29/08/2024
Personal na ipinaabot ng mga dati na at kasalukuyan pang iskolar ng ating bayan ang kanilang pakikiramay sa Ama ng mga isko ng Bayan na si Vice Mayor Jurly Manalo, ngayong gabi, Huwebes, ika-29 ng Agosto sa Ginga Farm, Sawang, Lobo, Batangas.
Si Vice Mayor Jurly Manalo ang alkalde ng Bayan ng Lobo noong panahon na naitatag ang mga unang iskolar ng Bayan sa ilalim ng kanyang proyekto na magpa-hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy ng kanyang butihing asawa at Ina ng mga isko ng Bayan na si Mayora Lota Manalo na kasalukuyang alkalde ng Bayan ng Lobo.
Taos puso po kaming nagpapasalamat sa tulong, suporta at pagmamahal na naibigay ni Vice Mayor Jurly Manalo sa amin. Hindi namin siya malilimutan at ang kanyang magiting na paglilingkod sa Bayan ng Lobo.