26/08/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก| ๐๐๐๐๐
๐๐, ๐๐๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ 2026
Naging bahagi ang Asosasyon ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (๐๐๐๐๐
๐๐) sa pagdiriwang ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ 2026 na pinangunahan ng University Culture and the Arts Office (UCAO), Agosto 25.
Layunin ng naturang gawain na bigyan ng pagkakataong maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at husay sa pagsusulat at paghubog sa kamalayan sa wikang Filipino habang higit na napapalalim ang pagpapahalaga sa wika, kultura at sining.
Naging kinatawan ng College of Teacher Education (CTE) si Novenrey Evangelista mula BSED 2B at student adviser ng ๐๐๐๐๐
๐๐, sa pagsulat ng tula.
Nagsilbi namang tagapagdaloy ang ibang miyembro ng ๐๐๐๐๐
๐๐ upang gabayan at tulungan ang mga kalahok sa isinagawang aktibidad partikular sa pagsulat ng tula.
Dinaluhan rin ng ๐๐๐๐๐
๐๐ ang talakayan tungkol sa Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) kung saan tinalakay ang paggamit dito, paano ito nakaaapekto sa mga mag-aaral at ang pagdepende ng mga ito sa AI gayundin ang koneksiyon ng buwan ng wika sa makabagong teknolohiya.
โMay malaking tulong ang AI sa pag-aaral at pananaliksik, pero hindi lahat ng impormasyon nito ay tama kaya kailangan pa rin itong i-check. Bilang magiging g**o at nagpapakadalubhasa sa Filipino, gagamitin ko ang AI bilang kasangkapan sa pagtuturo sa maayos at responsableng paraan, pero tuturuan ko rin ang mga estudyante kung paano ito gamitin nang tama at responsable, at hindi lang pwedeng dumepende rito,โ ani Francis Alfred B. Castillo, nakilahok sa talakayan.
Ang pakikibahagi ng ๐๐๐๐๐
๐๐ sa pagdiriwang ng buwan ng wika ay patunay sa sinumpaang tungkulin bilang mga nagpapakadalubhasa sa Filipino โ ang tagapagtaguyod ng wikang pambansa mula sa kasaysayan hanggang sa patuloy na pag-unlad at pagbabago nito.