14/07/2026
𝗕𝗮𝘁𝗮, 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗞𝗮 𝗕𝗮? 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨.𝟔 𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴: 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗜𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱, 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗠𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱
𝑁𝑖: 𝑆ℎ𝑒𝑒𝑛𝑎 𝐽𝑒𝑎𝑛 𝐺𝑒𝑣𝑒𝑟𝑜
𝐼𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑖: 𝑀𝑖𝑒𝑠ℎ𝑎 𝐽ℎ𝑒𝑙𝑙𝑎𝑛𝑒 𝑃𝑟𝑜𝑡𝑎𝑐𝑖𝑜
Kahandaan, pagiging alerto, seguridad, at pagbabago—iyan ang hangarin ng 𝐷𝑒𝑝𝐸𝑑 𝑂𝑟𝑑𝑒𝑟 𝑁𝑜. 6 para sa mga kabataang Pilipino. Noong Hulyo 13, 2026, nagsagawa ang Southville 5A Integrated National High School (SV5A INHS) ng 𝑆𝑎𝑓𝑒𝑡𝑦 𝑎𝑛𝑑 𝑆𝑒𝑐𝑢𝑟𝑖𝑡𝑦 𝑂𝑟𝑖𝑒𝑛𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 sa pangunguna ng mga g**o at ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ang cyberbullying at ang lumalalang banta ng mga online school threats na kumakalat sa social media. Ipinaliwanag ang mga posibleng epekto nito sa kalusugang pangkaisipan, kabilang ang stress, anxiety, takot, at pagbaba ng konsentrasyon. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media at ang masasamang epekto ng pagkalat ng maling impormasyon, pangungutya sa internet, at online na pananakot, na nagdudulot ng matinding pagkabahala sa mga mag-aaral.
Tinalakay rin ang 𝑁𝑜 𝐶𝑒𝑙𝑙𝑝ℎ𝑜𝑛𝑒 𝑃𝑜𝑙𝑖𝑐𝑦 bilang hakbang upang mabawasan ang mga distraksiyon sa loob ng silid-aralan. Ayon sa mga pag-aaral sa neuroscience, ang madalas na paglipat ng atensiyon sa mga notification at social media ay nakaaapekto sa kakayahan ng utak na magpokus, magpanatili ng impormasyon, at matuto. Sa pamamagitan ng No Cellphone Policy, nababawasan ang mga distraksiyon, napabubuti ang konsentrasyon, at nahihikayat ang mas aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.
Ipinakita sa orientation na ang pagtuturo ng kaligtasan ng kabataan ay hindi lamang para sa loob ng paaralan kundi maging sa digital na kapaligiran. Ayon kay PEMS Claro Ganceña Jr., “𝐾𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑎𝑤𝑎𝑟𝑒 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦, 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑚𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑚𝑜. 𝐿𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑎𝑙𝑎𝑚.”
Inaasahang makatutulong ang ganitong mga programa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mag-aaral. Hindi lamang ito nakabatay sa pagpapatupad ng mga alituntunin, kundi maging sa paggamit ng siyentipikong kaalaman upang mapangalagaan ang kanilang pisikal at sikolohikal na kalagayan. Sa pamamagitan ng kooperasyon at tamang kaalaman, mas epektibong maisusulong ang ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Sa kasalukuyang panahon, ligtas ang may alam. Ang DepEd Order No. 6 ay hindi lamang isang polisiya kundi isang tugon sa mga hamong kinakaharap ng mga kabataan. Sa tulong ng agham, teknolohiya, at sama-samang pagkilos, maisusulong ang isang ligtas, responsable, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat mag-aaral.
10/07/2026
📢 ANUNSYO
Magandang araw, mga Southvillians!
Alinsunod sa opisyal na anunsyo ni Mayor Gel Alonte, walang Face-to-Face Classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng Bagyong .
Samantala, ipinatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) para sa lahat ng mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10. Kaugnay nito, inaasahan ang lahat ng Southvillians na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga g**o para sa mga gawain at iba pang tagubilin.
Hinihikayat ang lahat ng Southvillians, kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga, na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulang awtoridad, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.
Para sa iba pang mahahalagang abiso, mag-antabay sa opisyal na page ng Southville 5A Integrated National High School para sa mga susunod pang anunsyo at updates.
Muli, mag-ingat at manatiling ligtas, mga Southvillians! 💙
08/07/2026
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐔𝐍𝐔𝐋𝐀𝐓!
Narito ang ating mga bagong huwarang manunulat na nagpakita ng kanilang kahusayan sa pagsulat ng mga artikulo at paggawa nito nang may dedikasyon. Sila ay nakapasa sa screening test ng 𝗝𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀𝗺 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, na ginanap sa ating 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹'𝘀 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 ngayong 𝗶𝗸𝗮-6 𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼.
𝗡𝗲𝘄𝘀 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴:
• 𝐅𝐢𝐠𝐮𝐞𝐫𝐨𝐚, 𝐆𝐰𝐞𝐧𝐧 𝐀𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐑.
10-Azure
• 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧𝐞 𝐂𝐫𝐢𝐬 𝐁. 𝐎𝐫𝐭𝐞𝐠𝐚
Grade 7-Thallium
𝗘𝗱𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗿𝘁𝗼𝗼𝗻𝗶𝗻𝗴:
• 𝐇𝐚𝐲𝐚𝐠, 𝐀𝐥𝐨𝐝𝐢𝐚 𝐆.
Grade 8 - Trust
• 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐚𝐜𝐢𝐨, 𝐌𝐢𝐞𝐬𝐡𝐚 𝐉𝐡𝐞𝐥𝐥𝐚𝐧𝐞 𝐋.
Grade 10 - Azure
• 𝐏𝐨𝐥𝐯𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚, 𝐇𝐞𝐫𝐜𝐡𝐨𝐥𝐢𝐬
Grade 10 - Thistle
𝗙𝗲𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴:
• 𝐂𝐚𝐛𝐫𝐞𝐫𝐚, 𝐑𝐚𝐞𝐧𝐢𝐞𝐥 𝐀.
Grade 10 - Azure
• 𝐃𝐚𝐢𝐠𝐨, 𝐙𝐢𝐚𝐧𝐧𝐚
9- Malikhain
• 𝐁𝐫𝐚𝐠𝐚𝐢𝐬, 𝐑𝐮𝐛𝐲 𝐌𝐚𝐞 𝐎.
Grade 10-Azure
𝗘𝗱𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴:
• 𝐏𝐢𝐥𝐚𝐩𝐢𝐥, 𝐘𝐚𝐬𝐦𝐢𝐧𝐞
9- Masayahin
• 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐞𝐫𝐨, 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐏.
Grade 10-Azure
𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠:
• 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗹𝗼𝗲 𝗖.
Grade 7-Newton
• 𝐆𝐞𝐦𝐢𝐥𝐨, 𝐃𝐞𝐧𝐧𝐢𝐳𝐚 𝐁.
Grade 7-Newton
12/10/2025
Congratulations to our Bronze Awardees who brought pride and honor to Southville 5A INHS in the recently concluded DSPC (Batch 1) held at Pagkakaisa Elementary School.
Pangaleno – Science Writing (Filipino)
Asia – Editorial Writing (Filipino)
Villeza – Editorial Writing (English)
Abud – Sportswriting (English)
13/09/2025
Pinangunahan ng makulay na pagtatanghal sa Wellness Dance Competition ang pagbubukas ng Intramurals 2025 sa Southville 5A Integrated National High School ngayong Setyembre 13.
10/07/2025
📣 Congratulations, New Campus Journalists! 📝🎉
We are thrilled to announce the official list of new members of the Campus Journalism Club! 📰
👏 Your passion for truth, storytelling, and student voice has earned you a place in this exciting and meaningful organization. Welcome aboard!
💡 Campus journalists play a vital role in our school — informing, inspiring, and making every student’s voice heard. If you missed the first screening, don’t worry! It’s not too late to be part of the team.
📌 Join us tomorrow, July 11 at 11:00 AM
📍 Room of 9-Malamig, 3rd Floor SHS Building
➡️ For our Club Election of Officers and orientation.
📢 Calling all aspiring writers, editors, artists, layout designers, and truth-seekers! Be part of something bigger. Be a campus journalist.
08/07/2025
Malugod na Pagbati sa mga Bagong Mamamahayag ng Southville 5A INHS!
Isang mainit na pagbati sa mga piling kabataang manunulat, tagalathala, at tagapaghatid ng makabuluhang balita, ang mga bagong mamamahayag ng Southville 5A Integrated National High School!
Sa inyong tinig, mabibigyang-lakas ang katotohanan. Sa inyong panulat, maisusulong ang pagkamalikhain, disiplina, at integridad. Kayo ang bagong tinig ng paaralan, tagapaghatid ng kaalaman, inspirasyon, at pagbabago.
Nawa’y maging makabuluhan ang inyong paglalakbay sa larangan ng pamamahayag. Patuloy na maging matapang sa paghahanap ng katotohanan, tapat sa tungkulin, at bukas sa paglilingkod.
Mabuhay ang mga batang mamamhayag ng Southville 5A INHS! 💙📰
02/07/2025
📢 Calling all aspiring campus journalists!
Interview and qualifying test for journalism applicants is scheduled on Friday, July 4, 2025 at 10:00 AM, to be held at the school library.
🕙 PM shift students are required to report at the given time.
🖊️ Don’t forget to bring your own ballpen.
Come prepared and ready to express your ideas.
This could be your first step toward becoming part of our campus publication. 🗞️✍️
10/03/2025
Congratulations to our brilliant campus journalists, who received recognition at the recent GAWAD RIZAL awards! Your dedication, perseverance, and passion for truth and storytelling continue to inspire the entire Southville 5A INHS community.
Like our national hero, Dr. José Rizal, may you always use your voice and talent to make a difference. Keep striving, keep writing, and keep leading! 🖊️
01/02/2025
𝒮𝒩𝐸𝒟 𝑅𝑒𝒸𝒾𝓉𝒶𝓁 𝒫𝓇𝑜𝓋𝑒𝓈 𝒯𝒽𝒶𝓉 𝐸𝓋𝑒𝓇𝓎 𝒞𝒽𝒾𝓁𝒹 𝒾𝓈 𝒜𝒷𝓁𝑒
Students under the SNED (Special Needs Education) Program showcased their remarkable talents and unwavering determination in their recital-themed, "I AM ABLE" held on January 31, 2025, at the school library. The event featured inspiring performances that highlighted their creativity and perseverance. Mr. Albert Escuvania, school principal, opened the program with words of encouragement, followed by an uplifting message from SNED Coordinator Mrs. Nikka Ricafranca. Mrs. Laurine Gandeza, SSLG Adviser and one of the teachers of SNED, also witnessed the students’ outstanding performances. With the support of their parents, the event stood as a testament that ability goes beyond limitations.
(𝘛𝘩𝘦 𝘱𝘩𝘰𝘵𝘰𝘴 𝘱𝘰𝘴𝘵𝘦𝘥 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘦𝘯𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘕𝘌𝘋 𝘱𝘢𝘳𝘦𝘯𝘵𝘴).
✍️ 𝓟𝓪𝓾𝓵𝓲𝓷𝓮 𝓔𝓿𝓪𝓼𝓬𝓸
📸 𝕵𝖎𝖑𝖑𝖎𝖆𝖓 𝕮𝖗𝖎𝖘𝖔𝖘𝖙𝖔𝖒𝖔