04/06/2026
๐ข๐ฉบ School Readiness Health Reminders
Malusog na katawan, handa sa pagkatuto! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral para sa ligtas at masiglang pagbubukas ng klase. ๐๐
03/06/2026
๐๐ซ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐ซ๐
Isang malaking hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral ang kasalukuyang isinagawang ground leveling at site improvement sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga panambak at pagpapatag ng lupang hindi pantay, unti-unti nating naihahanda ang mas maayos na school grounds na magiging kapaki-pakinabang sa buong komunidad ng paaralan.
Lubos at taos-puso po kaming nagpapasalamat kay ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐จ โ๐๐จ๐ง๐ โ ๐๐๐ sa kanyang kabutihang-loob at pagpapagamit ng heavy equipment na naging susi upang maisakatuparan ang gawaing ito. Hindi magiging posible ang proyektong ito kung wala ang kanyang suporta at malasakit sa edukasyon.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ Engr. ๐๐๐ซ๐ข๐จ ๐. ๐๐ฎ๐ง๐ข๐จ na naging daan upang maisulong ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng ating paaralan.
Gayundin, taus-puso kaming nagpapasalamat sa ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ-๐๐๐๐๐ก๐๐ซ ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐๐) sa pangunguna ni ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ง๐ข๐ ๐. ๐๐๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ญ๐, kasama ang lahat ng mga magulang, g**o, at stakeholders na patuloy na nakikiisa sa mga programa at proyekto ng paaralan.
Ang proyektong ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit, mas marami tayong magagawang pagbabago para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta!
01/06/2026
๐๐ค BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM
Matagumpay na naisagawa ng Don Eulogio Luistro Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program na may temang:
โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.โ
Taos-pusong pasasalamat kina G. Regalado A. Luistro at Gng. Loreta B. Luistro sa kanilang ipinagkaloob para sa kapakinabangan ng ating paaralan at mga mag-aaral. Ang kanilang malasakit at pagmamahal sa edukasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Mario M. Gunio, sa ating SPTA President Sonia Samarita, sa mga magulang, stakeholders, volunteers, at sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, at resources upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Ang inyong pakikipagbayanihan ay patunay na sa pagkakaisa ng paaralan at komunidad, mas nagiging handa tayo sa paghubog ng isang ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto.
Sama-sama nating isulong ang diwa ng Bayanihan sa Paaralan! Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. ๐๐
18/05/2026
๐ฃ๐ OPLAN BALIK ESKWELA 2026โ2027 | PUBLIC ASSISTANCE COMMAND CENTER (PACC)
Malugod na tinatanggap ng Don Eulogio Luistro ES ang lahat ng mga mag-aaral, magulang, guardians, at stakeholders para sa panibagong taong panuruan! ๐๐
Bilang paghahanda sa ligtas, maayos, at matagumpay na pagbubukas ng klase, narito ang mga mahahalagang petsang dapat tandaan:
๐ IMPORTANT DATES TO REMEMBER
๐๏ธ Enrollment Period
๐May 4 โ June 5, 2026
๐๏ธ Brigada Eskwela 2026
๐June 1 โ 5, 2026
๐๏ธ Oplan Balik Eskwela
๐June 1 โ 12, 2026
๐๏ธ Opening of Classes
๐June 8, 2026
โจ Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ligtas, masaya, at makabuluhang pagbabalik-eskwela. Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging bahagi ng bayanihan para sa edukasyon!
๐ Para sa mga katanungan at concerns, bukas ang aming PUBLIC ASSISTANCE COMMAND CENTER (PACC).
12/05/2026
โจ Brigada Eskwela 2026 โจ
โBayanihan sa Paaralanโ
Nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman!
Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, alumni, volunteers, stakeholders, at buong komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Don Eulogio Luistro Elementary School. Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ligtas, maayos, at mas masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral. ๐๐
๐
June 1โ5, 2026
๐ Don Eulogio Luistro Elementary School
03/05/2026
ARAL Summer Program 2026 ๐
ARAL Summer Program is DepEd's commitment to strengthen foundational skills and support learners through focused, intensive, and meaningful remediation sessions.
๐๏ธVirtual Orientation: May 4, 2026 | 9:00โ10:30 AM
๐Via DepEd Philippines Facebook Live
๐Program Implementation: May 6 โ June 2, 2026 (MondayโThursday, Friday is for Home Learning)
Together, we continue to ensure that every learner is seen, supported, and empowered to succeed. ๐ฉต
Letโs make this summer a season of growth, recovery, and achievement for all learners! ๐ฑโจ
30/03/2026
Recognition Ceremony 2026๐๏ธ
Isang pagpupugay sa husay at galing ng ating mga mag-aaral mula Baitang 1โ5.
Ang bawat medalya ay simbolo ng kanilang pagsisikap at pangarap. ๐
Congratulations sa inyong lahat!
30/03/2026
๐โจ Palatuntunan ng Pag-angat Antas 2026 (Kindergarten) โจ๐
Sa temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkataoโ, buong puso nating naipagdiwang ang Pag-angat Antas ng ating mga munting mag-aaral sa Kindergartenโisang makulay at makabuluhang yugto na puno ng saya, pagkatuto, at unang tagumpay.
Ang simpleng seremonyang ito ay naging matagumpay dahil sa tulong at suporta ng ating mga katuwang sa komunidad. Taos-pusong pasasalamat sa Pampurok Tagamasid ng Purok ng Kanlurang San Juan maโam Sarah S. Saguin; sa ating panauhing tagapagsalita Gng. Emerlie Samarita Agojo; sa mga barangay officials sa pangunguna ni Kgg. Mario M. Gunio, at sa Samahan ng mga Magulang at G**o (SPTA) sa pangunguna ni Kgg. Sonia D. Samarita, sa kanilang patuloy na pakikiisa at suporta sa mga gawain ng paaralan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga g**o at mga magulang na walang sawang gumabay at sumuporta sa ating mga bata sa kanilang unang hakbang sa pag-aaral.
Sa ating mga batang nagsipag-angat antasโipagpatuloy ninyo ang inyong kasipagan, kabutihan, at pangarap. Malayo pa ang inyong mararating! ๐โจ
Congratulations, Kinder Completers! ๐๐
30/03/2026
๐ Palatuntunan ng Pagtatapos 2026 ๐
Sa temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkataoโ, matagumpay nating naipagdiwang ang pagtatapos ng ating mga mag-aaral.
Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay bunga ng pagkakaisa at walang sawang suporta ng buong komunidad. Taos-pusong pasasalamat sa Pampurok Tagamasid ng Purok ng Kanlurang San Juan maโam Sarah S. Saguin; sa ating panauhing tagapagsalita na si Gng. Zenaida Luzon Malicsi; sa mga barangay officials sa pangunguna ni Kgg. Mario M. Gunio; sa Samahan ng mga Magulang at G**o (SPTA) sa pangunguna ni Kgg. Sonia D. Samarita at sa ating mga g**o na buong pusong gumabay, humubog, at naglaan ng oras at dedikasyon para sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Sa ating mga nagsipagtaposโnawaโy patuloy ninyong dalhin ang mga aral at pagpapahalaga bilang gabay sa susunod na yugto ng inyong buhay.
Mabuhay ang Batch 2026! ๐โจ