SIES SPTA 2026-2028

SIES SPTA 2026-2028 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SIES SPTA 2026-2028, School, Bay.

Maraming salamat po sa Aldemitaโ€™s Pharmacy sa inyong masarap na sandwich na ipinamiryenda para sa ating San Isidro Eleme...
18/07/2026

Maraming salamat po sa Aldemitaโ€™s Pharmacy sa inyong masarap na sandwich na ipinamiryenda para sa ating San Isidro Elementary School Kundayan Dancers. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong kabutihang-loob at walang sawang suporta sa ating mga batang mananayaw. Nawaโ€™y patuloy pa po kayong pagpalain at pagyamanin ng Poong Maykapal. Maraming salamat po! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š

Maraming salamat po kina Mr. Andrew Vitonio at Alma Caristea sa inyong ibinigay na juice bilang pamiryenda, at sa SPTA O...
17/07/2026

Maraming salamat po kina Mr. Andrew Vitonio at Alma Caristea sa inyong ibinigay na juice bilang pamiryenda, at sa SPTA Officers sa masarap na biscuits para sa ating mga San Isidro Elementary School Kundayan Dancers.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong kabutihan, suporta, at pagmamahal sa ating mga kabataan. Nawaโ€™y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal at suklian ang inyong kabutihang-loob. ๐Ÿ’–๐Ÿ™

Maraming salamat po kina Dra. Anna Casantusan at Mrs. Jacinta Domingo sa inyong masarap na pansit na ipinamiryenda para ...
15/07/2026

Maraming salamat po kina Dra. Anna Casantusan at Mrs. Jacinta Domingo sa inyong masarap na pansit na ipinamiryenda para sa ating mga San Isidro Elementary School Kundayan Dancers.

Malaking tulong po ang inyong kabutihang-loob at suporta sa ating mga batang mananayaw. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kasaganaan, at higit pang biyaya. Maraming salamat po! ๐Ÿ’š

Maraming salamat po kay SPTA Secretary Joan Genil sa inyong masarap na sopas para sa ating San Isidro Elementary Kundaya...
14/07/2026

Maraming salamat po kay SPTA Secretary Joan Genil sa inyong masarap na sopas para sa ating San Isidro Elementary Kundayan Dancers. ๐Ÿ’š

Malaking tulong po ang inyong kabutihang-loob upang mabigyan ng lakas at sigla ang ating mga mananayaw sa kanilang patuloy na pagsasanay. Nawaโ€™y pagpalain pa po kayo ng Diyos at suklian ang inyong kabutihan.

Maraming salamat po! ๐Ÿ’•

Unang araw ng practice ng San Isidro Elementary School Kundayan 2026! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บMaraming salamat po, Mrs. Joyce Magpantay, sa in...
13/07/2026

Unang araw ng practice ng San Isidro Elementary School Kundayan 2026! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ

Maraming salamat po, Mrs. Joyce Magpantay, sa inyong masarap na pamiryenda para sa ating mga Kundayan dancers. ๐Ÿ’–

Malaking tulong at inspirasyon po ang inyong kabutihang-loob sa ating mga mag-aaral. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at ibalik sa inyo nang siksik, liglig, at umaapaw ang lahat ng inyong kabutihan.

Maraming salamat po at God bless! ๐Ÿ™๐Ÿ’™

๐ŸŽ‰ Happy Birthday, Christine Quintos Baculbas! ๐ŸŽ‚๐Ÿ’Wishing you a day filled with love, joy, and countless blessings. Thank ...
07/07/2026

๐ŸŽ‰ Happy Birthday, Christine Quintos Baculbas! ๐ŸŽ‚๐Ÿ’

Wishing you a day filled with love, joy, and countless blessings. Thank you for your dedication, commitment, and valuable service as SPTA PIO โ€“ Purok 2. May God bless you with good health, happiness, and continued success in everything you do.

Enjoy your special day! ๐Ÿฅณ๐ŸŽˆ

Greetings from your San Isidro Elementary School SPTA Family. ๐Ÿ’š

Magandang araw po sa ating lahat.Pasensya na po sa kaunting pagbabago sa design ng ating T-shirt. Sa halip na buong pang...
07/07/2026

Magandang araw po sa ating lahat.

Pasensya na po sa kaunting pagbabago sa design ng ating T-shirt. Sa halip na buong pangalan, first name na lamang po ang ilalagay sa likod dahil medyo mas mahal po ang gagamiting pantatak na vinyl rubberize.

Upang maging maganda pa rin ang itsura ng uniform, medyo palalakihan na lamang po natin ang first name sa likod. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta. ๐Ÿ’š

Excited na rin po kaming ibalita na kapag natapos na ang ating uniforms, magkakaroon po tayo ng official photoshoot para sa ating HPTA officers. ๐Ÿ“ธโœจ

Maraming salamat po, at excited na po kaming makita kayong lahat suot ang ating bagong uniform!

06/07/2026

SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL

School Parents-Teachers Association (SPTA)

House Rules and Core Values

Upang mapanatili ang kaayusan, pagkakaisa, integridad, at transparency sa pamamahala ng SPTA, ang lahat ng opisyal ay inaasahang sumunod sa mga sumusunod na alituntunin at pagpapahalaga:

1. Transparency and Accountability

Lahat ng desisyon, koleksiyon, at paggamit ng pondo ng SPTA ay dapat maging malinaw, maayos na naitatala, at naiuulat sa mga miyembro.

2. Responsible Use of SPTA Funds

Ang pondo ng SPTA ay gagamitin lamang para sa mga opisyal na programa, proyekto, aktibidad, at mga pangangailangan ng paaralan na may kaukulang pag-apruba ng SPTA Officers.

3. Official Expenses Only

Ang mga gastusing may kaugnayan sa opisyal na gawain ng SPTA ay maaaring i-charge sa SPTA Funds kung ito ay naaprubahan at may kaukulang resibo o iba pang katibayan ng gastos.

4. Personal Expenses

Ang mga personal na gastusin ng sinumang opisyal ay hindi maaaring i-charge sa SPTA Funds.

5. Meals and Snacks Policy

Kung ang mga SPTA Officers ay magkakaroon ng meryenda o pagkain sa isang meeting o pagtitipon na hindi bahagi ng opisyal na gastusin ng SPTA, ito ay KKB (Kanya-Kanyang Bayad).

6. Respect and Professionalism

Ang bawat opisyal ay inaasahang magpakita ng paggalang, maayos na pakikitungo, disiplina, at propesyonalismo sa lahat ng oras.

7. Attendance and Active Participation

Hinihikayat ang lahat ng opisyal na regular na dumalo sa mga pagpupulong at aktibong makilahok sa mga proyekto, programa, at aktibidad ng SPTA.

8. Unity and Teamwork

Ang bawat opisyal ay dapat magtulungan, magkaisa, at magbigay ng suporta sa isaโ€™t isa para sa ikabubuti ng paaralan at ng mga mag-aaral.

9. Proper Documentation

Lahat ng koleksiyon, donasyon, at gastusin ay dapat may kumpletong dokumentasyon, resibo, at maayos na financial records para sa transparency at audit purposes.

10. Integrity in Service

Ang bawat opisyal ay inaasahang maglingkod nang may katapatan, integridad, pananagutan, at malasakit, na inuuna ang kapakanan ng mga mag-aaral, paaralan, at buong komunidad.

SPTA Core Values

* S โ€“ Service (Tapat na Paglilingkod)
* P โ€“ Partnership (Pagkakaisa at Pakikipagtulungan)
* T โ€“ Transparency (Katapatan at Pananagutan)
* A โ€“ Accountability (Responsableng Pamumuno)

โ€œNagkakaisa ang mga Magulang at G**o para sa Mas Maunlad na Kinabukasan ng mga Batang San Isidro.โ€

Bilang SPTA President ng San Isidro Elementary School, dumalo po tayo sa Session ng Sangguniang Barangay San Isidro kasa...
06/07/2026

Bilang SPTA President ng San Isidro Elementary School, dumalo po tayo sa Session ng Sangguniang Barangay San Isidro kasama sina SPTA Vice President Ro Xanne, SPTA Treasurer Ca Mi Lle, at SPTA Auditor Vilma Carandang upang humiling ng suporta para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kundayan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating mga opisyal ng barangay, lalo na kay Kapitan Larry Lopez, sa kanilang mainit na pagtanggap at sa kanilang kahandaang makiisa at sumuporta sa mga programa at proyekto ng ating paaralan.

Naniniwala po kami na sa patuloy na pagtutulungan ng paaralan, barangay, at buong komunidad, mas magiging matagumpay ang ating mga adhikain para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po, Sangguniang Barangay San Isidro, sa inyong patuloy na suporta. Sama-sama po nating isulong ang isang mas maunlad at mas matagumpay na Kundayan 2026! ๐Ÿ’š๐Ÿค๐Ÿ“š

๐Ÿ“ข FUNDRAISING RAFFLE TICKET ANNOUNCEMENTMagandang araw po sa ating mga magulang at mag-aaral!Bilang bahagi ng ating fund...
06/07/2026

๐Ÿ“ข FUNDRAISING RAFFLE TICKET ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa ating mga magulang at mag-aaral!

Bilang bahagi ng ating fundraising activity, bawat mag-aaral ay bibigyan ng 10 pirasong raffle tickets. Ang halaga ng bawat ticket ay โ‚ฑ10.00.

Ang malilikom na pondo mula sa raffle na ito ay gagamitin bilang pandagdag sa gastusin para sa pagdiriwang ng Kundayan sa Agosto 25, 2026.

Umaasa po kami sa inyong buong suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito para sa kapakinabangan ng ating paaralan at mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at kooperasyon! ๐Ÿ’š

Address

Bay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SIES SPTA 2026-2028 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category