa balkonahe.
A young woman!
Naningkit ang mga mata niya pagkatingin sa babae. Ito naman ay nabigla din sa presensya nya na lalong nanlaki ang mata sa pagkakatingin sa katawan niyang hubad bukod sa suot na boxer shorts. Bumalik agad ito sa papasok ng kwarto at isinara ang sliding door.
How did his father choose a young girl to be his wife? He is thirty four for pete's sake! He is far from being a DOM, of course. Pero wala sa plano niya ang pumatol sa dise anyos!
But he would admit, that girl has a beautiful face. Makinis ang balat at maganda ang hugis ng katawan. She also has an expressive eyes.
Pumasok siya sa kwarto at nagsuot ng roba. Dagling bumaba at hinanap ang ama. Nasa opisina ito na nasa dulo ng bahay. Maaga pa'y nagtatrabaho na ito tulad din noong mga bata pa sila. He never stopped working kahit pa isakripisyo ang oras sa pamilya. Ang masama pa'y pati ang ina ay naging workaholic na rin.
Kumatok muna siya bago pumasok. Naputol ang paghigop nito ng kape ng makita siya.
"Napuyat kami sa kahihintay sayo kagabi, Zane. You should know the value of other people's time," seryosong wika ng ama.
"Why did you choose a young girl to be my wife? Wala na bang ibang babae, Pa? I'm too old for her!" Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mesa nito.
"She is twenty already, Zane. At sa isang araw na ang kasal nyo. Kausapin mo nang magkakila kayo."
"There's no way I would marry a little girl, Papa, find someone else or I will not marry at all."
"Then don't marry her, Zane. I will let Ezekeil marry her and to be the new CEO. Binayaran ko na yan ng sampung milyon para atrasan mo. napakatagal na panahon kitang pinaghanap ng mapapangasawa mo!"
He sighed heavily, he knew his father very well. Kapag galit ito'y hindi mo dapat sinasabayan. Walang salitang umalis siya ng opisina nito at kumatok sa guest room na tinutuluyan ng babae. Tatlong katok bago nito binuksan ang pinto at sumungaw ang mukha nito.
"Can we talk?" Binuksan nito ng malaki ang pintuan at pumasok siya. Sumuot kaagad sa ilong niya ang powdery scent na hindi niya alam kung sa dahil sa sabon dahil bagong paligo ito o sa pulbo nito sa katawan na hindi pa gaanong naayos. She was wearing khaki shorts and off-shoulder top. Bente anyos na mukhang high school. But she has nice pair of legs.
"A-anong kailangan mo?" alanganing tanong nito ng hindi siya nagsasalita.
"Do you know me?" Umiling ito at nagyuko ng paningin. Lumambot ang puso niya sa nakitang itsura nito na tila sisiw sa harap ng isang agila.
"Well, I'm your husband to be." Sumandal siya sa tokador at pinagtiklop ang mga braso. "Are you really willing to marry me?"
"W-wala naman akong choice," she answered. May mumunting kislap sa mga mata nito na tila iiyak pero nagpipigil.
"Wala ka bang boyfriend?" Umiling ito.
"Never had one?" Umiling itong muli.
"Have you kissed anyone before?" Hindi na ito sumagot. Umiwas siya ng tingin dahil sa pagkakatitig ng babae. He cleared his throat and spoke again.
"You still have twenty four hours to think about it. I don't want to drag you here because you are too young to decide. I can find someone else to marry." Akma na syang aalis nang muling magsalita ang babae.
"Ang sabi ng Mama mo ay dadating ngayon ang mga wedding gowns na isusukat ko."
Nilingon niya ito at tinitigan. "So you've decided after all." Tumango ito ng marahan na tila nasa ulap ang isip. Nakaawang ang mga labi nito at napako doon ang tingin niya. Hindi niya maintindihan kung bakit naapektuhan siya ng neneng ito.
"Then goodluck. Hindi ako magiging mabait na asawa sinasabi ko na sayo." Tuluyan na siyang lumabas ng pinto at tumuloy sa kwarto.
Naiwan si Selena na nanginginig ang tuhod. Tila galit ang lalaki sa kanya. Binigyan siya ng pagkakataong umatras pero wala siyang pupuntahan kapag ginawa nya iyon. At tiyak magagalit ang mga magulang sa kanya.
Hindi niya inaasahan na ang lalaking nakita niya kanina sa balkonahe ay siya nang mapapangasawa niya. He was like those men in magazines with perfect abs and sexy look. Kung sa iba ay iisipin na napakaswerte niya. Gorgeous and wealthy men are rare to find. Pero sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya kanina ay labag sa kalooban nito ang pagpapakasal. And he seemed like a powerful and a dangerous man.
Tumingin siya sa salamin at sinipat ang sarili. Kung sa itsura lang ang pag-uusapan ay nakakalamang din naman siya sa karamihan. Matalino rin siya bagama't wala ng pagkakataon pang magtapos ng kolehiyo.
Muli niyang tinungo ang maleta at naghanap ng magandang damit. Ngayong nakilala niya na ang mapapangasawa ay kailangan niyang ihanda ang sarili. Wala nang dahilan para umatras sa kasal. Ngunit kahit anong halukay niya sa maleta ay wala siyang mapili. Lahat ng perang natatanggap niya sa ama ay para lang sa pag-aaral niya. Wala siyang pagkakataon man lang na magkaroon ng magagandang damit.
May kumatok muli sa kwarto niya. Bumugad ang isang katulong at ipinatawag siya sa komedor ni Sir Zane. Ang alam niya'y Julio ang pangalan ng matandang Albano. Zane ba ang pangalan ng lalaki?
Bumaba siya sa komedor at nadatnan nang kumakain si Zane at ni hindi siya nito tinignan. Umupo siya sa silyang may pagitan nilang dalawa at kumuha ng pagkain. Walang imik ang lalaki. Tila wala ring lasa ang pagkain sa kanya dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya. Sumusunod lang siya sa agos kung saan sya dalhin ng buhay.
"Kumain kang mabuti dahil aalis tayo," wika ni Zane nang tila nilalaro lang niya ng kutsara ang pagkain. Hindi siya sumagot bagama't dinalasan ang subo para matapos kaagad.
Si Zane ay tila nakonsensya sa inasal sa babae. Wala itong muwang sa mundong ginagalawan niya. Alam niyang biktima din ito ng pagkakataong binigay ng magulang nito. Hindi tamang dito niya naibuhos ang inis niya sa ama.
"Saan tayo pupunta?"
"Mamimili ng gamit mo."
"I can do that alone. Hindi mo ako kailangang samahan ---"
"I'm trying to get to know you," sala nito sa anumang sasabihin niya. "We can't be husband and wife in it's true sense but I will make life easier for us. It's the least I can do...f-for you," wika nito sa mababang tinig.
"Thank you.." she smiled at Zane. Pinilit naman nitong ngumiti pabalik.
Chapter 4
Kanina pa paikot-ikot sa salamin si Selena pero hindi siya makuntento sa suot. Isang faded jeans at tank top ang isinuot niya na pinaresan ng sandals na one inch ang heels. Naglagay ng mas makapal na lipstick at blush-on kaysa sa karaniwan. Hindi niya maintindihan ang sarili sa kagustuhang maging maganda sa harap ng mapapangasawa.
"We can't be husband and wife in it's true sense.."
Tila pabalik-balik sa isip niya ang sinabi nito kanina na ikinalungkot niya. Wala siyang kinalakihang totoong pamilya, ngayon ay nawalan na rin siya ng pag-asang makabuo ng sarili niyang pamilya.
"Can you at least give this marriage a try Selena?" bulong ng isip niya.
Pinahid niya ang luhang nasa gilid ng mata. Kinuha ang shoulder bag at bumaba sa driveway kung saan naghihintay si Zane.
"Put your seatbelts on," wika nito bago pinaandar ang sasakyan.
"What's your name again?" tanong nito habang nasa daan sila.
"Selena Wong."
"Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay bago ka napasok sa sitwasyong ito?"
"I am a college student taking up Psychology."
"Bakit hindi mo tinutulan ang father mo nang ipagbili ka kay Papa? Sorry for the term," paumanhin nito na pasulyap-sulyap sa kanya habang nagmamaneho.
"Totoo naman ang sinabi mo, bagama't hindi ko alam kung sampung milyon lang ang halaga ko. Para sa akin kahit sino ay walang katapat na halaga. Pero alam kong sa inyo ay malaki ang perang iyon para sa isang tulad ko."
Zane didn't say a word. Hindi niya balak insultuhin ito. She doesn't deserve to be treated in any worse than a situation she is into right now. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakakatalik niya na palaban at hindi magpapaapi. This one is innocent, naive, and helpless. Nababasa nito ang mga mata niya sa tuwing kakausapin niya ito. Madalas sa hindi ay tila ito iiyak dahil walang magawa sa sitwasyong kinasadlakan.
"Ikaw, bakit ka pumayag magpakasal sa akin?" lakas loob nitong tanong sa kanya.
"Because before I can be the CEO of my father's company, kailangan ko munang magkaroon ng asawa."
"Wala ka bang girlfriend?"
Umiling siya. Paano ba niya ipapaliwanag sa dalaga na nagagawa naman niya ang pakikipagtalik kahit wala siyang asawa? Ni hindi pa ito nakakaranas mahalikan o magkaroon ng kasintahan.
"Sa gwapo mong iyan?"
Tumingin siya kay Selena, tila may humaplos sa dibdib niya sa nakitang aliwalas sa mukha nito. Sa tingin niya'y napalagay ang loob nito sa kanya kahit papaano. At masarap sa pandinig na sinabing gwapo siya. That's odd. Kinalakihan niya na ang ganoong kaisipan bakit ngayon lang niya na-appreciate ang salitang iyon.
"Yes, wala akong girlfriend dahil wala naman akong balak mag-asawa," he said honestly.
Idinial niya ang telepono at tinawagan si Haley, ang personal assistant niya.
"Meet me up at Resorts World, may ipagagawa ako sayo."
Mahigit isang oras pa bago dumating ang tinawagan nito.
"Samahan mo siya sa parlor, at samahan mo siyang mamili ng mga damit. You have good taste, Haley, make my future wife the most beautiful on earth. Pagkatapos niyo'y ipapasundo ko kayo sa driver," bilin nito sa assisitant na ikinagulat ng babae.
Si Selena ay nagulat nang ibinigay nito ang isang debit card at pin number sa kanya bago umalis.
"Totoo? Future wife ka ni Sir Zane?" Hindi makapaniwala si Haley sa narinig. Ngumiti lang siya dito. "Batam-bata ha," nakangiting wika pa nito.
Dinala siya nito sa isang sikat na parlor at kinausap ang isang parlor attendant na i-make over siya. Mahigit apat na oras yata bago sila nakalabas. Nag-aya muna siyang kumain sila dahil lagpas nang tanghalian.
"Hindi ba nakakahiya sayo kailangan mo pa akong samahan? Kaya ko naman mag-isa," nahihiya niyang sabi.
"Okay lang sa kin. At least nakalabas ako ng opisina. So, saan kayo nagkakilala ni Sir Zane?"
"Okay lang ba kung hindi muna ako magkwento?" Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Nakaintindi namang tumango si Haley sa kanya.
"Actually, may usap-usapan naman sa opisina na arranged marriage ang kasal ni Sir Zane. Sorry ha mausisa ako. But don't worry your secret is safe with me. And you can trust me, I promise."
"Thank you," nahihiya niyang sabi sa tila pag amin sa sinabi nito.
"You're beautiful. Hindi nakapagtatakang ikaw ang napili nila para kay Sir Zane."
And helpless too, wika niya sa sarili.
"Wala bang girlfriend si Zane?" tanong niya kay Haley. Parang mahirap paniwalaan na wala itong girlfriend.
"Wala sa pagkakaalam ko. Pero marami kasing babaeng lumalapit dyan. You know, with his money and his looks."
"Ikaw, hindi ka ba nagkagusto sa kanya?" Kung tutuusin ay pwede itong mapangasaw ni Zane. Maganda si Haley at halatang edukado.
"Hmmm.. can I tell you a secret too? Si Ezekeil ang crush ko," bulong nito sa kanya. "Have you met him?"
"Hindi pa, sino ba yun?"
"His younger brother. Tatlo sila actually, then you can tell me kung sino ang gwapo sa kanila para sayo. For me Ezekeil is tamer among the three. Mas approachable pa."
"Wala sila sa bahay nung dumating kami."
"You will meet them soon. Baka sa wedding nyo."
Pagkatapos kumain ay sinamahan siya nitong mamili ng damit at mga personal na gamit. Nagugulat siya sa mga presyong nakikita nya kaya iilan lang ang binili niya.
"Your husband-to-be is famous and high profile. Dapat maganda ka sa paningin ng lahat lalo sa mga babaeng dati niyang nakarelasyon. Huwag mo silang bigyan ng pagkakataong maliitin ka."
"Marami ba siyang nakarelasyon?"
"Yes, sobrang dami. I'm warning you ngayon pa lang. Hindi madaling mapangasawa ang isang Albano."
Lalo siyang nanlumo sa narinig. Ito ang sinasabi ni Zane na hindi sila magiging magasawa sa totoong salita.
"Kahit sa opisina ay may umaaligid diyan. Kaya bakuran mong lagi yang si Sir Zane."
"Alam mo naman na na arranged marriage lang naman ang sa amin di ba."
"Kahit ano pa yan, ikakasal ka sa kanya kaya panghawakan mo yan. You have all the rights. Titimbrehan kita kapag may babae yang si Sir Zane sa office. Huwag kang pumayag na aapihin ka ng sinuman tandaan mo yan."
"Salamat," sinserong wika niya kay Haley. At least nadagdagan ang kaibigan niya sa araw na iyon.
Chapter 5
Pagkatapos magshopping ay sinundo sila ng isang driver at inihatid siya sa bahay. Pagdating niya'y may mga wedding gown nang naghihintay sa kanya para isukat. Nag trial na rin sila ng magiging make up at hairdress niya. It would be a garden wedding dito sa mansion at iilang bisita lang ang dadalo. Kung meron man siyang kinasasabikan ay ang makitang muli ang kapatid bukas sa araw ng kasal niya.
Sa gabi ay dumating naman ang dalawang kapatid ni Zane na nabanggit ni Haley. And she was right, all of them are good looking. Pero para sa kaya si Zane ang nakahihigit kahit pa lagi itong seryoso tila laging galit. Napalagay naman agad ang loob niya kay Ezekeil at Zandro na mas malapit ang edad sa kanya.
"Hey, do you drink, Selena?" tanong ni Zandro. Nagyaya itong umupo sa mini bar na malapit sa dining room.
Nakasubok naman siyang uminom kahit paano kapag umaattend ng mga birthday parties. Pero nang nilagok niya ang inabot na kopita ni Zandro ay ibang pait ang gumuhit sa lalamunan niya. Lumagok siya ulit, ngayon nama'y tila umikot ng sandali ang paligid niya. Bago pa niya maubos ang laman ng kopita at lumapit si Zane at kinuha iyon sa k**ay niya.
"Huwag mong pilitin kung hindi ka sanay uminom," wika ng baritonong boses nito. Kaagad nanulay ang init ng k**ay nito sa katawan niya.
Si Zane ay napa kunot noo naman nang makita agad ang pamumula ng pisngi ni Selena. Hinawakan niya ito sa siko dahil tila mabubuway ito nang tumayo mula sa bar stool.
"Go to your room and rest," wika niya rito. Nagpumilit naman itong naglakad ng tuwid hanggang makarating ng kwarto.
"Why did you let her drink?" baling niya kay Zandro. Kumuha sya ng rum at nilagok ng tuloy tuloy. Hindi niya gusto ang init na naramdaman kaninang mahawakan niya ang braso nito. She's soft and sweet. At dahil nakainom na rin siya'y bahagya siyang naapektuhan sa paglalapit nila ng katawan.
She's a young girl! He cursed himself.
"I didn't know she doesn't drink. Sa club ay mas bata pa sa kanya ang mga umiinom," depensa ni Zandro.
"She's different. She's naive at ----"
"Beautiful," sala ni Zandro sa sasabihin niya. "Kaya siguro napili siya ni Papa para maging asawa mo. Kung ako sayo, iiwanan ko na si Ava at Cathy. Selena is far prettier."
"She's not my type, Zandro, I don't ravish little girls," he lied. Kanina sa opisina sumasagi saglit ang mukha ni Selena sa isip niya.
"Kung sa akin in-offer ni Papa na pakasalan siya'y I'd be more than willing. She's nice. Pero alam kong hindi ka papayag dahil kakambal ni Selena ang pagiging CEO ng kumpanya."
Tumingin siya kay Zandro nang sinabi niyang willing siyang magpakasal kay Selena. Kung edad ang paguusapan ay magka-match ang dalawa. At kanina pa rin niya napapansin na madaling nagkagaanan ng loob ang mga ito.
"Too bad, Zandro. Wait for your turn kung kelan mamanipulahin ng Papa ang buhay mo." Muli siyang nagsalin ng alak at nilagok ng tuloy tuloy. "Sa condo ko ako matutulog." Saka siya lumabas at nagtungo sa garahe.
Sa condo niya itinuloy ang pag-inom. Bukas na ang kasal niya at wala na siyang magagawa. Tinawagan niya si Ava para pumunta sa unit niya. Hindi siya papayag na mabago ang buhay niya dahil lang sa pag aasawa.
In thirty minutes ay dumating si Ava. Nasa ibang bansa ang DOM nito kaya malaya itong nakakapunta sa kanya sa club o dito man sa unit niya. Nang magtanggal ito ng kasuotan ay agad naginit ang pakiramdam niya dahil sa dami na ng nainom. Ava is wild as a beast. Sa kanya nito nagagawa ang hindi nagagawa sa kinakasamang matanda. Minutes later ay nagpapaligsahan na sila sa pagdama sa isa't-isa.
Matapos ang mainit na sandali ay tumayo ito at nagsindi ng sigarilyo sa tapat ng bintana ng condo.
"I heard you're getting married."
Tumayo siyang walang saplot at kinuha ang basong may tira pang alak. "Nothing will change Ava, I can still live my life freely."
"She's beautiful."
"And?" Hindi nito matumbok kung ano ang ibig nitong sabihin.
"You don't love your bride? Kapag kasal ka na'y hindi na ako pwedeng sumama sayo. Engaging myself with a married man isn't my cup of tea, Zane. Regardless of what you think of me, hindi ako tumatalo ng kabaro ko."
Inarok niya ang katotohanan sa sinabi nito. Isa sa mga nagustuhan niya kay Ava ay ang pagiging straightforward nito. Wala siyang problema dahil openminded sa lahat ng bagay. Ang ibang nakakasex niya'y naghahanap ng commitment pagkatapos.
"You don't love her?" muli nitong tanong sa kanya.
"It was an arranged marriage by my father. You know I'm not capable of that emotion, Ava." Sumandal siya sa headboard ng k**a habang hawak ang basong may bagong salin na alak.
"You're still young, Zane. Why don't you give it a chance. Kung hindi lang ako nakatali kay Henry ay hahanap din ako ng seseryoso sa akin." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.
"If you told me that earlier I could've chosen you as my wife."
"Oh, no. I love Henry, Zane, kaya hindi ko siya maiwan." Isa ring mayamang businessman ang kinakasama nito ngayon.
"Love. My ass," he cursed. "Bakit pumapayag kang sumama sa akin?"
"He is old, Zane. Hindi na kayang makipagsabayan sa init ko. At alam kong nasa puso pa niya ang dating asawa. Somehow I hate him. Kahit anong gawin ko'y hindi niya kayang idivorce ang asawa gayung may asawa na rin itong iba."
Ngayon lang nakita ni Zane ang kalungkutan sa mga mata ng babae. Ava is twenty eight, still at the prime of her life, while Henry is fifty.
"This will be out last night, Zane. Subukan mong iwork-out ang marriage nyo while I fix my own life too." Nagsimula itong ibalik ang kasuotan. Nang matapos magbihis ay nagpaalam na ito sa kanya.
Ipinikit niya ang mata at sinikap matulog. Kahit ikakasal siya bukas ay pipilitin niyang maging normal pa rin ang takbo ng buhay niya. Kung ayaw ni Ava ay si Cathy, o si Grace, o si Michelle, o si Pamela. He can have any of them.
Except Selena.