16/10/2025
PANAWAGAN! PANAWAGAN! PANAWAGAN!
Iniimbitahan ang lahat ng Faculty at REPS sa UPLB na lumahok at magpalahok sa malawak na pagkilos bukas kasama ang sangkaestudyantehan, karatig na mga komunidad sa labas ng Unibersidad at ang kaalyansang mga samahan upang patuloy na patambulin ang pagpapanawagan sa mas siyentipiko, mas makatotohanan at may pananagutan na pagtugon sa mga kalamidad. Kalamidad na dulot ng mga paglindol at pagbagyo na pinalalala ng hindi matapos-tapos na korapsyon at pandarahas ng Estado.
Ipakita natin ang ating nagkakaisa at laksa-laksang lakas para ipaglaban ang ating mga demokratikong karapatan at bawiin ang ninanakaw na pondo, pagkakataon na umunlad at mabuting kinabukasan!
Ipagdiwang at isulong ang Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo! Paigtingin ang diwa ng pag-uunyon ngayong Acad Union Month! βπ»
UPLB, 'DI PA TAPOS ANG LABAN! βπ»Sumamang muli sa walkout ng Unibersidad at Bayan! πͺπ»
Magkita-kita tayo sa ganap na 2:00 ng hapon sa Carabao Park, UPLB. Magsuot ng kulay itim. Tara at sinsinin ang hanay!
25/09/2025
Binisita ng mga Mangyan-Iraya mula sa Sitio Malatabako, Abra de Ilog, Occidental Mindoro ang UP Rural High School kahapon, Setyembre 24, 2025.
Ibinahagi ng mga katutubo ang kanilang kasalukuyang kalagayan sa harap ng higit sa isang taon nang mga pandarahas, pagbakod sa lupang ninuno, pagsira sa mga pananim at kabahayan, at pagharang sa suplay ng mga pagkain. Ang ganitong karanasan ng mga katutubo ay nagdulot ng kagutuman, sakit, at labis na takot sa hanay ng mga kabataan at nakatatandang Mangyan-Iraya lalong-lalo na ang mga naiwan sa loob ng binakurang lupain.
Bilang paunang suporta, nagpaabot ng tulong pinansyal ang paaralan mula sa kinita sa solidarity shirt na pinangunahan ng UPRHS Departamento ng Filipino bilang bahagi ng pinalawig na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.
Panawagan ng mga Mangyan-Iraya sa mga Ruralite at sa buong sambayanan, suportahan ang kanilang kampanya at ipagtanggol ang Sitio Malatabako upang matigil na ang ibaβt ibang atake sa hanay ng mga katutubo!
21/09/2025
PAHAYAG AT PANAWAGAN NG UPRHS DEPARTAMENTO NG FILIPINO SA IKA-53 ANIBERSARYO NG MARTIAL LAW AT LABAN NG SAMBAYANAN PARA KONDENAHIN ANG MALAWAKANG KORAPSYON
Kaisa ng sambayanang Pilipino ang UPRHS Departamento ng Filipino sa pagragasa ng sanlaksang nakikibaka upang panagutin at singilin ang lahat ng mga sangkot sa katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ang kanilang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay pagnanakaw sa kinabukasan ng mga kabataan, pagnanakaw sa de-kalidad na serbisyong panlipunan at pagnanakaw sa karapatan ng bawat mamamayan na mabuhay nang marangal at may dignidad.
Naniniwala ang UPRHS Departamento ng Filipino na ang akto ng pagbubulsa ng bilyon-bilyong pondo ng mga politiko, kontraktor at kasapakat na mga burukrata kapitalista ay hindi lamang ngayon umiiral, ito ay nagsimula sa maliliit na transaksyon hanggang sa hindi na lamang makuntento sa nakukuha, lumaki nang lumaki, paulit-ulit na siklo ng pandarambong upang makapagkamal ng limpak-limpak na kayamanan para sa pansariling interes. Kaya naman ang panawagan ng bayan: Tama na! Sobra na! Tigilan na!
Kasabay ng pagbaha ng kolektibong pagkilos ngayong araw ang Ika-53 Anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law. Hindi lamang pagsagwan pabalik sa madilim na bahagi ng ating kasaysayan ang taunang paggunita sa panahon ng Batas Militar. Bagkus, isa itong patuloy na pag-ahon upang manatiling mulat at mapagbantay sa anumang anyo ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Mula sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, pagsasabwatan ng iilan para gawing negosyo ang serbisyo publiko, at pagpapatahimik sa alingawngaw ng militanteng pagkilos, ipinatatanto ng ating panahon na ang pagbaha ng mga krisis mula noon hanggang ngayon ay tunay na masosolusyunan lamang ng pangangalaga sa kolektibong alaala at pakikiisa sa agos ng pakikibaka.
Naninindigan ang Departamento ng Filipino na ang pagbaha ng protesta ngayong araw sa ibaβt ibang panig ng kapuluan ay makasaysayang sandali ng muling pagkamulat at pagkilos mula sa napakahabang panahon ng pananahimik at pagtitiis sa nakasanayan na sistematikong korapsyon ng Estado. Ang nagngangalit na daluyong ng kaguruan, kawani, kabataang mag-aaral, at sambayanan ang lulunod sa iilang makapangyarihan at sistemang nagpapalubog sa buong bayan!
14/09/2025
Tuloy-tuloy ang paglaban, pagpapabagsak at pagpapanagot sa mga korap at pahirap! βπ»
Sama-sama tayong babalikwas, lalabas at pipiglas upang maipanawagan ang mariing pagkundena sa lahat ng porma ng korapsyon, maigiit ang sapat na pondo sa sektor ng edukasyon, pagtutol sa walang patumanggang budget cut sa UP af masingil ang Estado sa pagpapabaya nito sa Sambayanan! βπ»βπ»βπ»
Tuloy-tuloy ang paglaban, pagpapabagsak at pagpapanagot sa mga korap at pahirap! βπ»
Sama-sama tayong babalikwas, lalabas at pipiglas upang maipanawagan ang mariing pagkundena sa lahat ng porma ng korapsyon, maigiit ang sapat na pondo sa sektor ng edukasyon, pagtutol sa walang patumanggang budget cut sa UP af masingil ang Estado sa pagpapabaya nito sa Sambayanan! βπ»βπ»βπ»
Tutukan sa mga susunod na post ang mga detalye ng malawak na pagkilos sa UPLB sa darating na Biyernes, Setyembre 19, 2025.
12/09/2025
A N U N S I Y O
Inihahandog ng SDP ang pagbabalik ng Tawag ng Tanghalan sa Rural 2025 π€ποΈπΆ sa ikalawa nitong taon!
Narito na ang Gabay para sa inisiyal na pagsasala: https://docs.google.com/document/d/1pHAzPF5Jm9QPtcYUvtDLEDVEZYc0GQrc/edit?usp=sharing&ouid=108467846119768766144&rtpof=true&sd=true
Basahin at unawain. Kung may tanong, magpadala lamang ng mensahe sa aming FB page.
Sino ang magtatagisan? Sino ang hihiranging kampeon? Ang bagong kampeon o ang dating kampeon? A B A NG A N!
12/09/2025
PABATID:
Pormal nang isinara ang pre-registration form para sa magaganap na webinar bukas.
Ipadadala ang detalye ng Zoom ngayong araw sa email ng mahigit 600 na nagpatala.
Mgkita-kita tayo at mabuhay ang Wikang Filipino at mga Wika sa Pilipinas! βπ»βπ»βπ»
09/09/2025
[PAALALA SA LIBRENG WEBINAR]
Inaanyayahan ang mga g**o, pre-service teachers, mag-aaral sa kolehiyo, at lahat ng mga nagpapahalaga't nagtataguyod sa wikang Filipino para sa isang libreng webinar (may e-sertipiko) na inihanda ng UPRHS Departamento ng Filipino, katuwang ang Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman, bilang pakikiisa sa pinalawig na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.
---
PAKSA: "Batayang Pagsasalin ng mga Teknikal at Akademikong Teksto Tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa"
PETSA AT ORAS: 13 Setyembre 2025, 1:00 - 4:00 n.h.
PAMAMARAAN: sa pamamagitan ng Zoom
TAGAPAGSALITA 1: Dr. Jayson Petras (UP Diliman)
TAGAPAGSALITA 2: Dr. Wennielyn Fajilan (UST)
---
Para mapadalhan ng mga detalye tulad ng Zoom credentials at daloy ng programa, sagutan ang registration form sa ibaba o i-scan ang QR code bago o hanggang sa 11 Setyembre 2025 (11:59 ng gabi) lamang.
Link sa rehistrasyon: bit.ly/UPRHSBNW2025Webinar2
Kitakits po tayo! βπΌ
04/09/2025
PABATID! PABATID! PABATID!
Opisyal nang isinara ang pre-registration form ng Webinar 1 para sa publiko na itinataguyod ng UPRHS Departamento ng Filipino katuwang ang Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman na magaganap sa Sabado, Setyembre 6, 2025, 1:00-4:00 NH, via Zoom.
Naipadala na sa e-mail ng mahigit 500 na nagpre-register ang mga detalye ng Zoom Meeting at pinal na programa para sa Sabado.
Sa mga nais pang humabol, antabayanan ang mga updates at/o anunsyo kung muling bubuksan ang pre-registration form sa mga susunod na araw.
Magkita-kita tayo at isulong ang Wikang Filipino at mga Wika sa Pilipinas! βπ»
02/09/2025
[LIBRENG WEBINAR]
Inaanyayahan ang mga g**o, pre-service teachers, mag-aaral sa kolehiyo, at lahat ng mga nagpapahalaga't nagtataguyod sa wikang Filipino para sa isang libreng webinar (may e-sertipiko) na inihanda ng UPRHS Departamento ng Filipino, katuwang ang Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman, bilang pakikiisa sa pinalawig na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.
---
PAKSA: "Batayang Pagsasalin ng mga Teknikal at Akademikong Teksto Tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa"
PETSA AT ORAS: 13 Setyembre 2025, 1:00 - 4:00 n.h.
PAMAMARAAN: sa pamamagitan ng Zoom
TAGAPAGSALITA 1: Dr. Jayson Petras (UP Diliman)
TAGAPAGSALITA 2: Dr. Wennielyn Fajilan (UST)
---
Para mapadalhan ng mga detalye tulad ng Zoom credentials at daloy ng programa, sagutan ang registration form sa ibaba o i-scan ang QR code bago o hanggang sa 11 Setyembre 2025 (11:59 ng gabi) lamang.
Link sa rehistrasyon: bit.ly/UPRHSBNW2025Webinar2
Kitakits po tayo! βπΌ