DepEd Tayo Dorencio Elementary School

DepEd Tayo Dorencio Elementary School Tublay Benguet

31/03/2026

Graduation 2026
Congratulations Graduates
Speaker

31/03/2026
31/03/2026

End of the School Year Rites 2026
Congratulations Kindergarten Completers and Graduates๐Ÿ‘Œ๐Ÿ‘Œ๐Ÿ‘๐Ÿ‘
proud of You๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช
30,2026

14/11/2021

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜ ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ-๐˜๐—ผ-๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฑ

Nobyembre 12, 2021 โ€“ Noong Miyerkules, pormal na inihayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang 100 pampublikong paaralan sa buong bansa na lalahok sa paunang implementasyon ng limitadong face-to-face classes simula sa Nobyembre 15.

โ€œAll set na for November 15. Nabuo na natin โ€˜yong 100 public schools at binubuo na ngayon ang 20 private schoolsโ€ฆ Nakuha natin ang consent ng local governments. Ni-require din natin na ang mga parents ay dapat magbigay ng kanilang written consent,โ€ ani Kalihim ng DepEd Leonor Magtolis Briones sa Laging Handa Public Briefing.

Base sa pinakabagong impormasyon sa Field Operations strand ng DepEd, mayroong 10 lalahok na mga paaralan mula sa Ilocos Region, 10 mula sa Central Luzon, lima mula sa CALABARZON, at siyam mula Bicol Region.

Samantala, tatlong pampublikong paaralan mula Western Visayas ang lalahok sa pilot implementation, walo mula Central Visayas, at 10 paaralan mula Eastern Visayas.

Sa kabilang banda, kakatawanin ang Zamboanga Peninsula, ng walong pampublikong paaralan, 10 mula Northern Mindanao, walo mula Davao Region, lima mula SOCCSKSARGEN, at 14 mula CARAGA.

Dinagdag ni Kalihim Briones na si Pangalawang Kalihim at Chief of Staff Nepomuceno Malaluan ang personal na nangangasiwa sa mga paghahanda sa implementasyon, dalawang linggo bago magsimula ang pilot stage.

Habang binibigyang-diin sa shared responsibility framework, sinig**o ni Briones sa publiko na ang Kagawaran, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, mga pambansang ahensya ng gobyerno, at mga lokal na stakeholders, ay magiging strikto sa pagpapatupad ng mga health and safety measures na itinakda para sa pilot.

โ€œKami naman, for our part sa DepEd, ini-inspect namin ang mga napipiling eskwelahan na kailangang handa ang facilities, masisig**o ang social distancing, mayroong tubig at gamot, at malapit sa health stations,โ€ ani Kal. Briones.

Dagdag pa rito, sinabi ni Briones na ang DepEd ay may mataas na bilang ng nabakunahan na mga school staff sa buong bansa, kasama rito ang mga g**o at kawani ng mga lalahok na paaralan.

โ€œVery high ang vaccination status. Napakataas kasi summer pa, wala pa iyong approval ng President [for face-to-face], ay sinabihan na namin ang aming teachers na makikilahok sila,โ€ aniya.

Iniulat din ng Kawaksing Kalihim ng DepEd at National Academy of Sports Malcolm Garma na ang pinal na listahan ng mga pribadong paaralan ay kasalukuyan pang pinoproseso, at 57 na mga aplikante ay nasa ebalwasyon pa. Ang ahensya ay maglalabas ng opisyal na listahan ng mga pribadong paaralan sa Nobyembre 15.

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/11/12/deped-names-100-public-schools-for-pilot-face-to-face-classes-on-november-15/]

Address

Tublay
Benguet

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Dorencio Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share