26/08/2026
Mensahe ng Pasasalamat
Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras upang dumalo at makiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika ng inyong mga anak. Ang inyong presensya, suporta, at pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay at kasiyahan ng ating mga munting mag-aaral. 🇵🇭❤️
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta. Sama-sama nating ipagdiwang at pagyamanin ang pagmamahal ng ating mga anak sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Mabuhay po kayo! 🌺🇵🇭
Maraming Salamat po, mga Sangguniang Kabataan ng Marawoy sa pangunguna ni Sk Chairwoman Mhay Kathleen Y. Olan at sa kanyang mga SK Councilors.