UPRHS Likha

UPRHS Likha

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UPRHS Likha, Bay.

Ang Linangan ng Imahinasyon at Kasiningan na Humuhubog sa mga Artista ng UPRHS (UPRHS LIKHA) ay ang opisyal na organisasyong panteatro, linangan ng malikhaing pagsulat at laboratoryo sa komunikasyong pasalita sa Antas Senior High School ng UPRHS.

Photos from UP Rural Student Council's post 22/11/2025

OPISYAL NA NAGKAKAISANG PAHAYAG NG
MGA ORGANISASYONG PANGMAG-AARAL NG UP RURAL HIGH SCHOOL

Sa mahigit na isandaang araw ng paglilitis at patuloy na imbestigasyon sa mga kaso ng korapsyon, wala pa rin napananagot at naikukulong. Ang mabagal na pagdinig sa usapin ng korapsyon ay patuloy na nagpapahina sa tiwala ng mamamayan sa mga institusyong dapat sana’y naglilingkod nang tapat at mahusay. Kapag hindi malinaw na nasasagot ang mga alegasyon sa maling paggamit ng pondo at kakulangan ng pananagutan mula sa Estado, tumitindi ang pagdududa at unti-unting nawawala ang kumpiyansa sa kredibilidad ng pamahalaan.

Kasabay nito, lumalaganap ang pagkalat ng disimpormasyon sa bansa. Sa panahon ngayon na madaling maakses ang impormasyon, mabilis magpakalat ng maling balita na nagdudulot ng kalituhan at pagkakahati-hati ng pananaw. Kapag hindi natutulungan ang publiko na makita ang tama at tunay na impormasyon, humihina ang kakayahan ng lipunan na makabuo ng matalinong pasya at kritikal na pagtingin sa mga isyung pampolitikal at pang-ekonomiya na humahamon sa ating panahon.

Sa mga nagdaang buwan, mas nagiging malinaw sa sambayanan ang pag-iral ng sistematiko at organisadong korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ang administrasyong Marcos–Duterte ay simbolo ng politikal na dynastiya na nagtataguyod ng pagpapanatili sa kapangyarihan ng iilang pamilya, na nagbubukas ng plataporma para sa pang-aabuso at hindi makatarungang paggamit ng Estado sa kaban ng Taumbayan. Sa ilalim ng ganitong kondisyon, nagiging abot-kamay ang paglustay sa pondo ng bayan para sa pansariling interes sa halip na unahin ang kapakanan ng sambayanan.

Hindi lamang sa sangay ehekutibo umiiral ang korapsyon; may dispalinghadong alokasyon ng pondo sa lehislatura sa anyo ng insertions, commissions at overpriced na mga materyal sa paggawa, kahinaan sa pagpapatupad ng batas sa hudikatura, at protektahan ang mga naghaharing-uri. Isa sa konkretong halimbawa ng ganitong korapsyon ang mga tinatawag na “ghost projects” o pondo para sa proyekto na hindi naman talaga umiiral, na nagreresulta sa pag-aaksaya ng pondo ng bayan. Dagdag pa, ang kabi-kabilang substandard na mga imprastraktura at pasilidad na pangmatagalang tulong sana sa mamamayan kung hindi tinipid o ibininbin ang paggawa.

Bahagi ng lumalalang kultura ng panggigipit, patuloy rin ang malawakang red-tagging at militarisasyon bilang pwersa ng estado laban sa mga pumupuna at nagsisiwalat ng katotohanan, inaatake at dinarahas ang mga indibidwal o grupo na may naninindigan at nagsisiwalat sa mahabang panahon ng korapsyon at pagsasamantala sa bayan, nagsisilbing banta sa kanilang kaligtasan at pagyurak sa demokratikong karapatan sa malayang pagpapahayag ang kinakaharap nila. Higit kailanman, pangangailangan ang hindi mabubuwag na paninindigan at tuloy-tuloy na pagkilos mula sa iba’t ibang saray-panlipunan upang ipaglaban ang transparency, integridad, at tunay na pananagutan mula sa gobyerno na singilin ang mga nasa likod ng bilyong-bilyong halaga na ninanakaw sa sambayanan.

Nananawagan ang mga organisasyong pangmag-aaral ng UP Rural High School na hatulan at pagbayarin ang mga korap at pahirap sa bayan. Ang kolektibong pagkilos na ito ay nagbibigay-paalala na ang nagkakaisang lakas ng taumbayan ay may kakayahang manindigan at may kapangyarihan na magsulong ng pagbabago at paglaya mula sa bulok at mapanlinlang na sistema na ang nakikinabang lamang ay mga Burukrata-Kapitalista, Imperyalistang mga bansa, at mga dayuhang nambabarat sa ating likas-yaman at paggawa.

Taas-kamaong nagkakaisa at nagpapanawagan ang mga Organisasyong Pangmag-aaral ng UP Rural High School sa kasamang mga Iskolar ng Bayan para sa Bayan, kaguruan, REPS, at kawani sa Unibersidad na matamang magsuri, makinig, at magpahayag ng pagtindig sa tama at makatarungan. Ang pag-asa para sa mabuting kinabukasan ay hindi maglalaho hangga’t may handang kumilos at magsulong ng sistematikong pagbabago. Sa sama-samang pagbuwag sa nakagawiang tradisyon ng korapsyon, opresyon at at pambubusabos. Tayo ang Bayan! Tayo ang pag-asa!




JHS:
UPRHS Algeotrics, UPRHS DTESS, UP Rural High School Filipiniana Dance Troupe, Economics Club, UPRHS Speech and Dramatics Club, Samahang Diwa at Panitik, USAPintor, UPRHS Debate Society, Glee Club, The Ruralite

SHS:
, UPRHS Maestro, UPRHS Debate Society, UPRHS Masiklab, Peer Faciliator Circle UPRHS Likha, Samahang Indak, The Ruralite

Photos from UPRHS Likha's post 17/10/2025

🎨 Halina’t kilalanin ang mga bagong opisyal ng UPRHS LIKHA! 🎭

✨ Sa patuloy na pagtataguyod ng sining bilang tinig ng bayan at kasangkapan ng pagbabago, narito ang mga bagong opisyal ng Linangan ng Imahinasyon at Kasiningang Humuhubog sa mga Artista ng Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas (UPRHS LIKHA) ✨

Sa kanilang pamumuno, nawa’y higit pang sumigla ang sining na nag-uugat sa dangal, husay, at paglilingkod sa Unibersidad at Bayan.

Padayon, mga Likha! 🌻

Photos from UPRHS Likha's post 05/10/2025

Ngayong araw ng mga g**o 📚✒️, nais naming i-alay itong tula para sa mga tagapagturo ng UPRHS, ang aming pangalawang tahanan 🏠 at minumutyang suporta 💗 sa aming buhay-estudyante.

Tutuldukan ang sesyon sa pagpupunas ng pisara,
Sa hiling na ang itinuro’y manatili’t ‘di mabura.
Lalabas sa silid, bubuntong-hininga.
Hindi pa pwedeng simulan ang pahinga.

Sa pag-uwi, papel ang hapunan.
Magche-check, magsusulat, mag-iisip ng agahan.
Bago humiga’y pagsasabayin ang bahay at paaralan,
Saka ibabagsak ang bigat, bitbit uli kinabukasan.

Hindi nagtatapos ang kwento sa eskwelahan.
May mga g**ong lumalagpas, gumagawa ng daan
Tinuturo ang mga kwentong humihingi ng katarungan,
At sa pagsusulat, iginuguhit ang anyo ng bayan.

Silang tumitindig para sa pagbabago,
Kahit paulit-ulit sinisikil ng estado.
Tinatakot, pinatatahimik, pinipilit sumunod sa panuto,
Mas lalo lamang pinipiling katotohanan ang ituro.

Ang ating mga g**o’y higit sa tagapagturo,
Katarungan ang ipinaglalaban, sa mundong nanonood
At kahit muli’t muling lunurin ng pagod,
Sa bayan pa rin, tapat na naglilingkod.

Maligayang Araw ng mga G**o rin kay Sir Jason Pozon, ang minamahal na adviser ng UPRHS Likha ! 🍎💖


**o

25/09/2025

Binisita ng mga Mangyan-Iraya mula sa Sitio Malatabako, Abra de Ilog, Occidental Mindoro ang UP Rural High School kahapon, Setyembre 24, 2025.

Ibinahagi ng mga katutubo ang kanilang kasalukuyang kalagayan sa harap ng higit sa isang taon nang mga pandarahas, pagbakod sa lupang ninuno, pagsira sa mga pananim at kabahayan, at pagharang sa suplay ng mga pagkain. Ang ganitong karanasan ng mga katutubo ay nagdulot ng kagutuman, sakit, at labis na takot sa hanay ng mga kabataan at nakatatandang Mangyan-Iraya lalong-lalo na ang mga naiwan sa loob ng binakurang lupain.

Bilang paunang suporta, nagpaabot ng tulong pinansyal ang paaralan mula sa kinita sa solidarity shirt na pinangunahan ng UPRHS Departamento ng Filipino bilang bahagi ng pinalawig na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.

Panawagan ng mga Mangyan-Iraya sa mga Ruralite at sa buong sambayanan, suportahan ang kanilang kampanya at ipagtanggol ang Sitio Malatabako upang matigil na ang iba’t ibang atake sa hanay ng mga katutubo!



Photos from UPRHS Likha's post 05/09/2025

Taps-pusong pasasalamat ang ipinaaabot nina Madame Oracle, Diwatang Ina at lahat ng bumubuo ng UPRHS LIKHA. ✨

Salamat sa lahat ng bumisita, nakichika at nakigulo sa aming booth kanina. Isa na namang makulay, makabuluhan at mapagpalayang taon ng paglikha ang ating sama-samang pagsasaluhan, kaya kung hindi ka pa nakakapagpamiyembro, sagutan ang form na ito: https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9

May lugar ka rito:
✅ Magtanghal 🎭
✅ Magsulat 🖊️
✅ Magpahayag 🗣️

Imagine. Inspire. Ignite.
Lumikha at magpalaya sa LIKHA! ✊🏻✊🏻✊🏻

05/09/2025

‼️ ORG FAIR ALERT ‼️

Kilalanin at makipagchikahan kay Diwatang Ina, Madame Oracle at sa mga Artista ng Bayan ✊🏻

Palayain ang sarili sa Likha Freedom Wall, tumambay sa photobooth at alamin ang iyong kapalaran ☺️

Magkita-kita tayo mamaya sa booth ng UPRHS LIKHA! ✨

Magpalaya at lumikha sa LIKHA!

Ngayong Araw ng mga Bayani 🇵🇭, kinikilala ang mga bayaning nag-alay ng buhay para sa bayan. Heroes who empowered the pen to collectively transform ✍️, the voice to ignite hope 🎶, and the stage to shape history 🎭.

May kwento 📝 ka bang nais ibahagi? May tinig 🎙️na nais marinig? O di kaya’y may naiibang danas na nais itanghal?

Hindi mo kailangang maging mahusay na at/o may karanasan upang sumali sa aming club, sapat na ang kagustuhang lumikha at pagmamahal sa sining ng teatro, malikhaing pagsulat at komunikasyong pasalita!

Halina’t sumali sa UPRHS LIKHA — ang linangan ng mga artista ng bayan at alagad ng sining. Step up and be the hero we need— you 🫵 are able to champion art that speaks, inspires, and fights for the people! 🎨🔥

🔗 I-click lamang ang link upang makapagparehistro
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9

Lumikha at magpalikha sa UPRHS LIKHA ✊

Photos from UPRHS Likha's post 31/08/2025

Nakilahok ang UPRHS LIKHA sa Linangan 2025: Seminar-Worksyap sa Pagsulat ng Dula at Praktika ng Malikhaing Pagkukwento bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa UPRHS.

Nagbaliktanaw sa kasaysayan, katuturan at batayang simulain sa pagbuo ng dula na may mga indibidwal na pagsasanay sa umaga na sinundan sa hapon ng pagtalakay sa sining ng pagkukwento na may pangkatan at isahang pagsasanay naman.

Pasasalamat at pagkilala sa mga naging tagapagsalita at tagapagsanay na sina Sir Ralph Jade Tampal at Ma'am China Patria De Vera.

Para sa marami pang mga worsyap at gawaing lilinang sa inyong talento at potensyal sa pagtatanghal, pagsulat at pagsasalita, sumali at magpasali sa UPRHS LIKHA:

https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9

Hanggang sa Setyembre 5, 2025 pa ang pagpapamiyembro, kaya join na!

Mabuhay ang Wika, Panitikan at Sining para sa Bayan! ✊🏻

-----
Kuhang mga larawan mula sa UPRHS Departamento ng Filipino

25/08/2025

Ngayong Araw ng mga Bayani 🇵🇭, kinikilala ang mga bayaning nag-alay ng buhay para sa bayan. Heroes who empowered the pen to collectively transform ✍️, the voice to ignite hope 🎶, and the stage to shape history 🎭.

May kwento 📝 ka bang nais ibahagi? May tinig 🎙️na nais marinig? O di kaya’y may naiibang danas na nais itanghal?

Hindi mo kailangang maging mahusay na at/o may karanasan upang sumali sa aming club, sapat na ang kagustuhang lumikha at pagmamahal sa sining ng teatro, malikhaing pagsulat at komunikasyong pasalita!

Halina’t sumali sa UPRHS LIKHA — ang linangan ng mga artista ng bayan at alagad ng sining. Step up and be the hero we need— you 🫵 are able to champion art that speaks, inspires, and fights for the people! 🎨🔥

🔗 I-click lamang ang link upang makapagparehistro
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9
https://forms.gle/RjQEBfZSCiDVctUv9

Lumikha at magpalikha sa UPRHS LIKHA ✊

17/08/2025

This is it, pancit!

Tuluyan na ngang nag-rebranding reveal ang SDP-SHS, ang UPRHS LIKHA 🥳!

Kaya slay ka man o nagsisimulang gumanap sa teatro 🎭, magmalikhaing pagsulat ✍️ at magsalita sa harap ng madla 🎤, welcome na welcome ka rito! Baka ito na ang sign na hinihintay mo....

Kung interested ka o nais na i-push ang potential craft at talent mo, abangan ang UPRHS LIKHA sa club recruitment week 🤩!

Takits, mga artista, manunulat at mambibigkas ng Bayan para sa Bayan! ✊🏻

Want your school to be the top-listed School/college in Bay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Bay

Website

Address

Bay
4033