09/02/2026
๐๐ถ๐บ๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด ๐๐ป๐๐ฟ๐ #๐ญ
Dumating ka sa buhay ko nang hindi ko inaasahan, parang ordinaryong araw lang na akala ko alam ko na ang takbo, pero biglang may liko palang hindi ko nakita. Dati isa ka lang estudyante na nadaanan ko sa hallways, sa labas, sa mga sandaling walang pangalan at walang kahulugan, tapos ngayon ikaw na pala yung dahilan kung bakit natututo akong maghintay at mangarap kahit may takot na nadarama.
Sinong mag-aakala na yung simpleng sulyap ay hahantong sa pag-aalaga, sa pagkapit, sa pagmamahal na tahimik pero malalim, yung tipong dahan-dahan kang binabago nang hindi ka tinatanong kung handa ka na ba talaga. Minahal kita nang sobra, hindi dahil perpekto ka, kundi dahil totoo ka, at doon ako natuto kung paano maging totoo rin sa sarili ko.
Masaya, oo, sobra, yung klaseng saya na gumagaan ang dibdib kahit pagod na sa mundo, yung pagmamahal na parang tahanan kapag pagala-gala ang isip. Pero kasabay ng saya, may bigat ding sumasabay, hindi sumisigaw pero ramdam, parang alon na paulit-ulit bumabalik kahit pilit mong iwasan ang sakit.
Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung dahil ba sayo ko lang naranasan yung ganitong lalim ng saya at ganitong tindi ng pagmamahal, o dahil ba natuto lang talaga akong magmahal nang walang reserba, walang takas, walang atrasan.
Ngunit ngayon, tapos na ang ating pahina. Alam kong masakit, alam kong pareho tayong nasasaktan, at kahit pilitin kong intindihin, may mga bagay talagang hindi na maibabalik sa dati. Hindi dahil kulang, hindi dahil mali, kundi dahil may mga kwentong kailangang huminto kahit mahal pa. Pero mananatili ang pahinang โto. Tahimik, totoo, at puno ng alaala. Ang pahinang paulit-ulit kong babalikan, hindi para masaktan, kundi para alalahanin na minsan, may dumating sa buhay ko nang hindi ko inaasahan, at minahal ko siya nang buong-buo.
Gusto ko lang sabihin na lagi kang maging masaya, yung klaseng saya na hindi mo kailangang ipaglaban o ipaliwanag kanino man, yung saya na payapa at sapat. Susuportahan kita kahit sa malayo, kahit hindi na ako bahagi ng araw-araw mong kwento, kahit iba na ang kasabay mong mangarap at tumawa. Pipiliin ko pa ring ipagdasal ang kapayapaan mo, pipiliin ang ikabubuti mo kaysa sa pagkapit ko, pipiliin ang pagbitaw kahit masakit.
At kahit wala na ako sa tabi mo, kahit wala na akong karapatang humawak, magtanong, o manatili, huwag na huwag mong kakalimutan na may nagmamahal sayo nang buong-buo, nang walang kondisyon, at walang pagsisisi. Nandito ka pa rin lagi, sa puso ko, sa mga alaala na hindi ko kailangang burahin, sa pagmamahal na kahit tapos na ang kwento, mananatiling totoo.
Paalam, prinsesa ko ๐
-snsn