16/08/2026
ANUNSYO MANABAHISIANS!๐ฃ
Batay sa opisyal na anunsyo ng Municipal Risk Disaster Reduction Management Office Nasugbu, Batangas at sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, muling pinaaalalahanan ang lahat na ang kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad. Dahil dito, pansamantalang isinususpinde ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa lunes, August 17, 2026 upang maiwasan ang anumang panganib na maaaring idulot ng masamang panahon.
Sa kabila nito, mananatiling tuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL). Sa ganitong paraan, napapanatili ang daloy ng edukasyon habang binibigyang-halaga ang kapakanan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani.
Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, ligtas, at handa. Sama-sama nating harapin ang hamon ng panahon nang may pag-iingat at responsibilidad.