Deped Tayo Paraiso Es- Batangas Province

Deped Tayo Paraiso Es- Batangas Province PARAISO ELEMENTARY SCHOOL is a public elementary school located at barangay Paraiso, Calatagan, Batangas. It has a land area of 4,999 sq. m. -

It is about twelve kilometers away from district office of Calatagan

πŸ†πŸ“Έ CONGRATULATIONS! Buong pusong pagbati sa ating mag-aaral na nagkamit ng UNANG PWESTO sa Photojournalism – Filipino Ca...
09/09/2026

πŸ†πŸ“Έ CONGRATULATIONS!

Buong pusong pagbati sa ating mag-aaral na nagkamit ng UNANG PWESTO sa Photojournalism – Filipino Category sa ginanap na Division Schools Press Conference!πŸ₯‡πŸŽ‰ Alliah Faith Capacia

Ang natatanging tagumpay na ito ay bunga ng kanyang talento, sipag, dedikasyon, at husay sa larangan ng pamamahayag, kasama ang walang sawang paggabay at suporta ng kanyang coach na si Gng. Minerva Charyl de Jesus. πŸ‘πŸ’

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang karangalan ng ating mag-aaral at kanyang coach, kundi isang malaking karangalan din para sa buong Paraiso Elementary School! πŸ’™

Congratulations, Champion, at congratulations din po, Coach Avrenim Lyrach De Jesus !πŸŽ‰πŸ†πŸ“Έ

Patuloy ninyong itaas ang bandera ng Paraiso Elementary School!

Muli po ay ang taos pusong pasasalamat sa mga magulang na laging katuwang ng paaralan sa pagpapanatili ng kalinisan at k...
08/09/2026

Muli po ay ang taos pusong pasasalamat sa mga magulang na laging katuwang ng paaralan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Mabuhay po kayo!

Isang mainit na pagbati sa nagwagi at mga lumahok mula sa Paraiso Elementary School sa ginanap na Calatagan Sub-Office P...
08/09/2026

Isang mainit na pagbati sa nagwagi at mga lumahok mula sa Paraiso Elementary School sa ginanap na Calatagan Sub-Office Press Conference! πŸ“°βœοΈπŸ“· (September 2, 2026)

Alliah Faith P. Capacia - 2nd Place
Photojournalism-Filipino

Mj Mhary Anne B. Zara
News Writing-Filipino

Airish Mielle M. Anzaldo
Feature Writing Filipino

Wynn Edward C. Guico
Editorial Writing Filipino

Rayne B. Riva
Editorial Cartooning - Filipino

Laiza joy O. Helmo
Science and Technology Writing - filipino

Julia Xynelle C. Manalo
Editorial Cartooning - English

Princetone V. Caunceran
Sports Writing - Filipino

King Carlo A. Alcedo
Copy Reading and Headline Writing

Lubos naming ipinagmamalaki ang inyong ipinakitang talento, husay, determinasyon, at tapang. Sa ating mga nagwagi, CONGRATULATIONS! πŸŽŠπŸ‘ Nawa’y patuloy pa ninyong paghusayan ang inyong kakayahan habang dala-dala ang karangalan ng ating paaralan.

Sa lahat ng lumahok, tandaan na kayo ay mga panalo rin dahil buong tapang ninyong hinarap ang hamon at ipinakita ang inyong talento. Ang bawat karanasan ay hakbang tungo sa mas malaking tagumpay!

Congratulations, Paraiso Elementary School Campus Journalists! πŸ’šπŸ†

Patuloy na magsulat, magpahayag, at magningning!

We are so proud of you!πŸ‘πŸŽ‰

29/08/2026

🌟 PAROLA CALATAGAN SUB-OFFICE BEST PRACTICES, BUNGA NG MAHUSAY NA PAMUMUNO! 🌟

Ang bawat matagumpay na gawain ay nagsisimula sa isang lider na may malinaw na pananaw, malasakit, at dedikasyon. πŸ’™

Ipinagmamalaki natin ang mga Best Practices ng Calatagan Sub-Office, na patuloy na isinasabuhay sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, makabuluhang inobasyon, at matatag na pangako sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa ating mga g**o at mag-aaral.

Sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng District Supervisor, Dr. Ely Magsino, patuloy nating nakikita ang kahalagahan ng leadership, collaboration, innovation, at commitment tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating mga paaralan. πŸ‘

Isang Sub-Office. Isang Layunin. Isang Puso para sa Edukasyon. β€οΈπŸ“š

Mabuhay ang Calatagan Sub-Office!
Mabuhay ang ating mga g**o, school heads, stakeholders, at higit sa lahat, ang ating mga mag-aaral!

Buong-pusong pasasalamat sa MPTAF sa pagkakaloob ng sampung (10) hard hats para sa ating mga mag-aaral. Ang inyong supor...
04/08/2026

Buong-pusong pasasalamat sa MPTAF sa pagkakaloob ng sampung (10) hard hats para sa ating mga mag-aaral. Ang inyong suporta at malasakit ay malaking ambag sa pagtataguyod ng kaligtasan at kapakanan ng mga bata. Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa para sa mas ligtas at mas maunlad na paaralan.

Walang hanggang pasasalamat ang ipinaaabot ng Paraiso Elementary School sa ating District Supervisor, Dr. Ely Magsino  a...
22/07/2026

Walang hanggang pasasalamat ang ipinaaabot ng Paraiso Elementary School sa ating District Supervisor, Dr. Ely Magsino at sa ating butihing Mayor Rico B. Puno sa kanilang mahalagang suporta at pagkakaloob ng bakod para sa paaralan.

Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang sa pagpapatibay ng seguridad, kaligtasan, at maayos na kapaligiran sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Tunay na ang inyong malasakit at patuloy na pakikipagtulungan ay nagpapakita ng sama-samang adhikain na makapagbigay ng dekalidad at ligtas na edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa mga programa at pangangailangan ng aming paaralan. Nawa'y magpatuloy ang ating matatag na ugnayan para sa ikauunlad ng edukasyon at ng ating komunidad.

🌱 Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Sub-Office Nurses, Nars KC kasama si Nurse Jaime John Montealegre, sa kanilang pa...
22/07/2026

🌱 Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Sub-Office Nurses, Nars KC kasama si Nurse Jaime John Montealegre, sa kanilang pagbisita sa Paraiso Elementary School noong nakaraang Lunes (July 13, 2026) upang magsagawa ng Technical Assistance para sa pagpapatupad ng Gulayan sa Paaralan Program (GPP).

Ang inyo pagbabahagi ng kaalaman, mga rekomendasyon, at teknikal na paggabay ay malaking ambag sa patuloy na pagpapalakas ng programa tungo sa pagtataguyod ng wastong nutrisyon, seguridad sa pagkain, at paglinang ng kamalayang pangkalikasan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa pagtataguyod ng dekalidad at malusog na edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

Taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinaaabot sa ating PSDS, Dr. Ely Magsino at sa LGU Calatagan, Batangas sa pamumuno...
20/06/2026

Taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinaaabot sa ating PSDS, Dr. Ely Magsino at sa LGU Calatagan, Batangas sa pamumuno ni Mayor Rico B. Puno, sa pagkakaloob ng 55-inch TV para sa mga mag-aaral ng Paraiso ES. Ang inyong suporta ay malaking tulong sa pagpapabuti ng pagkatuto at paglikha ng mas makabuluhang karanasan sa loob ng silid-aralan. Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na pagsuporta sa edukasyon ng ating mga kabataan! πŸ’š

Ang unang araw ng klase ay naging mas makahulugan sa pagdalo ng aming PSDS, Dr. Ely Magsino sa Flag Raising ng paaralan....
08/06/2026

Ang unang araw ng klase ay naging mas makahulugan sa pagdalo ng aming PSDS, Dr. Ely Magsino sa Flag Raising ng paaralan. Ang inyo pong presensya ay nagsilbing inspirasyon at paalala na sa likod ng bawat g**o at mag-aaral ay may mga lider na handang gumabay at sumuporta.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong pagbisita, oras, at patuloy na malasakit sa kapakanan ng aming paaralan. Ang inyong suporta ay nagbibigay sa amin ng lakas at inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang aming paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.

Maraming salamat po at mabuhay ang edukasyon!

Maraming salamat po sa inyong cash donation at meryenda para sa aming mga volunteers sa Brigada Eskwela. Ang inyong kabu...
04/06/2026

Maraming salamat po sa inyong cash donation at meryenda para sa aming mga volunteers sa Brigada Eskwela. Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay lubos naming pinahahalagahan. Nawa'y pagpalain pa kayo nang higit! πŸ’™

Donors:
Rosemarie B. Riva - Php 500.00
Alliah Faith P. Capacia and Family - Foods

Address

Paraiso, Calatagan
Batangas
4215

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Tayo Paraiso Es- Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Deped Tayo Paraiso Es- Batangas Province:

Shortcuts

Share