DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas

DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas, San Antonio, City of Sto. Tomas, Batangas.

Deped Tayo San Antonio ES - Batangas is the authorized school's FB page for communicating to the stakeholders the mission and vision, program and projects, and incoming events of DepEd.

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 11/06/2026

MARAMING SALAMAT, SANGGUNIANG KABATAAN NG SAN ANTONIO! 💙

Labis ang tuwa at pasasalamat ng buong San Antonio Elementary School sa ipinakitang malasakit at suporta ng Sangguniang Kabataan ng San Antonio sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Grade 2.

Sa pangunguna nina SK Education Committee Head Julliana Ashley De Mesa at SK Chairperson Baby Ann E. Manarin, kasama ang mga masisipag na SK Officials, at sa suporta nina Barangay Captain Ulyses M. Rellama at ng mga Barangay Officials, naipadama ninyo ang tunay na diwa ng paglilingkod at pagkalinga sa kabataang San Antonio.

Dahil sa inyong kabutihang-loob, mas naging handa at inspirado ang ating mga munting mag-aaral sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan. Kaya naman, masaya at taos-puso ang pasasalamat ng mga magulang, mga mag-aaral, at mga g**o sa biyayang inyong ipinagkaloob.

Higit sa lahat, labis ang kagalakan at pasasalamat ni Ma'am Emmie H.Malolos, punong-g**o, sa pagmamalasakit at suporta na inyong ibinigay sa kanyang mga mag-aaral. T

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng kabataan. Nawa'y patuloy kayong maging instrumento ng pag-asa at inspirasyon sa ating komunidad.

💙 Ang San Antonio ay tunay na pinagpapala sa pagkakaroon ng mga lider na may malasakit sa edukasyon at kapakanan ng kabataan.
Photo Credits: https://www.facebook.com/profile.php?id=61553744253038

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 11/06/2026

THANK YOU, CHINA BANK SAVINGS!

San Antonio ES extends its heartfelt gratitude to China Bank Savings for the generous donation of a Canon G2210 Printer and printer inks.

This valuable contribution will greatly support our school's daily operations, particularly in the preparation and printing of learning materials, assessment tools, reports, and other educational resources that benefit both our teachers and learners.

We would also like to express our sincere appreciation to Sir Jolo and his team.

Thank you for being one of our partners in nurturing and empowering young minds. May your generosity continue to inspire others to support the cause of education.

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 10/06/2026

MATAGUMPAY NA PARENTS' CONVERGENCE 2026!
Matagumpay na naisagawa ng San Antonio Elementary School ngayong araw, Hunyo 10, 2026, ang Parents' Convergence: "Sama-Sama para sa Batang Bumabasa cm Anti-Bullying and Child Abuse-Free Campaign" bilang pakikiisa sa adbokasiya ng Kagawaran ng Edukasyon at SDO Sto.Tomas City sa pagpapalakas ng ugnayan ng tahanan at paaralan tungo sa ligtas at makabatang kapaligiran sa pagkatuto.
Sa pangunguna ni Dr. Emelda H. Malolos, punong g**o at kasama ng mga g**o, katuwang ang masisipag na opisyal ng SPTA sa pamumuno ni G. Jomar Malijan at ng kanyang mga kasamahan, naging matagumpay at makabuluhan ang gawaing ito.
Lubos na ikinagagalak ng paaralan ang napakaraming magulang at tagapag-alagang dumalo at nakiisa sa adhikaing maisulong ang kahalagahan ng pagbabasa, pag-iwas sa bullying, at pangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng bawat bata.
Isa sa mga naging mahalagang bahagi ng programa ang pagdalo ni Dr. Guillerma L.Bilog, SGOD Chief na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga programang sumusuporta sa kapakanan at proteksyon ng mga kabataan at pamilya.
Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pananagutan, taimtim na nanumpa ang mga magulang at lumagda sa Commitment Wall, bilang tanda ng kanilang pangako na maging katuwang ng paaralan sa pagtataguyod ng kulturang nagmamahal sa pagbabasa at nagsusulong ng isang ligtas, mapag-aruga, at child abuse-free na komunidad para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating itaguyod ang mga batang bumabasa, ligtas, at may magandang kinabukasan. Sapagkat sa pagkakaisa ng paaralan, pamilya, at komunidad, mas matatag nating maihahanda ang bawat bata sa tagumpay!

09/06/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO 📢

Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang, guardians, at stakeholders ng paaralan na makiisa sa ating Parents Convergence na gaganapin bukas, Hunyo 10, 2026 (Miyerkules), alas-8:00 ng umaga sa Covered Court ng Paaralan.

📚 Tema: “Sama-Sama Para sa mga Batang Bumabasa Cum Anti-Bullying and Child Abuse-Free Campaign ".

Ang inyong presensya at pakikiisa ay mahalaga sa pagtataguyod ng kalidad na edukasyon at kapakanan ng bawat bata.

Magtulungan tayo para sa tagumpay at kaligtasan ng ating mga mag-aaral!

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 08/06/2026

ISANG MASAYA AT MAPAGPALANG SIMULA NG TAONG PANURUAN 2026–2027

Maagang nagtipon ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang ng San Antonio Elementary School ngayong ika-8 ng Hunyo 2026 upang salubungin ang panibagong taong panuruan.

Sinimulan ang araw sa isang Flag Ceremony na ginanap alas-6:30 ng umaga sa pangunguna at pagkumpas ni G. Ronie E. Valladolid, g**o sa ika-5 baitang. Kasama rin sa mahalagang pagdiriwang sina Dr. Lilibeth L. Cabrera, PSDS, at Ma. Shiena Kaye M. Cruz na nagbigay ng kanilang suporta at gabay sa ating paaralan.

Naghatid naman ng mainit na pagbati ang ating Punong-Guro, na si Dr. Emelda H. Malolos, habang ibinahagi ni Dr. Lilibeth L. Cabrera ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Three-Term System at sa kahalagahan ng kahandaan sa anumang kalamidad na dahilan ng mga balakid sa pag-aaral. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Mas lalo pang naging masaya ang unang araw ng klase sa pagbisita ng ating kaibigang si Jollibee mula sa Jollibee Sto.Tomas na nagbigay ng ngiti at kasiyahan sa ating mga mag-aaral. Ang kanyang presensya ay naging bahagi rin ng mga gawaing sikososyal upang matulungan ang mga bata na magkaroon ng positibo at masayang karanasan sa kanilang pagbabalik sa paaralan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang pagbubukas ng klase. Sama-sama nating simulan ang taong panuruan na puno ng pag-asa, pagkatuto, at tagumpay!

Maligayang pagbabalik sa paaralan, mga batang San Antonio!

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 06/06/2026

🌸 Honoring a Remarkable Educator:
Congratulations on Your Retirement, Ma’am Charife S. Malvecino!

For 33 years of dedicated service in Deped, including 16 meaningful years at San Antonio Elementary School, Ma’am Charife has touched countless lives through her unwavering commitment to teaching and learning.

As one of the finest Master Teachers, she has been known for her high standards and discipline, yet behind that strictness was a heart full of passion, care, and genuine love for her learners. She inspired students to strive for excellence and guided them to become the best versions of themselves.

She nurtured not only the minds but also the talents, values, and character of her learners. Beyond the classroom, she served as a trusted consultant, adviser, and mentor to fellow teachers, generously sharing her knowledge, expertise, and wisdom.

Ma’am Charife's kindness, generosity, and willingness to help others have earned her the admiration and affection of colleagues, learners, parents, and the entire school community. She is truly loved by all and respected for the legacy she leaves behind.

As you begin this new chapter of life, may your retirement be filled with joy, good health, peace, and precious moments with your loved ones. Your impact on San Antonio Elementary School and on the lives of those you have mentored will never be forgotten.

Thank you, Ma’am Charife, for your 33 years of service, dedication, and love for education. Congratulations on your well-deserved retirement!

Once a teacher, always a teacher. Your legacy will continue to inspire generations to come.

❤️ See you around Ma'am Fe! ❤️

06/06/2026

The faculty, staff, learners, parents, and stakeholders of San Antonio Elementary School extend our sincerest gratitude to Ma'am Analiza L. Montero for her dedicated service, guidance, and support as our Public Schools District Supervisor in Cluster F.

Your leadership, commitment, and passion for quality education have greatly contributed to the growth and success of our school and the entire cluster. Your encouragement and guidance have inspired us to strive for excellence and to continuously serve our learners with dedication.

As you embark on a new journey in another cluster, we wish you continued success, good health, and happiness. May you continue to touch lives and make a positive impact wherever your service takes you.

Thank you for your contributions and for being a part of our San Antonio ES family. You will always be remembered with gratitude and respect.

💙 Good luck on your new station, Ma'am Ana! May God bless you abundantly in your future endeavors. 💙

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 06/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa ating School Parents-Teachers Association (SPTA) sa isang linggo na walang sawang paghahanda at pagbibigay ng masasarap na meryenda para sa ating mga volunteers at kaguruan sa panahon ng Brigada Eskwela 2026.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang, volunteers, at mga katuwang ng San Antonio Elementary School na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maging matagumpay ang ating Brigada Eskwela. Ang inyong bayanihan, pagkakaisa, at malasakit sa paaralan ay tunay na inspirasyon at malaking tulong sa paghahanda ng ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pagmamahal sa SAES. Sama-sama tayong nagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa bawat bata!

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 05/06/2026

Today, we were honored to welcome our new Public Schools District Supervisor, Ma'am Lilibeth Cabrera, during her school monitoring visit.
We warmly welcome Ma’am Cabrera, who previously served as PSDS of Cluster 1 and is now entrusted to lead and support schools under our new Cluster 4. We are grateful for her visit, valuable insights, and commitment to ensuring quality education for all learners.

We look forward to working with you and achieving greater success together. Thank you for your guidance and support!

Photos from DepEd Tayo San Antonio ES- Batangas's post 02/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa San Antonio TODA sa kanilang pakikiisa at walang sawang suporta sa Brigada Eskwela 2026 ng San Antonio Elementary School. Maraming salamat sa inyong oras, lakas, at dedikasyon sa pagpipintura ng mga grills ng bakod ng ating paaralan.

Ang inyong boluntaryong paglilingkod ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa edukasyon ng ating mga mag-aaral. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at maging inspirasyon sa iba upang makiisa sa pagbuo ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat po, San Antonio TODA! Mabuhay ang bayanihan!

Want your school to be the top-listed School/college in Batangas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

San Antonio, City Of Sto. Tomas
Batangas
4234