28/10/2025
Leila Zoe
Ang Historic Alberto Mansion ay itinayo noong 1800s, na pag-aari ng isang prominenteng pamilya sa Biñan, ang mga Alberto. Isa sa mga nagmana ng mansyon ay si Don Jose Alberto, kapatid ni Donya Teodora Alonso, na ina ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Pinakasalan naman ni Don Jose Alberto si Donya Teodora Formoso ngunit hindi naging maganda ang kanilang pagsasama dahil kay Donya Teodora Alonso.
Ang Dalawang Teodora ay parehong minsang tumira sa nasabing mansyon na siya namang naging mitsa ng habambuhay na hidwaan sa pamilya Alberto at Rizal.
Ano nga ba ang nangyari sa pagitan ng Dalawang Teodora?
Sino sa Dalawang Teodora ang nararapat sa mansyon?
Sino sa Dalawang Teodora ang hanggang ngayo’y hindi matahimik kaya’t ang kaluluwa sa mansyon ay nanggagambala pa rin?
Pasukin ang mansyon at manood ng ‘ANG DALAWANG TEODORA’ ngayong Oktubre 29 hanggang Nobyembre 9, 2025 sa Historic Alberto Mansion! 🕯️
🎟️ Regular Pass: ₱100.00
🎟️ Express Pass: ₱200.00
Poster likha ni Feds Rivera