20/07/2024
Brigada Eskwela 2024! 📣
July 22-27, 2024
Tara na sa Talisay ES! Halina't maki-Brigada na! ❤️
Magandang araw po! Simula sa Lunes, July 22, 2024 ay pormal na sisimulan ang Brigada Eskwela sa Talisay Elementary School sa pamamagitan ng isang Kick Off Program. Malugod po namin kayong inaanyayahan (mga mag-aaral, mga magulang, mga alumni, mga pribado at pampublikong indibidwal at samahan) na boluntaryong makiisa sa paglilinis, pagsasaayos, at paghahanda ng ating paaralan sa darating na pagbubukas ng klase ngayong July 29, 2024 para sa taong panuruan 2024-2025.
Ang inyo pong tulong, oras, at donasyon ay napakalaki pong bahagi sa pagsasaayos ng mga pasilidad para sa maginhawang pag-aaral ng mga bata.
Maraming salamat po! Kita-kits, Brigada Heroes 🫶