19/03/2026
𝓢𝓨 2025-2026
Parang kailan lang, first day pa lang ng school. Kinakabahan pa kami noon kasi hindi pa namin kilala ang isa’t isa, iniisip kung magiging maayos ba ang buong taon.
Sa simula, tahimik at awkward pa lahat. Pero habang tumatagal, naging close kami—nagkaroon ng tawanan, kulitan, at mga alaala na kami lang ang nakakaintindi.
Hindi rin naging madali ang taon. May mga tampuhan, misunderstanding, at mga panahong parang ang hirap ayusin ng lahat. Pero sa huli, natuto pa rin kaming umintindi at magpatawad.
Sa acads, sunod-sunod ang pagod—activities, projects, exams. May mga araw na gusto na naming sumuko, pero pinili pa rin naming magpatuloy.
Pero kahit ganun, hindi nawala ang saya. Yung simpleng tawanan, mga kalokohan, at moments na hindi namin akalaing magiging mahalaga pala.
At ngayon, tapos na ang school year.
Ang bilis lang. Parang kahapon lang nagsisimula pa lang, tapos ngayon, paalam na. Masaya kami kasi nalagpasan namin ang lahat, pero mas nangingibabaw yung lungkot—dahil hindi na magiging pareho ang lahat.
Yung ingay ng classroom, yung asaran, yung araw-araw na magkakasama—unti-unti nang magiging alaala.
Hindi namin maipaliwanag nang buo ang nararamdaman namin. Halo-halo—lungkot, saya, at panghihinayang.
Pero isang bagay ang sigurado—hinding-hindi namin makakalimutan ang school year na ‘to. Kahit matapos, mananatili ito sa puso namin… bilang isang kwentong minsan naming pinagsaluhan.
At bago tuluyang maghiwa-hiwalay, isang hirit na lang
“Swimming,ano tara?!”
✍️:Angel Felicitas